HRMO LGU RIZAL

Directions Contact the organization

HRMO LGU RIZAL Official fan page and info board of the Human Resource Management Office of the Municipal Government of Rizal, Nueva Ecija

MAY PUSO AT GALING KA BA?HANAP KA NAMIN!
13/10/2026

MAY PUSO AT GALING KA BA?
HANAP KA NAMIN!

Narito na ang ating MILESTONE ACHIEVER AWARDEE! Congratulations at ipagpatuloy po natin ang paglilingkod na may puso at ...
09/10/2026

Narito na ang ating MILESTONE ACHIEVER AWARDEE!
Congratulations at ipagpatuloy po natin ang paglilingkod na may puso at galing.

Maraming salamat sa iyong tapat at buong pusong paglilingkod sa bayan!Sa loob ng ilang taon ng inyong serbisyo ay  ipina...
05/10/2026

Maraming salamat sa iyong tapat at buong pusong paglilingkod sa bayan!

Sa loob ng ilang taon ng inyong serbisyo ay ipinamalas mo ang iyong buong husay na paglilingkod upang makatulong sa pag-unlad ng ating bayan. Ang iyong dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga at mananatiling inspirasyon sa marami.

Mabuhay ka, at taus-pusong pasasalamat mula sa buong bayan ng Rizal!

Maraming salamat sa tapat at buong pusong paglilingkod sa bayan!Sa loob ng ilang taon ng inyong serbisyo ay  ipinamalas ...
03/10/2026

Maraming salamat sa tapat at buong pusong paglilingkod sa bayan!

Sa loob ng ilang taon ng inyong serbisyo ay ipinamalas ninyo ang inyong buong husay na paglilingkod upang makatulong sa pag-unlad ng ating bayan. Ang inyong dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga at mananatiling inspirasyon sa marami.

Mabuhay po kayo, at taus-pusong pasasalamat mula sa buong bayan ng Rizal

2026 PUSO AT GALING AWARDS, ITINAAS ANG PAGKILALA SA MGA NATATANGING LINGKOD BAYANI NG RIZALRIZAL, NUEVA ECIJA | Setyemb...
02/10/2026

2026 PUSO AT GALING AWARDS, ITINAAS ANG PAGKILALA SA MGA NATATANGING LINGKOD BAYANI NG RIZAL

RIZAL, NUEVA ECIJA | Setyembre 30, 2026 — Idinaos sa kauna-unahang pagkakataon sa Rizal Government Center, Del Pilar, Rizal, Nueva Ecija ang 2026 Puso at Galing Awards Night, taunang pagkilala sa mga natatanging Lingkod Bayani ng Pamahalaang Bayan ng Rizal. Tampok sa gabi ng parangal ang iba’t ibang pagkilala, kabilang ang Milestone Achiever Award, Haligi ng Mabuting Pamayanan Award, Tapat na Manggagawa Award, SIKAP Bayan ng Rizal Award, Key Player Award, at Puso at Galing Award, bukod sa iba pa.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Vice Mayor Lito Andres na bagama’t iba-iba ang “kulay ng puso” ng bawat kawani, iisa dapat ang layunin—ang tapat na paglilingkod sa kapwa. Samantala, ipinahayag ni Mayor Trina Andres ang taos-pusong pasasalamat ng Pamahalaang Bayan sa dedikasyon ng mga kawani na patuloy na nagpaparamdam ng serbisyong may Puso at Galing sa mamamayan.

Nagsilbing pangunahing tagapagsalita si Maj. Eleanor M. Prado (RES), PA, Director II ng CSC Field Office Nueva Ecija, na nagbahagi ng mahahalagang mensahe hinggil sa Puso, Dangal at Galing para sa Bayan. Nagpasalamat naman si Mark Andrew U. Fernandez, MGDH I, sa lahat ng nag-ambag sa tagumpay ng gawain, gayundin sa mga pamilya ng mga awardee na katuwang sa mga sakripisyo at hamon ng kanilang paglilingkod.

PRAISE COMMITTEE, ISINAGAWA ANG BEI PARA SA MGA NOMINEE NG SIKAP BAYAN NG RIZAL AWARDRIZAL, NUEVA ECIJA | Setyembre 22, ...
24/09/2026

PRAISE COMMITTEE, ISINAGAWA ANG BEI PARA SA MGA NOMINEE NG SIKAP BAYAN NG RIZAL AWARD

RIZAL, NUEVA ECIJA | Setyembre 22, 2026 — Nagtipon ang PRAISE Committee ng Pamahalaang Bayan ng Rizal upang isagawa ang Behavioral Event Interview (BEI) para sa mga nominado sa Sikhay ng Ipinagmamalaking Kawani ng Pamahalaang Bayan ng Rizal (SIKAP Bayan ng Rizal) Award. Bahagi ito ng proseso ng pagkilala sa mga kawani na nagpapakita ng makabuluhang ambag at positibong impluwensya sa kanilang tanggapan at sa komunidad.

Sa pamamagitan ng BEI, sinuri hindi lamang ang naging impluwensya at ambag ng mga nominado sa kanilang mga opisina, kundi maging ang kanilang mga karanasan, pagpapahalaga, at epekto sa kanilang personal na buhay at sa kanilang immediate o mas malawak na komunidad. Ayon kay Mayor Trina Andres, mahalaga ang buhay at kuwento ng bawat kawani, gayundin ang impluwensyang naiiwan nila sa mga taong kanilang napaglilingkuran.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng deliberasyon ang PRAISE Committee para sa iba pang mga parangal ngayong taon. Ang mga mapipiling awardees ay bibigyan ng nararapat na pagkilala sa Setyembre 30, 2026, kasama ang kanilang mga pamilya, bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at ambag sa Pamahalaang Bayan ng Rizal at sa komunidad.

HRMO-LGU RIZAL, NAKIBAHAGI SA PROJECT PUNLA 2026Nakibahagi ang mga kawani ng Human Resource Management Office (HRMO) ng ...
24/09/2026

HRMO-LGU RIZAL, NAKIBAHAGI SA PROJECT PUNLA 2026

Nakibahagi ang mga kawani ng Human Resource Management Office (HRMO) ng Pamahalaang Bayan ng Rizal sa Project PUNLA 2026 na isinagawa noong Setyembre 24, 2026 sa Sitio Cala, Barangay R.A. Padilla, Carranglan, Nueva Ecija.

Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Lingkod Bayani, Luntiang Kinabukasan: Bawat Puno, Alay sa Bayan.” Layunin nitong palakasin ang kamalayan at pakikilahok ng mga lingkod-bayan sa pangangalaga ng kalikasan at pagsusulong ng mas luntiang kinabukasan.

Sa pamamagitan ng pakikiisa sa Project PUNLA, ipinamalas ng HRMO-LGU Rizal ang patuloy na suporta sa mga programang nagtataguyod hindi lamang ng mahusay na paglilingkod-bayan kundi maging ng pangangalaga sa kalikasan.

NAHANAP KA NA NAMIN! Congratulations and Welcome to LGU Fam.
21/09/2026

NAHANAP KA NA NAMIN!
Congratulations and Welcome to LGU Fam.

HRMO at CSC Regional Office 3 NAGSAGAWA NG CUSTOMER RELATIONSHIP MANAGEMENT TRAINING PARA SA MAS MAHUSAY NA SERBISYONG P...
20/09/2026

HRMO at CSC Regional Office 3 NAGSAGAWA NG CUSTOMER RELATIONSHIP MANAGEMENT TRAINING PARA SA MAS MAHUSAY NA SERBISYONG PUBLIKO

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 na Philippine Civil Service Anniversary (PCSA), isinasagawa ng Human Resource Management Office (HRMO) ng Pamahalaang Bayan ng Rizal, Nueva Ecija katuwang ang Civil Service Commission Regional Office 3 ang dalawang araw na Customer Relationship Management (CRM) Training noong Setyembre 15–16, 2026 sa Senior Citizen Building. Bahagi ito ng taunang Employee Summit na naglalayong patuloy na paunlarin ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng mga kawani sa paghahatid ng mahusay na serbisyo publiko. Pangunahing tagapagsalita sa pagsasanay si Mrs. Rowena Roxas ng Civil Service Commission–Field Office of Nueva Ecija (CSC-FONE).

Binigyang-diin sa pagsasanay ang kahalagahan ng magalang, maagap, propesyonal, at makataong pakikitungo sa mga kliyente, kabilang ang epektibong komunikasyon, wastong pagtugon sa mga hinaing, at positibong pakikipag-ugnayan sa publiko.

Ayon kay Mayor Trina Andres, mahalaga at kinakailangan ang naturang pagsasanay upang matiyak na ang bawat kawani ay may sapat na kakayahan sa pagbibigay ng serbisyong tunay na nakasentro sa mamamayan. Aniya, tiyak na makikinabang ang mga Rizaleño sa mas client-friendly na pamamaraan, mas maayos na pakikitungo, at mas mahusay na serbisyong hatid ng Pamahalaang Bayan.

HRMO-LGU RIZAL, ITINAMPOK ANG PRIME-HRM JOURNEY SA 9TH GENERAL ASSEMBLY NG MGA HRMP SA NUEVA ECIJANUEVA ECIJA | Setyembr...
18/09/2026

HRMO-LGU RIZAL, ITINAMPOK ANG PRIME-HRM JOURNEY SA 9TH GENERAL ASSEMBLY NG MGA HRMP SA NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA | Setyembre 16, 2026 — Itinampok ng Human Resource Management Office (HRMO) ng Pamahalaang Bayan ng Rizal ang kanilang paglalakbay sa PRIME-HRM sa isinagawang 9th General Assembly of Human Resource Management Practitioners (HRMPs) in Nueva Ecija noong Setyembre 16, 2026 sa PHILMECH, Muñoz, Nueva Ecija. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang karanasan, binigyang-diin ang mga pagsisikap ng LGU Rizal upang matiyak na ang mga kawani ay nabibigyan ng wastong pangangalaga, suporta, at mga programang naglalayong mapaunlad ang kanilang kapakanan at propesyonal na kakayahan sa ilalim ng PRIME-HRM.

Nagsilbing resource person si Mark Andrew U. Fernandez, MGDH I, na naglahad ng mahahalagang hakbang at kasanayang ipinatutupad ng HRMO-LGU Rizal sa kanilang PRIME-HRM journey. Layunin ng pagbabahagi na magsilbing gabay at inspirasyon sa iba pang mga tanggapan sa patuloy na pagpapahusay ng kanilang mga programa at proseso sa pamamahala ng yamang-tao. Dumalo rin sa aktibidad ang mga miyembro ng tatlong HRMP councils sa Nueva Ecija—NECPO, NEPOAWD, at NEWADA.

Dinaluhan din ang pagtitipon nina CSCRO3 Assistant Regional Director Atty. Elenita Ugay at CSCFONE Director II Maj. Eleanor M. Prado (RES), PA, na nagbigay ng karangalan sa nasabing aktibidad. Ang pagtitipon ay nagsilbing mahalagang pagkakataon para sa pagbabahaginan ng kaalaman, karanasan, at pinakamahuhusay na pamamaraan sa human resource management, na makatutulong sa patuloy na pagpapaunlad ng mga sistema at serbisyong pang-HR sa mga lokal na pamahalaan ng Nueva Ecija.

Address

Rizal

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HRMO LGU RIZAL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to HRMO LGU RIZAL:

Shortcuts

Share