Office of the Muslim Affairs "OMA" - Rodriguez Rizal

Directions

Office of the Muslim Affairs "OMA" - Rodriguez Rizal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Office of the Muslim Affairs "OMA" - Rodriguez Rizal, Government Organization, Montalban, Rodriguez.

01/10/2026
A SIMPLE VISIT, A MEANINGFUL CONVERSATION ☕Nagkaroon ng simpleng pagbisita sa aming tanggapan si COMMO. ALBERTO A. CRUZ ...
30/09/2026

A SIMPLE VISIT, A MEANINGFUL CONVERSATION ☕

Nagkaroon ng simpleng pagbisita sa aming tanggapan si COMMO. ALBERTO A. CRUZ (RET.), Head ng Budget Office.

Isang maikling kamustahan at kwentuhan over coffee.

Maraming salamat po sa inyong pagbisita, Sir! ☕🤝


COURTESY VISIT AT CLASSROOM INSPECTION📍 San Isidro National High School📅 Setyembre 30, 2026Alhamdulillah! 🤲🏻Nagsagawa ng...
30/09/2026

COURTESY VISIT AT CLASSROOM INSPECTION
📍 San Isidro National High School
📅 Setyembre 30, 2026

Alhamdulillah! 🤲🏻

Nagsagawa ng courtesy visit at classroom inspection ang Office of the Muslim Affairs (OMA)–Rodriguez, Rizal, sa pangunguna ng ating butihing IMAM (PCOL) EBRA M. MOXSIR (RET), DPA, sa San Isidro National High School. Nakipagpulong siya kay Dr. Rebecca F. Averion, Principal IV, bilang bahagi ng koordinasyon para sa maayos na pagpapatupad ng Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) Program.

Isinagawa rin ang monitoring sa klase ni Ustadh Salik P. Ali, kinumusta ang mga mag-aaral, at nasaksihan ang kanilang pagbasa ng Surah Al-Bayyinah. Tinalakay din ang mga pangangailangan ng ALIVE Teacher upang higit na masuportahan ang programa.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mahal na Punong Bayan HON. GEN RONNIE S. EVANGELISTA (RET), sa patuloy na suporta, gayundin kay Dr. Rebecca F. Averion at sa buong pamunuan ng paaralan sa mainit na pagtanggap sa OMA Team.

JazakAllahu khairan! 🤲🏻

Office of the Muslim Affairs–Rodriguez, Rizal
Para sa edukasyon, pagkakaisa, at kapakanan ng ating mga mag-aaral.



OMA OFFICIAL ANNOUNCEMENT16th Monthly Montalban Muslim Community and Religious Leaders Consultative MeetingAssalamu Alai...
24/09/2026

OMA OFFICIAL ANNOUNCEMENT

16th Monthly Montalban Muslim Community and Religious Leaders Consultative Meeting

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Ta’ala Wabarakatuhu!

Alhamdulillah. The Office of the Muslim Affairs (OMA) – Municipality of Rodriguez, Rizal warmly invites the Presidents and Key Officers of Muslim Groups in Montalban to the upcoming 16th Monthly Montalban Muslim Community and Religious Leaders Consultative Meeting.

📅 September 25, 2026 (Friday)
🕐 1:00 PM onwards
📍 Municipal Gymnasium, Municipality of Rodriguez, Rizal

📌 Mga Pag-uusapan:

• Update on the Traditional Madrasah Program
• 1st Montalban Halal Trade and Franchise Fair 2026
• Other Matters

Ang inyong aktibong pakikilahok at pakikiisa ay mahalaga upang lalo nating mapalakas ang pagkakaisa, kooperasyon, at patuloy na pag-unlad ng ating Muslim community.

Para sa anumang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa OMA Secretary: 0965-240-2722.

Lubos naming inaasahan ang inyong pagdalo at pakikiisa. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta.

Wassalam at Shukran! 🤲💚

Office of the Muslim Affairs (OMA)
Municipality of Rodriguez, Rizal

TABANG PARA SA MONTALBAN MUSLIM COMMUNITY 🤲💚Relief Distribution for Flood-Affected Families📍 1K1 & 1K2 Kasiglahan Villag...
10/09/2026

TABANG PARA SA MONTALBAN MUSLIM COMMUNITY 🤲💚
Relief Distribution for Flood-Affected Families
📍 1K1 & 1K2 Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez (Montalban), Rizal
📅 September 2, 2026

Alhamdulillah. Sa gitna ng pagsubok na dulot ng Habagat at pagbaha, muling nakita ang tunay na diwa ng malasakit at pagtutulungan.

Noong September 2, 2026, matagumpay na naipamahagi ang mga relief goods para sa ating mga kapatid na Muslim na naapektuhan ng pagbaha sa 1K1 at 1K2 Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez (Montalban), Rizal.

Ang mga relief goods ay nagmula sa isang mapagkawanggawang indibidwal na piniling manatiling pribado ang pagkakakilanlan. Walang ibang hangarin kundi ang makatulong at makapagbigay kahit kaunting ginhawa sa mga pamilyang nangangailangan.

May mga kabutihang hindi kailangang ipagsigawan. Minsan, mas maganda ang pagtulong na tahimik, bukal sa puso, at walang hinihintay na kapalit. 🤍

JazakAllahu khairan katheeran sa inyong kabutihang-loob. Nawa’y higit pa kayong pagpalain ng Allah at gantimpalaan sa bawat pamilyang inyong natulungan. 🤲

Lubos din ang aming pasasalamat sa aming butihing Punong Bayan ng Municipality of Rodriguez (Montalban), Rizal, HON. GEN. RONNIE S. EVANGELISTA (RET.), sa patuloy na malasakit at suporta para sa ating mga kababayan at sa ating Muslim community, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ang inisyatibang ito ay sa pangunguna ng aming minamahal na Head ng Office of the Muslim Affairs (OMA), IMAM (PCOL) EBRA M. MOXSIR (RET.), DPA, kasama ang mga katuwang na patuloy na tumutulong upang maabot ang ating mga kapatid na higit na nangangailangan.

Sa lahat ng naging bahagi ng pamamahagi at sa mga taong tahimik na tumutulong sa ating komunidad🫶maraming salamat po.

Hindi mahalaga kung sino ang pangalan na nakalagay sa isang donasyon. Ang mahalaga ay may pusong handang magbigay at may pamilyang nakatanggap ng pag-asa. 🫶💚

JazakAllahu khairan katheeran. 🤲
Nawa’y tanggapin ng Allah ang bawat mabuting gawa at pagpalain ang lahat ng kamay na tumutulong.

OMA Rodriguez, Rizal
Patuloy na kasama ng ating Muslim community sa panahon ng pangangailangan. 🤲



TABANG PARA SA MONTALBAN MUSLIM COMMUNITYPara sa ating mga kapatid na Muslim na naapektuhan ng Habagat at pagbaha📍 Sabah...
10/09/2026

TABANG PARA SA MONTALBAN MUSLIM COMMUNITY
Para sa ating mga kapatid na Muslim na naapektuhan ng Habagat at pagbaha
📍 Sabah, Maislap at 1K2 | September 10, 2026

Alhamdulillah. Sa panahon ng pagsubok, tunay na nakakataba ng puso ang makita na may mga taong handang tumulong at makiramay sa ating mga kapatid na nangangailangan.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa RAQUEL-ABBAS PHARMA, PAKPHIL, NCR-XV (RAJAH Eagles), IMAM COUNCIL OF THE PHILIPPINE INC. (ICPI), at sa SALAAM POLICE ADVOCACY GROUP (SPAG) sa kanilang pakikiisa at malasakit para sa ating mga kapatid na Muslim na naapektuhan ng baha.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Ghulam Abbas, sa kanyang bukal sa pusong pagtulong at pagiging sponsor ng mga donasyong ipinamahagi sa ating mga kababayan. Ang inyong kabutihan ay malaking bagay para sa mga pamilyang dumaranas ngayon ng hirap.

Ang pagtulong ay hindi lamang tungkol sa halaga ng isang donasyon🫶ito ay tungkol sa pagdamay, malasakit at pag-alala sa kapwa sa oras ng pangangailangan. 💚

Lubos din naming kinikilala ang suporta at malasakit ng aming butihing Punong Bayan ng Municipality of Rodriguez (Montalban), Rizal, HON. GEN. RONNIE S. EVANGELISTA (RET.), sa patuloy na pagbibigay-pansin at suporta sa ating mga kababayan, kabilang ang ating Muslim community, lalo na sa panahon ng sakuna at pangangailangan.

Ang inisyatibang ito ay sa pangunguna ng aming minamahal na Head ng Office of the Muslim Affairs (OMA), IMAM (PCOL) EBRA M. MOXSIR (RET), DPA, na patuloy na nangunguna sa mga hakbang upang maabot at matulungan ang ating Muslim community sa panahon ng sakuna.

Sa lahat ng nakiisa, nag-abot ng tulong at naging bahagi ng “Tabang Para sa Montalban Muslim Community,” maraming maraming salamat po.

JazakAllahu khairan katheeran. 🤲
Nawa’y gantimpalaan kayo ng Allah sa inyong kabutihan at patuloy na paglingkuran ang ating kapwa.

OMA Rodriguez, Rizal
Patuloy na kasama ng ating Muslim community sa panahon ng pangangailangan. 🤲



Address

Montalban
Rodriguez

Opening Hours

Monday 6am - 6pm
Tuesday 6am - 6pm
Wednesday 6am - 6pm
Thursday 6am - 6pm
Friday 6am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Muslim Affairs "OMA" - Rodriguez Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share