Municipality of Rizal, Nueva Ecija

Municipality of Rizal, Nueva Ecija

Share

Official page of the Municipality of Rizal, Nueva Ecija

30/05/2026

๐™ˆ๐˜ผ๐™” ๐™‰๐˜ผ๐™‚๐˜ฝ๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™†!

Simula sa Lunes (June 1, 2026), babalik na sa orihinal na oras ng pasok ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan:
Lunes-Biyernes | 8:00 AM - 5:00 PM

Maraming salamat po!

๐Ÿ’™๐ŸŒŸ

29/05/2026

๐“๐ข๐ง๐ ๐ง๐š๐ง | ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜†

๐’๐š๐ ๐ข๐ฌ๐š๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐’๐ข๐ฅ๐š๐ก๐ข๐ฌ ๐ง๐  ๐‹๐š๐ก๐ข

Dangal at dalisay na diwa ang sinasagisag ng ating watawat sa bawat pagwagayway nitoโ€”isang kwento ng lakas, pagkakaisa, at matatag na paninindigan na hinabi ng ating kasaysayan hanggang sa kasalukuyan.

Ang Pamahalaang Bayan ng Rizal ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng ๐™‰๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™๐™ก๐™–๐™œ ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ๐™จ bilang pagpapakita ng pagmamahal, paggalang, at pagpupugay sa ating bansang Pilipinas.

Patuloy nating panatilihin ang diwang makabayan, taglay ang puso, galing, at malasakit para sa bayan.

๐Ÿ’™๐ŸŒŸ

28/05/2026

๐‡๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š, ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‹๐†๐”-๐‘๐ข๐ณ๐š๐ฅ

RIZAL, NUEVA ECIJA โ€” Muling pinarangalan ang Pamahalaang Bayan ng Rizal matapos nitong tanggapin ang ๐—ฃ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—š๐—” ๐—˜๐—ซ๐—–๐—˜๐—Ÿ๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—–๐—˜ ๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—— ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ noong ika-19 ng Mayo 2026.

Bunga ito ng matagumpay na pagkamit ng 2024 Unmodified COA Audit Opinion at ng PHALGA Excellence in Local Governance Award โ€” mga pagkilalang naging daan upang makapasa ang bayan sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2024.

Naging posible ang tagumpay na ito dahil sa mahusay, tapat, at masigasig na pamamahala ng ating Punongbayan, Kgg. Hanna Katrina L. Andres, katuwang ang Municipal Accounting Office sa pangunguna ni Sir Hilbert Villanueva, kasama ang buong Pamahalaang Bayan ng Rizal.

Patuloy nating asahan ang serbisyong may puso at galing para sa bawat Rizaleรฑo โ€” patunay na angat ang bayan ng Rizal.

๐Ÿ’™๐ŸŒŸ

26/05/2026

๐‹๐จ๐จ๐ค | No need to travel, PHINMA AU is coming to our town!

Hassle-free enrollment? Posible!

๐Ÿ“ Rizal, Nueva Ecija
๐Ÿ“Œ Poblacion Sur Gym | โฑ๏ธ 9:00AM-2:00PM | ๐Ÿ—“๏ธ May 28, 2026

Enrollment is OPEN for incoming 1st-year college & SHS - SY2627
Enroll now: https://share.hsforms.com/1FvWz1E5ZTMul0NPFBDg9RQdu1n5
share.hsforms.com

Photos from Municipality of Rizal, Nueva Ecija's post 25/05/2026

๐’ฒ๐‘’๐’น๐’น๐’พ๐“ƒ๐‘” ๐’ž๐‘’๐“‡๐‘’๐“‚๐‘œ๐“ƒ๐“Ž ๐’œ๐“…๐“‡๐’พ๐“ ๐Ÿค๐Ÿข๐Ÿค๐Ÿจ | Part 2
Kapag tadhana na ang kumilos, panghabambuhay na ang pagsasama. Maaaring nagsimula sa biruan, tagu-taguan, o habul-habulan, ngunit kung tunay ang pag-ibig para sa isaโ€™t isa, mauuwi pa rin ito sa isang masayang pag-iisang dibdib.
Pagbati sa mga bagong kasal nitong Abril 2026 mula sa ating lokal na pamahalaan. Nawaโ€™y maging matatag, masagana, at puno ng pagmamahalan ang inyong buhay mag-asawa.

๐Ÿ’™๐ŸŒŸ

Photos from Municipality of Rizal, Nueva Ecija's post 25/05/2026

๐’ฒ๐‘’๐’น๐’น๐’พ๐“ƒ๐‘” ๐’ž๐‘’๐“‡๐‘’๐“‚๐‘œ๐“ƒ๐“Ž ๐’œ๐“…๐“‡๐’พ๐“ ๐Ÿค๐Ÿข๐Ÿค๐Ÿจ | Part 1
Kapag tadhana na ang kumilos, panghabambuhay na ang pagsasama. Maaaring nagsimula sa biruan, tagu-taguan, o habul-habulan, ngunit kung tunay ang pag-ibig para sa isaโ€™t isa, mauuwi pa rin ito sa isang masayang pag-iisang dibdib.
Pagbati sa mga bagong kasal nitong Abril 2026 mula sa ating lokal na pamahalaan. Nawaโ€™y maging matatag, masagana, at puno ng pagmamahalan ang inyong buhay mag-asawa.

๐Ÿ’™๐ŸŒŸ

Photos from Municipality of Rizal, Nueva Ecija's post 21/05/2026
Photos from Municipality of Rizal, Nueva Ecija's post 21/05/2026

๐๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ง โ”‚ ๐Ÿ๐Ÿ‘๐ญ๐ก ๐๐š๐ฅ๐š๐ฒ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ’: ๐‘๐ข๐ณ๐š๐ฅ ๐”๐ฅ๐ญ๐ซ๐š ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ญ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐‘๐ฎ๐ง ๐Ÿ.๐ŸŽ
MAS SIMPLE, NGUNIT MAS MAKABULUHAN AT MAS MAKULAY NA 13TH PALAY FESTIVAL!

Level up sa kulay, saya, at kulitan ang takbuhan na ating naranasan sa ika-4 na araw ng 13th Palay Festival kasama ang barkada at pamilya. Tunay na naging masigla at puno ng good vibes ang bawat hakbang sa makulay na pagdiriwang na ito.

๐Ÿ’™๐ŸŒŸ

Photos from Municipality of Rizal, Nueva Ecija's post 21/05/2026

๐๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ง โ”‚ ๐Ÿ๐Ÿ‘๐ญ๐ก ๐๐š๐ฅ๐š๐ฒ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ’: ๐‘๐ข๐ณ๐š๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐„๐ฑ๐ก๐ข๐›๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง
MAS SIMPLE, NGUNIT MAS MAKABULUHAN AT MAS MAKULAY NA 13TH PALAY FESTIVAL!

Masigla nating sinimulan ang Day 4 sa pamamagitan ng Rizal Marching Band Exhibition na naghatid ng indak, musika, at makulay na pagtatanghal.

๐Ÿ’™๐ŸŒŸ

Photos from Municipality of Rizal, Nueva Ecija's post 21/05/2026

๐๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ง โ”‚ ๐Ÿ๐Ÿ‘๐ญ๐ก ๐๐š๐ฅ๐š๐ฒ ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ - ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ‘: ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ-๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐๐š๐ฌ๐ค๐ž๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐๐ข๐ง๐ 
MAS SIMPLE, NGUNIT MAS MAKABULUHAN AT MAS MAKULAY NA 13TH PALAY FESTIVAL!

Sa pagtatapos ng Day 3, tumanggap ng parangal at medalya ang mga basketbalistang nagpakita ng natatanging husay at tagumpay sa kompetisyon.

๐Ÿ’™๐ŸŒŸ

Want your business to be the top-listed Government Service in Rizal?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Aglipay Street, Poblacion Sur
Rizal
3127