Sangguniang Kabataan ng Poblacion Norte

Directions

Sangguniang Kabataan ng Poblacion Norte Official Page of the Sangguniang Kabataan of Barangay Poblacion Norte, Rizal, Nueva Ecija

18/10/2026
13/10/2026

Barangay Assembly Day
Barangay Poblacion Norte
October18, 2026, 2:00 pm
Barangay Mini Gym

"Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama- Samang Pag kilos para sa ating komunidad".

𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗦𝗞 𝗙𝗨𝗡𝗗“𝗦𝗞, 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗟𝗜𝗚𝗔?”Isa po ito sa mga madalas nating natatanggap na tanong mula sa ating m...
06/10/2026

𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗦𝗞 𝗙𝗨𝗡𝗗

“𝗦𝗞, 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗟𝗜𝗚𝗔?”

Isa po ito sa mga madalas nating natatanggap na tanong mula sa ating mga kabataan at sa ating komunidad. Nauunawaan po namin ang inyong paghihintay at pag-asam sa ating Sports League ngayong 2026.

Gayunpaman, matapos ang masusing pag-iisip at pagsasaalang-alang sa ating natitirang pondo, mga kasalukuyang programa, at sa hindi pa tiyak na kalagayan ng halalan ngayong Nobyembre 2026, minabuti po naming 𝗵𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗟𝗲𝗮𝗴𝘂𝗲 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻.

Sa halip, pinili naming ilaan ang natitirang pondo sa 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗺𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗞 𝗮𝘁 𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗳𝗮𝗰𝗶𝗹𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀. Kabilang dito ang pagsasaayos ng ating SK facilities, pagpapatayo ng bakod sa paligid ng gymnasium, at pagpapagawa ng mga water canal at drainage.

𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗽𝗼?

Dahil nais naming hindi lamang gumastos para sa isang aktibidad na matatapos sa loob ng ilang buwan. Nais naming may 𝗺𝗮𝗶𝗶𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 na patuloy na mapapakinabangan ng mga kabataan, lalo na ng susunod na SK administration.

Ngayong taon, nakapaglaan na rin po tayo para sa 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝗿𝗼 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗹𝗮𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲, at malaking bahagi na rin ng ating pondo ang nailaan para sa 𝗲𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗮𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗮𝘁 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝘀𝗸𝗼𝗹𝗮𝗿.

Alam po namin na mahalaga ang liga. Ilang taon na rin po tayong nagsasagawa at sumusuporta sa mga ganitong programa. Ngunit bilang kasalukuyang SK, mayroon din po tayong pananagutan na pag-isipan kung ano ang higit na makabubuti at ano ang maaari nating maiwan sa komunidad bago matapos ang ating termino.

𝗔𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗴𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗵𝘂𝗹𝘂𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗞.

Sa halip, pinili nating gamitin ang ating natitirang pondo para sa 𝗺𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀, 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘀 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 para sa sports at iba pang gawain ng kabataan.

Hindi man tayo makapag-iwan ng panibagong liga, nais naming makapag-iwan ng 𝗽𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗮𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻.

𝗔𝗻𝗴 𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗴𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗹𝗼. 𝗜𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗶𝗽𝗶𝗹𝗶 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝘃𝗲𝘀𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻.

Humihingi po kami ng inyong 𝗽𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝘄𝗮, 𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 habang tinatapos natin ang mga proyektong ito.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

𝗣𝘂𝘀𝗼 𝗮𝘁 𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴, 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻.

30/09/2026
𝗣𝗔𝗖𝗙𝗠𝗖 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗩𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱! 🇵🇭The 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹, 𝗡𝘂𝗲𝘃𝗮 𝗘𝗰𝗶𝗷𝗮, under 𝗛𝗼𝗻. 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗧𝗿𝗶𝗻𝗮 𝗟. 𝗔𝗻𝗱𝗿𝗲𝘀, is a c...
29/09/2026

𝗣𝗔𝗖𝗙𝗠𝗖 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗩𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱! 🇵🇭

The 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹, 𝗡𝘂𝗲𝘃𝗮 𝗘𝗰𝗶𝗷𝗮, under 𝗛𝗼𝗻. 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗧𝗿𝗶𝗻𝗮 𝗟. 𝗔𝗻𝗱𝗿𝗲𝘀, is a candidate for the 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗶𝗮𝗹 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱-𝗙𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱𝗹𝘆 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 (𝗣𝗔𝗖𝗙𝗠𝗖).

𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗣𝗼𝗯𝗹𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲, led by 𝗛𝗼𝗻. 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗘𝗱𝗺𝘂𝗻𝗱𝗼 𝗧. 𝗠𝗲𝗱𝗿𝗮𝗻𝗼, was one of the selected barangays for the validation, together with the 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗼𝗳 𝗣𝗼𝗯𝗹𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲, led by 𝗛𝗼𝗻. 𝗦𝗞 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗝𝗮𝗻 𝗡𝗼𝗲𝗹 𝗦. 𝗕𝗮𝗹𝘂𝗻𝗲𝘀.

𝗟𝘂𝗯𝗼𝘀 𝗸𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 for a smooth and meaningful validation. An honor to be part of this journey in serving our children and youth. 💙

#𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗻𝗴𝗻𝗼𝗿𝘁𝗲
#𝘀𝗸𝗽𝗼𝗯𝗹𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻𝗻𝗼𝗿𝘁𝗲
#𝗣𝗔𝗖𝗙𝗠𝗖

17/09/2026
15/09/2026
29/08/2026

Rizaleños, i-save niyo na ’to sa phone at i-share ang post! 📲💙

Sa oras ng emergency, bawat segundo mahalaga—kaya dapat alam natin agad kung sino ang tatawagan.

I-screenshot ang ating Emergency Hotline Numbers at pakishare na rin sa inyong profile, sa family GC, barangay GC, kapitbahay at mga kaibigan para mas marami ang may kopya. 🚑🚒🚓

Isang save. Isang share. Malaking tulong para sa mas ligtas na Rizal. Ingat po tayo palagi 🙏🏻💙

💫
🩵
💙

28/08/2026

𝗧𝗜𝗚𝗡𝗔𝗡 | Bilang Lider ng Kabataang Rizaleños, paano mo maipapakita ang Puso at Galing sa Paglilingkod?

“Ang tunay na paglilingkod ay may tamang layunin, paraan, at epekto.”

Para kay SK Chairperson Jan Noel Balunes ng Barangay Poblacion Norte, ang Puso at Galing sa Paglilingkod ay naipapakita sa pagtiyak na ang bawat programa, proyekto, at aktibidad ng SK ay tunay na kapaki-pakinabang sa mga kabataan at sa buong komunidad.

Para sa kanya, hindi sapat na basta may magawa. Mahalaga ring tiyakin na tama ang layunin, maayos ang paraan, at may positibong epekto ang bawat hakbang sa buhay ng mga taong kanilang pinaglilingkuran.

Bilang SK Chairperson, ipinagkakatiwala niya sa Diyos ang kanyang paglilingkod. Sa Kanya siya kumukuha ng lakas at gabay upang gamitin ang kanyang impluwensya sa paggawa ng mabuti, maging mabuting halimbawa sa kapwa kabataan, at manindigan sa nararapat habang patuloy na naglilingkod nang may malasakit.

“Ang paglilingkod na ginagabayan ng Diyos ay paglilingkod na may puso, layunin, at tunay na malasakit sa kapwa.”

Patuloy na magsilbing mabuting halimbawa at katuwang sa pag-unlad ng mga Kabataang Rizaleños!





27/08/2026

Congratulations sa ating 12 barangays na 2026 B.E.S.T. Barangay Passers! 👏🏻

Maraming salamat sa ating mga Punong Barangay, barangay officials, workers at kabarangay na araw-araw na nagsisikap para sa mas maayos na serbisyo sa bawat barangay. Kapag mahusay ang bawat barangay, mas mahusay ang buong Bayan ng Rizal. 👏🏻

Proud po tayo sa inyo! Tuloy ang puso at galing. 🩵🌟

💫
💙

Address

Rizal

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Poblacion Norte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share