24/10/2026
🇵🇭 BARANGAY ASSEMBLY DAY | 2ND SEMESTER – CY 2026 🇵🇭
Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang Barangay Assembly Day ng Barangay Geronimo na naglalayong palakasin ang ugnayan ng pamahalaang barangay at ng mga mamamayan sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan, pagbabahagi ng impormasyon, at sama-samang pagkilos para sa ikauunlad ng komunidad. 🤝❤️
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa gawaing ito. Ang inyong suporta at aktibong pakikilahok ay mahalaga sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.
Sama-sama para sa isang mas maunlad, nagkakaisa, at matatag na Barangay Geronimo! 💚