24/03/2026
Municipal Solid Waste Management Office - Rodriguez,Rizal
“Solid Waste Management is the responsibility of everyone, not just the government and a few sectors.
It is also linked to environmental protection, business, education, and public welfare.”
24/03/2026
Alinsunod sa umiiral na patakaran sa solid waste management, ang bawat sambahayan ay inaasahang maghiwalay ng kanilang basura ayon sa sumusunod:
• Biodegradable – maaaring bulukin at gawing compost
• Recyclable – maaaring ihiwalay at ibenta o dalhin sa recycling facilities
• Residual – ito lamang ang dapat kolektahin at dalhin sa landfill
• Hazardous – nangangailangan ng espesyal na paghawak at pagtatapon
Sa pamamagitan ng tamang segregation, nababawasan ang dami ng basurang napupunta sa landfill at napapahaba ang kapasidad nito.
Mahigpit na ipatutupad ang “No Segregation, No Collection Policy.”
Inaanyayahan ang lahat na makiisa at maging responsable sa wastong pamamahala ng basura para sa kalinisan at kaayusan ng ating komunidad.
Segregate at source. Disiplina ng bawat isa, susi sa malinis na kapaligiran.
16/03/2026
ANUNSYO PUBLIKO | UPDATED GARBAGE COLLECTION SCHEDULE – MONTALBAN
Ipinapaalam sa publiko ang updated garbage collection schedule, na magsisimula sa March 22, 2026, ng Pamahalaang Bayan ng Montalban sa pamamagitan ng Municipal Solid Waste Management Office upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa bawat barangay.
Mahigpit din na ipinatutupad ang “No Segregation, No Collection Policy” alinsunod sa Municipal Ordinance No. 20, s. 2018. Pinapaalalahanan ang lahat ng residente na paghiwahiwalayin ang mga basura bago ito ilabas para sa koleksyon.
PAALALA: Pinapayagan ang pagtatapon ng basura sa pangunahing kalsada araw-araw mula 3:00 A.M. hanggang 5:00 A.M. lamang. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon lampas sa itinakdang oras.
16/01/2026
ALAM MO BA?
MONTALBEÑOS! TAYO AY MAG SEGREGATE!!
Alamin natin kung ano ba dapat ang tamang gawin sa ating basura, upang mabawasan ang dami ng basura na naitatapon sa ating Sanitary Land Fill (SLF) at maiwasan ang ang mga kasanayan tulad ng mga sumusunod;
1.Illegal dumping at water bodies
2. Illegal dumping in open areas
3.Littering
4.Open burning
Ito ang PRESCRIBED COLOR CODING OF WASTE BINS/BAGS ACCORDING TO THEIR CLASSIFICATION.
"BAWASAN ANG BASURANG ITINATAPON! MAG-SEGREGATE"
🟢🗑- NABUBULOK (Compostable Waste)
- Balat ng prutas at gulay, hasang,bituka at tinik ng isda, tuyong dahon, tirang pagkain, atbp;
DAPAT GAWIN
* I-kompos o ibaon sba hardin
* Kung ipakokolekta sa basurero,ilagay sa plastik na supot at italing mabuti
*Salain/Alisin ang tubig
*Huwag isama ang plastik o papel na supot
🔵🗑- NARERESIKLO (Recyclable Waste)
- Papel,Karton,bote,tin cans,Pet bottles,plastic, atbp;
DAPAT GAWIN
*Ihiwalay ang mga puting papel sa may kulay na papel
*Itupi ang karton para makatipid ng espasyo
*Huwag ipakolekta ang mga papel kapag umuulan. Ang papel,kapag nabasa, ay nagiging compostable
*Patuyin ang plastik bago ilagay sa lalagyan ng mga recyclables
*Tupiin o paigsiin ang mga bakal
*Hugasan ang mga plastik at bote upang malinis ang mga basura at hindi ipisin at langgamin.
⚫🗑- PANAPON (Bad Residual waste)
- Sanitary napkins,disposable diapers, at iba pang bagay na hindi na maaaring gawing kompos o iresiklo.
DAPAT GAWIN
*Huwag isama sa mga basurang galing sa kusina at hardin
*Ilagay sa plastik na supot at sako hindi sa karton
-PANAPON (Good Residual Waste)
- Sachet's at balat ng kendi
DAPAT GAWIN
*Gupit gupitin at ilagay sa plastic bottle at gawing eco-brick o gawing unan
SPECIAL WASTE
🔴🗑-NAKAKALASON/MAPANGANIB ( Household Hazardous waste)
- pintura, spray canisters, thinner, baterya(lead-acid/household). Mga sirang gamit tulad ng (sirang aparador, TV, radyo, refrigerator,) atbp.
DAPAT GAWIN
* Ang mga matatalas na bagay ay dapat ilagay sa matigas na karton at itali ng mabuti para di makasugat ng mga palero
*Ibukod at dalhin sa pinakamalapit na MRF (Brgy.MRF o HOA MRF)
🟡🗑- NAKAKAHAWA (Health Care Waste)
- Face mask,Faceshield, gamit na tissue at Gloves4
DAPAT GAWIN
* Tanggalin ang facemask mula sa tali nang hindi hinahawakan ang harap nito
*Gupitin ito sa gitna pati ang tali nito
Gawin ito upang maiwasan ang pagreresiklo ng mask at posibleng pagpulupot nito sa mga hayop
*Ihiwalay ito sa ibang basura
Sulatan ng tanda o pangalan,siguraduhin na matibay at selyado ang lagayan
* Ilagay sa Yellow bag at may labeled "infected waste"
14/01/2026
13/01/2026
🥈 CONGRATULATIONS! 🥈
Isang malaking pagbati sa Kasiglahan Village National High School (KVNHS) – YES-O sa pagkamit ng 2nd Place sa Municipal Most Functional School-Based Materials Recovery Facility (MRF)
Ang pagkilalang ito ay patunay ng sipag, disiplina, teamwork, at matibay na commitment ng paaralan sa tamang solid waste management at pangangalaga sa kalikasan
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang paaralan na paigtingin ang pagpapatupad ng functional at sustainable school-based MRF.
Ipagpatuloy ang pagiging huwaran sa adbokasiya para sa isang mas malinis at mas luntiang komunidad
13/01/2026
🥇 CONGRATULATIONS! 🥇
Isang malaking pagbati sa YES-O of San Jose National High School sa pagkamit ng 1st Place sa Municipal Most Functional Materials Recovery Facility (MRF) – School-Based Competition
Ang tagumpay na ito ay patunay ng disiplina, dedikasyon, at malasakit sa kalikasan ng ating mga kabataang San Josenians. Ipinapakita lamang na kapag may kaalaman, tamang segregasyon, at pagkakaisa, posible ang maayos at functional na MRF sa loob ng paaralan
Patuloy nating suportahan ang mga programang pangkalikasan at hikayatin ang iba pang paaralan na tularan ang magandang ehemplong ito.
Batang San Josenian, Batang Disiplinado! 💚
31/12/2025
ABISO SA PUBLIKO
DAHIL SA HOLIDAY SEASON, inaasahan po na magkakaroon ng kaunting pagkaantala sa pangongolekta ng basura sa ilang lugar.
GAYUNPAMAN, kami po ay nagsusumikap na makolekta ang lahat ng basura sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na operasyon at catch-up collection.
Upang makatulong, hinihikayat po namin ang lahat na mag-segregate ng kanilang basura sa bahay – hiwalayin ang nabubulok, recyclable, at residual na basura. Makakatulong ito upang mabawasan ang volume ng basura at mas mapabilis ang koleksyon.
Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang maaaring idulot nito at nagpapasalamat po kami sa inyong pang-unawa at kooperasyon.
16/12/2025
MONTALBEÑOS!
These principles collectively encourage individuals and businesses to adopt more sustainable practices, reduce their ecological
footprint, and contribute to conserving natural resources. The 5 R's serve as a guide for making conscious choices that support a healthier planet.
♻️REDUCE
♻️REUSE
♻️RECYCLE
♻️REFUSE
♻️REPAIR
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
JP Rizal Street Balite
Rodriguez
1860
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 5pm |
| Sunday | 8am - 5pm |
