24/08/2026
🌱 Bawat Punla, May Bunga. Bawat Pagsisikap, May Pakinabang! 🥬💚
Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng pag-aalaga at paglilinis ng mga pananim sa Lawa at Binhi Site. 🌿✨ Sa sipag at sama-samang pagkilos, unti-unti nang namumunga ang ating mga pagsisikap, ngayon ay napapakinabangan na ng ating mga partner beneficiaries at mga mamimili ang sariwa at masustansyang ani ng gulay. 🥗💚
Malaking bahagi rin ng tagumpay na ito ang suporta ng ating minamahal na Mayor Trina Andres at Vice Mayor Lito Andres, na tumutulong upang mabilis na maipamahagi sa mga mamimili ang ating mga aning produkto. At hindi rito nagtatapos ang ating pagkilos, patuloy pa nating isusulong at palalawakin ang iba’t ibang programa ng Lawa at Binhi ng ating munisipalidad.🤝💚
Isang patunay na sa sipag, tiyaga, at pagkakaisa, ang maliit na binhi ay maaaring maging malaking biyaya para sa komunidad. 🌱🤝
Patuloy nating alagaan, palaguin, at anihin ang pag-asa! 💚🌾
Para sa mga opisyal na impormasyon, i-follow ang aming page:
🌐 FB Page: MSWDO - Rizal, Nueva Ecija
May nais iulat na karahasan, pang-aabuso, o may katanungan? Bukas at handang tumugon ang aming tanggapan, o makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
📞 Hotline: 0953-904-411 | 0968-195-5367
📧 Email: [email protected]
QR-Code: Maaari rin ninyong i-scan