03/06/2026
๐๐๐จ๐ฉ ๐๐๐๐ ๐ค๐ ๐๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐จ!
Narito ang ating mga panalo this last week of May!
Patuloy nating suportahan ang kanilang mga susunod na laban. Ipaglaban natin ang kampyonato! ๐ช
Congratulations, Burgos Aces!
01/06/2026
๐พ๐ค๐ฃ๐๐ง๐๐ฉ๐ช๐ก๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐จ, ๐ฝ๐ช๐ง๐๐ค๐จ ๐ผ๐๐๐จ ๐๐ค๐๐ฉ๐๐๐ก๐ก ๐๐๐๐ข, ๐จ๐ ๐๐ฃ๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ข๐๐ฉ ๐ฃ๐ 4๐ฉ๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐จ๐ 4๐ฉ๐ ๐๐๐ฎ๐ค๐ง ๐๐๐ฃ๐๐ง๐๐ก ๐๐ค๐ฃ๐ฃ๐๐ ๐๐ซ๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐จ๐ฉ๐ ๐๐ค๐๐ฉ๐๐๐ก๐ก ๐๐ค๐ช๐ง๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ! ๐ฅ๐
Nakita namin ang inyong pagpupursige, dedikasyon, motibasyon, at puso sa bawat laban. Maaaring hindi man ito ang naging pagtatapos na inyong inaasam, ngunit ang inyong ipinakitang husay, disiplina, at sportsmanship ay tunay na kahanga-hanga. Kayo ay lubos na ipinagmamalaki ng buong Barangay Burgos!
Maraming maraming salamat sa inyong walang sawang pagdadala ng karangalan at inspirasyon sa ating komunidad. Patuloy ninyong itaas ang bandera ng Burgos sa bawat kompetisyong inyong sasalihan.
Congratulations din sa ating mga manlalaro na nagkamit ng mga Special Awards! Ang inyong mga natamong pagkilala ay patunay ng inyong sipag, talento, at dedikasyon sa larangan ng softball.
Isang taos-pusong pasasalamat din kay Mayor General Ronnie Evangelista sa patuloy na pagsuporta at pagbibigay ng oportunidad para sa pag-unlad ng softball sa ating bayan. Gayundin sa ating Punong Barangay Kap. Melvin Ace Sta Isabel sa kanyang buong pusong suporta at malasakit sa ating mga manlalaro.
Mabuhay ang Burgos Aces! Patuloy lang sa paglaban at pag-abot ng mas mataas pang tagumpay! ๐โจ
31/05/2026
๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐'๐๐! ๐ฒ๐ฒ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐ฏ๐๐๐
๐จ๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐
!
Pagbati sa ating masipag na KK Burgos Multimedia Head! Nawaโy patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, at inspirasyon sa lahat ng iyong ginagawa.
Maraming salamat sa iyong dedikasyon at serbisyo para sa kabataan ng Burgos. Enjoy your special day! โจ
Pagbati mula saโyong mga kasama sa Katipunan ng Kabataan ng Burgos, kasama si SK Chairman Victor Neri at ang buong SK Burgos Council!
30/05/2026
๐ฝ๐ช๐ง๐๐ค๐จ ๐ผ๐๐๐จ ๐๐ค๐๐ฉ๐๐๐ก๐ก ๐๐๐๐ข, ๐ฝ๐ค๐ช๐ฃ๐ ๐ฉ๐ค ๐๐๐ข๐๐จ!
Maraming pumigil at nanlaban, pero ngayon ay hindi na mapipigilan ang ating Burgos Aces Softball Team matapos makapasok sa Semifinals ng 4th Mayor General Ronnie S. Evangelista Softball Tournament 2026! ๐ฅ
Patunay lamang ito ng kanilang sipag, tiyaga, at walang sawang paglaban para sa karangalan ng ating barangay. Sama-sama nating suportahan ang ating koponan habang patuloy nilang inaabot ang tagumpay! ๐ช
Panoorin sila at magpakita ng suporta sa darating na Linggo, May 31, 2026, sa Montalban Sports Center (Oval), 2nd Game, kontra koponan ng Manggahan Tamaraws! Kita-kits at suportahan natin ang ating mga Alas! ๐
29/05/2026
Ipinapatalastas po ang MEMORANDUM Circular no. 13 na inilabas ni Punong Barangay Melvin Ace B. Sta. Isabel nitong May 28, 2026.
Detalyado rito ang pagbabalik sa Limang (5) Araw na Iskedyul ng Trabaho sa Tanggapan ng Pamahalaang Barangay ng Burgos na magsisimula sa Lunes, June 1, 2026.
Lunes hanggang Biyernes: 8:00 AM โ 5:00 PM (No Lunch Break)
Sabado (Half-day): Para lamang sa Barangay Clearance at Treasury Office.
Inaasahan po ang mahigpit na pagsunod ng lahat para sa patuloy at maayos na serbisyo sa ating mga kabarangay. Maraming salamat po!
28/05/2026
Goodluck sa inyong dalawa Mia Andrea E. Catequista at Arlyanne Heidi Medina ng Barangay Burgos para sa inyong laban sa Xaviers Cup.
27/05/2026
๐โจ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฑ, ๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐๐ผ๐๐ฑ!
๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐ฏ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐๐๐ฟ๐ฒ๐ ๐ถ๐ป ๐๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฒ โจ
Matagumpay na naipamahagi ang mga libreng graduation pictures in frame para sa ating mga nagsipagtapos ngayong taon 2026! ๐
Lubos ang pasasalamat ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Burgos sa pangunguna ni SK Chairman Victor Neri at ng buong konseho sa lahat ng mga graduates at magulang na nakiisa at sumuporta sa programang ito. Ang inyong pagtangkilik at partisipasyon ang naging susi upang maging matagumpay ang aktibidad na ito.
Muli, taos-pusong pagbati sa inyong pagtatapos! Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa ninyong abutin ang inyong mga pangarap para sa sarili, pamilya, at komunidad. Tunay ngang proud ang buong pamilya sa inyong tagumpay! ๐โจ
Lubos din kaming nagpapasalamat sa ating Punong Barangay, Kap. Melvin Ace Sta Isabel at konseho para sa kanilang suporta upang maisakatuparan ang programang ito.
Pasasalamat din sa ating official photographer, RJAGappi Photography - RJAG Studio para sa napakaganda at de-kalidad na graduation pictures na magsisilbing alaala ng espesyal na yugto ng buhay ng ating mga graduates.
Maraming salamat po, at muli, congratulations Batch 2026! ๐
26/05/2026
๐๐๐ญ๐ก ๐๐๐ค๐ข๐ง๐ , ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐
๐จ๐ซ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐ญ-๐จ๐-๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก
Noong Mayo 15, 2026, dumalo ang ating ๐ฆ๐ ๐๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ ๐ก๐ฒ๐ฟ๐ถ kasama sina ๐ฆ๐ ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ ๐ฆ๐ต๐ฎ๐ป๐ฒ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ถ๐๐ฐ๐ผ at ๐ฆ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐๐๐๐ถ๐ป ๐ฃ๐ผ๐๐ผ sa isinagawang Oath Taking, Personality Development and Formulation of Internal Rules and Regulations for Out-of-School Youth bilang suporta sa ating mga Burgos Out-of-School Youth. Naging saksi rin sila sa makabuluhang panunumpa na pinangunahan ng ating Municipal Mayor Gen. Ronnie S. Evangelista.
Lubos ang aming pasasalamat sa ating ๐ ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฒ๐ป. ๐ฅ๐ผ๐ป๐ป๐ถ๐ฒ ๐ฆ. ๐๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ๐น๐ถ๐๐๐ฎ
sa kanyang makabuluhang motivational speech na nagsilbing inspirasyon at gabay para sa ating mga kabataan. Gayundin, taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating ๐ ๐๐๐ข๐ข ๐ ๐ฎ'๐ฎ๐บ ๐ ๐ฒ๐ถ ๐๐ฑ๐น๐ฎ๐ผ-๐๐ด๐ฝ๐ฎ๐ผ๐ฎ sa kanyang mensaheng nagbigay ng dagdag na motibasyon at pag-asa para sa ating mga Out-of-School Youth.
Isa ring taos-pusong pagbati at pasasalamat sa ating mga OSY Burgos representatives sa kanilang aktibong pakikilahok at dedikasyon bilang kinatawan ng kabataang Burgos. Gayundin, taus-puso rin kaming nagpapasalamat sa ๐ฉ๐๐ช๐-๐๐๐ฃ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐๐ฟ๐ด๐ผ๐ sa kanilang tulong upang maisama at mabigyan ng pagkakataon ang ating mga Burgos youth na maging bahagi ng mahalagang programang ito. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang mas lalo pang maging aktibo at makiisa sa mga programang para sa kabataan at komunidad.
25/05/2026
๐ฐ๐ฉ๐ ๐๐๐๐ ๐ค๐ ๐๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐จ!
Narito ang ating mga panalo this 4th week of May!
Patuloy nating suportahan ang kanilang mga susunod na laban. Ipaglaban natin ang kampyonato! ๐ช
Congratulations, Burgos Aces!