09/10/2026
Nagpaabot ng pakikiramay si Kapitan Jose Eric D. Ching sa pamilya ng yumaong si Librada "Baday" Cruz, kasama sina Kagawad Elisa Gumarang, Kagawad Lloyd Gonzaga, Kagawad Joel Mauhay, at Sec Charlie Boy Labez, bilang pakikiisa sa pagdadalamhati ng pamilya sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.
Sa ngalan ng Pamahalaang Barangay ng San Isidro, taos-puso po kaming nakikiramay sa pamilya at mga naulila ni Lola Baday. Nawa’y maging matatag kayo sa pagharap sa pagsubok na ito at pagkalooban ng Panginoon ng lakas at kapanatagan ng loob sa panahong ito ng pagdadalamhati.