Barangay Manggahan, Montalban, Rizal

Directions

Barangay Manggahan, Montalban, Rizal The Official page of Barangay Manggahan, Montalban, Rizal under the administration and Leadership of Barangay Captain Ma. Victoria Angeles Cristobal

🌿 PATULOY NA PAGPAPALAKAS NG CLEAN & GREEN PROGRAM NG BARANGAY MANGGAHAN!Sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Marivic...
22/10/2026

🌿 PATULOY NA PAGPAPALAKAS NG CLEAN & GREEN PROGRAM NG BARANGAY MANGGAHAN!

Sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Marivic Angeles Cristobal, kasama ang Committee Chairman na si Kgg. Clemen Cruz, isinagawa ang buwanang pagpupulong ng Departamento ng Clean & Green.

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mga hakbang at bagong inisyatibo upang higit pang mapabuti ang kalinisan, kaayusan, at pangangalaga sa ating kapaligiran. Layunin nitong palakasin ang mga programa ng barangay tungo sa isang mas malinis, maayos, at luntiang pamayanan para sa lahat ng ating mga minamahal na kabarangay.

Sa sama-samang pagkilos at pakikiisa, patuloy nating isusulong ang isang malinis, luntian, at maunlad na Barangay Manggahan!πŸ’šπŸŒ±





🚧 ROAD CLEARING OPERATION Alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular ng Department of the Interior and Local Governmen...
22/10/2026

🚧 ROAD CLEARING OPERATION

Alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nagsagawa ng Road Clearing Operation sa kahabaan ng Millex Road upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at kaligtasan ng ating mga kalsada.

Ang operasyong ito ay isinakatuparan sa inisyatibo ng ating butihing Kapitan Marivic Angeles Cristobal, kasama ang Sangguniang Barangay at mga kawani ng Barangay Manggahan, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at maiwasan ang mga sagabal na maaaring magdulot ng panganib sa mga motorista at pedestrian.

Patuloy ang Pamahalaang Barangay Manggahan, katuwang ang mga kinauukulang ahensya, sa pagpapatupad ng mga programa at hakbang tungo sa isang mas maayos, ligtas, at disiplinadong pamayanan.

🀝 Disiplina sa kalsada, kaligtasan ng bawat isa!





🎭✨ NARITO NA ANG OFFICIAL LIST NG CANDIDATES PARA SA RAMPA KULTURA – FIRST BATCH!πŸ‡΅πŸ‡­πŸŒŸMga ka-barangay, narito na ang unang...
21/10/2026

🎭✨ NARITO NA ANG OFFICIAL LIST NG CANDIDATES PARA SA RAMPA KULTURA – FIRST BATCH!πŸ‡΅πŸ‡­πŸŒŸ

Mga ka-barangay, narito na ang unang batch ng mga kandidatong magpapakita ng kanilang angking talento, galing, at pagmamalaki sa ating mayamang kulturang Pilipino sa RAMPA KULTURA: Battle of Ramp – Promoting Philippine Culture!πŸŽ‰

πŸ“£ Manatili lamang pong nakaabang sa ating Official page para sa mga susunod na anunsyo at mahahalagang updates tungkol sa ating pinakahihintay na kaganapan.

Sama-sama nating suportahan ang ating mga kandidato at ipagmalaki ang ganda at yaman ng kulturang Pilipino! β€οΈπŸ’™πŸ€







Sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Marivic Angeles Cristobal, kasama ang Sangguniang Barangay, pinulong ang mga kaw...
21/10/2026

Sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Marivic Angeles Cristobal, kasama ang Sangguniang Barangay, pinulong ang mga kawani ng Peace and Order Department upang talakayin ang mga hakbang at inisyatibong higit pang magpapahusay at magpapaigting sa serbisyong ipinagkakaloob sa ating mga minamahal na kabarangay.

Patuloy ang ating pagsusumikap na palakasin ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa ating komunidad, tungo sa isang mas maayos, ligtas, at maunlad na Barangay Manggahan.




πŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, KAGAWAD DAN JASON CRISTI! πŸŽ‚πŸŽˆIsang taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan sa ating lingkod-Bar...
21/10/2026

πŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, KAGAWAD DAN JASON CRISTI! πŸŽ‚πŸŽˆ

Isang taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan sa ating lingkod-Barangay Kagawad Dan Jason Cristi!

Dalangin namin ang iyong mabuting kalusugan, kalakasan ng pangangatawan, kaligayahan, at patuloy na paggabay ng Poong Maykapal upang patuloy kang makapaglingkod nang buong puso at dedikasyon para sa kapakanan ng ating mga minamahal na kabarangay.

Nawa’y maging makabuluhan at puno ng biyaya ang iyong panibagong taon ng buhay.

Pagbati mula sa ating butihing Kapitan Marivic Angeles Cristobal at ng buong Sangguniang Barangay Manggahan!πŸ’—πŸ’™

πŸ›οΈ SANGGUNIANG BARANGAY REGULAR SESSIONIsinagawa ang Regular Session, sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Ka...
21/10/2026

πŸ›οΈ SANGGUNIANG BARANGAY REGULAR SESSION

Isinagawa ang Regular Session, sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Kapitan Marivic Angeles Cristobal, kasama ang Sangguniang Barangay.

Layunin ng pagpupulong na talakayin ang mahahalagang usapin, panukala, programa, at mga kinakailangang hakbang para sa patuloy na pag-unlad, kapayapaan, at kapakanan ng bawat mamamayan ng Barangay Manggahan.

Patuloy ang ating Sangguniang Barangay sa pagkakaisa at pagtutulungan upang maihatid ang mas mahusay, maagap, at makabuluhang serbisyo publiko para sa ating mga kabarangay. πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’š

Serbisyong may malasakit, pamumunong may pagkakaisa, para sa mamamayan ng Barangay Manggahan!





πŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, GOV. NINA RICCI A. YNARES!πŸŽ‚πŸ’Isang taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan kay Hon. Nina Ricci ...
20/10/2026

πŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, GOV. NINA RICCI A. YNARES!πŸŽ‚πŸ’

Isang taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan kay Hon. Nina Ricci A. Ynares, Gobernador ng Lalawigan ng Rizal, mula sa Pamahalaan ng Barangay Manggahan sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Marivic Angeles Cristobal, kasama ang buong Sangguniang Barangay.

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at patnubay sa inyong patuloy na paglilingkod para sa kapakanan at kaunlaran ng mga RizaleΓ±o.

Dalangin namin ang mas marami pang biyaya, tagumpay, at makabuluhang taon ng paglilingkod sa ating lalawigan.

Muli, maligayang kaarawan po, Governor Nina Ricci A. Ynares!πŸŒΈπŸ’—πŸ’™πŸ’š

Talakayan ngayong araw kasama ang mga kinatawan ng Majestic Earth Core Ventures Inc,.
19/10/2026

Talakayan ngayong araw kasama ang mga kinatawan ng Majestic Earth Core Ventures Inc,.

πŸ‡΅πŸ‡­ 𝐅𝐋𝐀𝐆 π‘π€πˆπ’πˆππ† π‚π„π‘π„πŒπŽππ˜Sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Kapitan Marivic Angeles Cristobal, kasama ang Sa...
19/10/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ 𝐅𝐋𝐀𝐆 π‘π€πˆπ’πˆππ† π‚π„π‘π„πŒπŽππ˜

Sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Kapitan Marivic Angeles Cristobal, kasama ang Sangguniang Barangay at iba’t ibang departamento ng ating minamahal na Barangay Manggahan, matagumpay na isinagawa ang ating Flag Raising Ceremony ngayong araw.

Nakiisa rin sa makabuluhang seremonyang ito ang iba’t ibang organisasyon at sektor ng ating barangay, kabilang ang ating mga minamahal na Senior Citizen Officers, Persons with Disabilities (PWD), at Solo Parents.

Ang pagtitipong ito ay hindi lamang pagpapakita ng paggalang sa ating pambansang watawat, kundi isang paalala rin ng ating pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at sama-samang pananagutan bilang mamamayan sa pagpapaunlad ng ating komunidad.

Patuloy tayong magkaisa at magtulungan tungo sa isang mas maayos, ligtas, inklusibo at progresibong Barangay Manggahan.

Mabuhay ang Barangay Manggahan!
Mabuhay ang ating mga lingkod-bayan at mga organisasyon ng bawat sektor! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’šπŸ’™πŸ©·






🀝 PATULOY NA PAGKAKAISA PARA SA KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN NG BARANGAY MANGGAHAN!Sa inisyatibo ng ating butihing Kapitan Mar...
19/10/2026

🀝 PATULOY NA PAGKAKAISA PARA SA KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN NG BARANGAY MANGGAHAN!

Sa inisyatibo ng ating butihing Kapitan Marivic Angeles Cristobal, kasama ang Sangguniang Barangay, isinagawa ang buwanang pagpupulong kasama ang ating mga masisipag na miyembro ng Lupon Tagapamayapa.

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mga kasalukuyang programa at mga bagong inisyatibong naglalayong higit pang mapalawak at mapabuti ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng Pamahalaang Barangay para sa kapakanan ng ating mga kabarangay.

Patuloy ang matibay na pagtutulungan at pagkakaisa ng Pamahalaang Barangay at ng Lupon Tagapamayapa upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at pagkakaisa sa ating komunidad, gayundin ang maagap at maayos na pagtugon sa mga suliranin at pangangailangan ng ating mga mamamayan.

Sama-sama nating itaguyod ang isang mapayapa, maayos, at nagkakaisang Barangay Manggahan!πŸ’šπŸ’™





Address

Millex Road, Brgy. Manggahan
Rodriguez
1860

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Manggahan, Montalban, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share