06/05/2026
๐พ๐๐ก๐ก ๐๐ค๐ง ๐๐๐ง๐ฉ๐๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐ฉ๐จ!
๐๐๐๐ง๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐ค ๐๐๐ง๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐ฎ๐จ (๐๐๐๐ฅ): "๐๐๐ ๐ฉ๐ค ๐๐ ๐๐ก๐ก๐จ ๐๐๐ง๐ฎ๐"
The National Youth Commission is looking for 40 participants aged 15 to 24 years old to join the Learning to Earning Pathways (LEap): "Sakto Skills Serye".
This event is organized by the NYC, in partnership with the Ateneo Learning and Teaching Excellence Center (ALTEC) of Ateneo de Zamboanga University (AdZU) and UNICEF Philippines.
Date: May 7, 2026
Time: 1:00PM
Venue: Zoom Meeting
In preparation for the session, please make sure po to fill out the Pre-registration Link:
๐ Register here: https://forms.gle/8XJ5Rbb3Xrvz288F6
06/05/2026
DRAINAGE CLEANING AND DECLOGGING SA EASTWIND HOMES SUBDIVISION, BRGY. SAN ISIDRO
Pinangunahan ng Declogging Team ng Clean and Green Office ang drainage cleaning and declogging, ngayong araw, Mayo 6, 2026 sa Eastwind Homes Subdivision, Brgy. San Isidro.
Isinasagawa ang mga ganitong gawain bilang suporta sa layunin ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, sa pamumuno ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), na mapanatili ang kaayusan, kalinisan at kaligtasan sa bawat barangay.
06/05/2026
BEST OF LUCK, MR. MANNY PERNECITA! โจ
Ipinapahatid ng Pamahalaang Bayan ng Montalban ang buong suporta at pagbati sa inyong paglahok sa Ginoong Rizal 2026.
Dalhin ninyo ang dangal ng ating bayan sa pamamagitan ng inyong kumpiyansa, talas ng isip, at natatanging galing bilang isang tunay na Montalbeรฑo.
06/05/2026
BEST OF LUCK, MS. GEM MAGAT! โจ
Buong suporta ang ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ng Montalban sa iyong paglahok sa Binibining Rizal 2026.
Nawaโy patuloy ninyong ipakita ang inyong kagandahan, katalinuhan, at kakayahan bilang isang huwarang Montalbeรฑo.
06/05/2026
STUDENT EMPLOYMENT ASSISTANCE PROGRAM (SEAP) ORIENTATION
Isinagawa ngayong araw, Mayo 6, 2026 ang Orientation para sa Student Employment Assistance Program (SEAP), isang inisyatibo na naglalayong magbigay ng oportunidad sa mga mag-aaral, out-of-school youth, at dependents ng displaced workers na magkaroon ng part-time na trabaho habang ipinagpapatuloy ang kanilang pag-aaral. Layunin ng programang ito na matulungan ang mga benepisyaryo na madagdagan ang kita ng kanilang pamilya, lalo na tuwing bakasyon tulad ng summer at Christmas break, gayundin sa iba pang panahon sa loob ng taon.
Matagumpay na naisagawa ang nasabing aktibidad sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO), katuwang ang Local Youth Development Office (LYDO)-Montalban, sa suporta ng Pamahalaang Bayan ng Montalban at sa pamumuno ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng oportunidad at paghubog sa kakayahan ng kabataang Montalbeรฑo para sa kanilang kinabukasan.
06/05/2026
TRAFFIC MANAGEMENT SEMINAR
Isinagawa ngayong araw Mayo 6, 2026 ang Traffic Management Seminar ng Municipal Transportation Management and Development Office (MTMDO) na naglalayon na palawigin ang kaalaman at kakayahan ng mga Traffic personnel sa pagpapatupad ng batas trapiko. Tinalakay rin sa seminar ang basic law enforcement, traffic directional control at stress management upang mas maging epektibo at maisaayos ang daloy ng trapiko sa ating bayan.
Matagumpay na naisagawa ang programa sa tulong ng Land Transportation Office (LTO) at sa suporta ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, sa pamumuno ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), bilang bahagi ng patuloy na paglinang sa kaalaman ng mga kawani para sa mas disiplinado at epektibong serbisyo sa komunidad.
06/05/2026
MAGING LIGTAS MULA SA HAZE!
Alamin ang epekto ng haze o usok na nagmumula sa sunog, na maaaring malanghap maging sa mga karatig na lugar. Ito ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan, lalo na sa mga bata, matatanda, buntis, at mga may sakit sa baga at puso.
Ang haze ay maaaring magdulot ng mga sumusunod:
โข Hirap sa paghinga
โข Pag-ubo
โข Pananakit ng dibdib
โข Pagluluha ng mata
โข Pangangati ng ilong
โข Paglala ng mga sakit sa paghinga tulad ng asthma
Kaugnay nito, pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat at sundin ang mga sumusunod:
โข Limitahan ang paglabas ng bahay lalo na kung mataas ang antas ng haze
โข Magsuot ng face mask (mas mainam kung N95 kung mayroon) kapag lalabas
โข Isara ang mga bintana at pintuan at takpan ang mga siwang
โข Uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated
โข Agad magpatingin sa pinakamalapit na health center o ospital kung makakaranas ng matinding sintomas
Ang paalalang ito ay mula sa Department of Health (DOH), sa pamamagitan ng Municipal Health Office (MHO), at sa suporta ng Pamahalaang Bayan ng Montalban sa pamumuno ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.). Hinihikayat ang lahat na manatiling alerto at sumunod sa mga health advisories upang mapanatiling ligtas ang bawat Montalbeรฑo.
05/05/2026
TREE TRIMMING | J.P. RIZAL ST., BRGY. BALITE
Nitong Mayo 4, 2026, nagsagawa ang Clean and Green Department ng Tree Trimming activity sa kahabaan ng J.P. Rizal (National Road), Brgy. Balite upang mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista at pedestrian.
Isinasagawa ang mga ganitong gawain bilang suporta sa layunin ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, sa pamumuno ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), na mapanatili ang kaayusan, kalinisan at kaligtasan ng komunidad.
05/05/2026
DRAINAGE CLEANING AND DECLOGGING SA PANDAYAN ST. BRGY. BALITE
Pinangunahan ng Declogging Team ng Clean and Green Office ang drainage cleaning and declogging, mula kahapon hanggang ngayong araw, sa Pandayan St., Brgy. Balite.
Isinasagawa ang mga ganitong gawain bilang suporta sa layunin ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, sa pamumuno ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), na mapanatili ang kaayusan, kalinisan at kaligtasan sa bawat barangay.
05/05/2026
DALAWA, NAARESTO SA BUY-BUST OPERATION SA BRGY. GERONIMO
Nagsagawa ngayong araw, Mayo 5, 2026, ng buy-bust operation ang Municipal Drug Enforcement Team ng Rodriguez Municipal Police Station, kasama ang Task Force Anti-Criminality (TFAC), sa Silangan Village, Brgy. Geronimo.
Dalawang indibidwal ang naaresto dahil sa paglabag sa RA 9165. Nakumpiska ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang bigat na 18 gramo at halagang Php 122,400, buy-bust money, at iba pang kaugnay na ebidensya.
Hinihikayat ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, sa pangunguna ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), ang mga Montalbeรฑo na makiisa sa kampanya laban sa iligal na droga at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa Montalban Hotline 911.