06/10/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐
๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Santa Maria ay nag-uumapaw sa saya at galak para sa inyo! Ibinabalik natin sa Panginoon ang lahat ng papuri at luwalhati para sa matagumpay na resulta ng inyong board exam.
Naging piping saksi ang likurang bahagi ng aming opisina sa inyong araw-araw na pag-aaral, puyat, at matinding sakripisyo. Isang napakalaking karangalan para sa aming tanggapan na maging bahagi ng inyong tagumpay sa pamamagitan ng Bugsay Review Program, isang mahalagang support service ng Municipal Agriculture Office ng Santa Maria na naglalayong tulungan at ihanda ang ating mga future professionals.
Taas-noo nating batiin ang labinlimang (15) bagong lisensyadong propesyunal sa Pangisdaan mula sa bayan ng Santa Maria:
๐ Jayvee M. Badajos, RFP
๐ Phines Diaz, RFP
๐ Shaina Mae Q. Fillartos, RFP
๐ Anna Grace Fillartos, RFP
๐ Marriane Ibabao, RFP
๐ Clemen M. Labadora, RFP
๐ Aron Carl R. Liberato, RFP
๐ Lorraine Liberato, RFP
๐ Sarrah G. Mercano, RFP
๐ Denesse Joy Mindo, RFP
๐ Rhea R. Moaje, RFP
๐ Albert Orate, RFP
๐ Daisy P. Ramirez, RFP
๐ Nathaniel Romanos, RFP
๐ Glyza Rosa, RFP
Ang tagumpay na ito ay sumasalamin din sa patuloy na pagtutulungan ng ating komunidad. Lubos ang aming pasasalamat sa ๐๐จ๐ค๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐, sa pangunguna ng ating laging nakasuportang ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ซ๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐. ๐
๐๐๐จ๐ง, sa inyong walang sawang pagtugon sa mga pangangailangan ng ating sektor. Gayundin sa pamumuno ng ating Municipal Agriculturist, Engr. Ramel L. Fabon, na nagpasimuno at patuloy na sumusuporta sa mga programang tulad ng Bugsay upang mapalakas ang ating sektor ng pangisdaan sa pamamagitan ng suporta sa mga kabataan.
Sa ating mga reviewees na hindi pinalad sa pagkakataong ito, isang mahigpit na yakap mula sa aming opisina. Hindi dito natatapos ang inyong pangarap. Godโs timing is always perfect! Iyak niyo lang ngayon, pero bukas laban ulit. Nandito lang ang Municipal Agriculture Office ng Santa Maria at ang BUGSAY family para patuloy kayong suportahan, alalayan, at buksan ang aming opisina para sa inyo hanggang sa makuha ninyo ang inyong mga lisensya. Padayon!
Sa inyong lahat, baunin ninyo ang pangaral na ito saan man kayo dalhin ng inyong propesyon:
๐ "Commit to the Lord whatever you do, and he will establish your plans." โ Proverbs 16:3
Humayo kayo at magsilbi nang may puso at layuning makadiyos para sa ating mga mangingisda at yamang tubig! Mabuhay ang mga bagong Registered Fisheries Professionals ng Santa Maria! ๐๐โ