02/06/2026
Municipal Health Office - Bayan ng Montalban
Care beyond service
02/06/2026
28/05/2026
ANUNSYO PUBLIKO
Simula June 01, 2026 (Lunes), muling magbabalik sa regular na 5-day workweek schedule ang Pamahalaang Bayan ng Montalban.
Kaugnay nito, maaari na muling magproseso ng mga transaksyon sa lahat tanggapan ng munisipyo mula LUNES HANGGANG BIYERNES, 8:00 AM – 5:00 PM.
Maraming salamat sa inyong patuloy na kooperasyon at pag-unawa.
28/05/2026
ABISO SA PUBLIKO | LIGTAS TIGDAS: MEASLES-RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY (SIA)
Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Montalban sa pagsasagawa ng “Ligtas Tigdas” Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA) at Vitamin A Supplementation para sa mga batang edad 6 hanggang 59 buwang gulang upang maprotektahan laban sa tigdas at tigdas-hangin.
📍 Phase 1
🗓 Hunyo 2026
📌 Brgy. San Jose
📍 Phase 2
🗓 Agosto 2026
📌 Lahat ng Barangay
Inaanyayahan ang mga magulang at tagapag-alaga na maging disiplinado na pabakunahan ang kanilang mga anak sa mga vaccination site o magtungo sa pinakamalapit na health center para sa karagdagang impormasyon.
Ito ay hatid ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, sa pangunguna ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), katuwang ang Municipal Health Office, Department of Health, United Nations Children’s Fund (UNICEF), at World Health Organization (WHO), para sa ligtas at malusog na kabataang Montalbeño.
21/05/2026
MUNICIPAL-WIDE FREE OPERATION TULI 2026
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng serbisyong pangkalusugan para sa kabataang Montalbeño, magsasagawa ang Pamahalaang Bayan ng Montalban, sa pangunguna ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), katuwang ang Municipal Health Office (MHO), ng huling schedule ng Municipal-Wide Free Operation Tuli 2026 ngayong Mayo 21, 2026, ganap na ika-1:00 ng tanghali sa Montalban Health Center, Brgy. Balite.
Bukas ang libreng tuli para sa animnapung (60) kabataang lalaki na may edad labing-isang (11) taong gulang pataas.
Paalala naman sa mga magpapatuli na siguraduhing nakaligo at nakakain bago magtungo sa itinakdang lugar upang matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong pagsasagawa ng operasyon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Contact the business
Telephone
Website
Address
Rodriguez
1860
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
