22/07/2026
๐๐๐-๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐๐๐ ๐๐
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Ika-48 National Disability Rights Week, isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Disability Affairs Officer Daisy Pares, katuwang ang Samahan ng Persons with Disabilities (PWD) ng Bayan ng Real, ang isang programa na naglalayong kilalanin at higit pang palakasin ang kapakanan, karapatan at inklusibong partisipasyon ng mga Persons with Disabilities sa ating komunidad.
Isa sa mga tampok ng programa ang turnover ng mga assistive devices tulad ng wheelchairs, crutches at canes, gayundin ang pamamahagi ng livelihood projects sa pamamagitan ng Community Store.
Nagkaroon ng Lecture on Nutritional Guidelines for Filipinos, dental check-up at Basic Life Support (BLS) Training.
Nagbigay ng mensahe ng suporta si Mayor Julie Ann O. Macasaet, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Real, bilang pagpapakita ng patuloy na pagkalinga at pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng pantay na oportunidad para sa lahat.
Nakiisa rin sa programa si SK Provincial Federation President โ Quezon Chapter, BM Jacky Dumangon Delimos.