28/05/2026
PAUNAWA SA ATING MGA KA-BARANGAY 📢
Ipinababatid po ng ating Pamahalaang Barangay na muling ipatutupad ang 𝟱-𝗗𝗔𝗬 𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗪𝗘𝗘𝗞 simula ngayong darating na June 1, araw ng Lunes.
🕗 Schedule ng Opisina:
Monday to Friday
8:00 AM – 5:00 PM
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta.
28/05/2026
📚✏️ 𝐀𝐓𝐄𝐍𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋! ✏️📚
Narito na po ang schedule ng pamamahagi ng 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐈𝐄𝐒 sa ilalim ng pamumuno ni Kapitan Bogs Ignacio & Council kasama si Chairman on Education Committee Kagawad Rollwin Anastacio ang "Back to School Project” para sa ating mga incoming Grade 1 to 6 pupils. 🎒📝
🗓 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐓𝐡𝐮𝐫𝐬𝐝𝐚𝐲)
⏰ 𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌
📍 Barangay Hall
📌 Paalala lamang po:
✔️ Dalhin ang inyong claim stub
✔️ Maximum of 2 stubs per person lamang po
Layunin ng programang ito na makatulong sa paghahanda ng ating mga kabataan para sa pagbabalik-eskwela. Sama-sama nating suportahan ang edukasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Rosarian!
22/05/2026
Malugod pong binabati ng Pamahalaan ng Barangay Rosario, sa pangunguna ni Kapitan Bogs Ignacio at ng buong Konseho, ang mahal nating Mayor General Ronnie Evangelista ng isang masaya, mapayapa, at pinagpalang kaarawan. 🎂
Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod, malasakit, at patuloy na paggabay para sa kapakanan ng mamamayan. Nawa’y lalo pa kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas ng pangangatawan, karunungan, at mas mahabang buhay upang maipagpatuloy ninyo ang inyong mabuting adhikain at serbisyo sa bayan.
Dalangin po namin na patuloy kayong gabayan at ingatan ng Poong Maykapal sa bawat hakbang ng inyong pamumuno. Nawa’y mapuno ng tagumpay, pagmamahal, at biyaya ang inyong buhay kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay.
Muli, maligayang kaarawan po at mabuhay kayo! 🎉🙏
— Mula sa Pamahalaan ng Barangay Rosario
Sa pamumuno ni Kapitan Bogs Ignacio at ng Sangguniang Barangay
21/05/2026
📚✏️ 𝗞𝗔𝗣. 𝗕𝗢𝗚𝗦 𝗕𝗔𝗖𝗞 𝗧𝗢 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 ✏️📚
Patuloy po ang ating pagsuporta sa edukasyon ng kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗜𝗘𝗦 para sa mga incoming Grade 1 to Grade 6 learners ng ating barangay. 🎒📝
Inaanyayahan po ang mga nanay, solo parent, single daddy, at mga pamilyang OFW na may anak na nasa elementarya na magpalista para sa inyong mga anak upang makakuha ng claim stub.
📍 Barangay Hall
📅 May 25, 2026 (Monday)
🕖 7:00 AM hanggang 6:00 PM
Sa pamumuno ni Kap. Bogs Ignacio and Council kasama ang ating Chairman in Education Committee Kagawad Rollwin Anastacio, tuloy-tuloy po ang serbisyong may malasakit para sa kinabukasan ng bawat batang Rosarian. 💙💛
19/05/2026
ABISO PUBLIKO❗
Nasa ibaba ang schedule ng pagdaan ng Truck ng Basura sa ating Barangay, maliban lamang kung mag anunsyo ang Silid Waste Department nang hindi pag-daan
Monday
✅ Ayuson St.
✅ D. Marcelo St.
Thursday
✅ LM Santos St
✅ Linco St.
✅ A. Bonifacio St (upper and lower)
(A.Bonifacio Extension, Riles, Padilla, Kalye Putol)
✅ Sitio Libis
✅ Fiorenza Subdivision
Para naman sa Omega Subdivision at Midtown Subdivision, araw araw ang daan ng Truck ng Basura sa inyong kanto, sa kahabaan ng E. Rodriguez Highway
📣 MAARI LAMANG ILABAS ANG INYONG MGA BASURA KUNG ANG TRUCK AY NANDYAN NA. MAGING RESPONSABLE PO TAYO SA ATING MGA BASURA UPANG WALA PO TAYONG NAPEPERWISYONG MGA KAPITBAHAY. MARAMING SALAMAT PO
19/05/2026
Sa patuloy na pagtugon sa mga kahilingan ng ating mga minamahal na ka-barangay, matagumpay na naikabit ang mga bagong solar street light sa Extension Linco, at mga panibagong street lights sa Sitio Libis Stockpile sa pangangasiwa ni Chairman on Infrastructure Committee Kagawad Levi Angeles
Ang proyektong ito ay bahagi ng ating layunin na mapanatiling maliwanag at ligtas ang ating mga kalsada, lalo na sa gabi, upang makatulong sa pag-iwas sa aksidente at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad.
Maraming salamat sa inyong tiwala at patuloy na pakikiisa. Sa pangunguna ni Kapitan Bogs Ignacio at ng buong Pamahalaang Barangay Rosario, patuloy po tayong magseserbisyo para sa kapakanan ng bawat mamamayan
18/05/2026
ANUNSYO PUBLIKO | NBI Montalban Satellite Office
Fully operational na ang bagong server ng NBI Montalban Satellite Office, sa Montalban Sports Center o Oval, matapos ang matagumpay na testing at dry run activities.
Handa na muli ang tanggapan na magbigay serbisyo para sa mga transaction at NBI clearance applications.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta habang isinasaayos at pinapabuti ang serbisyo upang maging mabilis at reliable ang proseso.
18/05/2026
Magtulungan po tayo sa pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga ng ating kapaligiran, lalo na't malapit na ang tag-ulan.
18/05/2026
ABISO PUBLIKO ❗❗
Para sa mga residente ng Ayuson St. at D. Marcelo St.