05/10/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ก๐ ๐๐๐๐ข๐ฌ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ช๐๐๐๐ก, ๐ง๐๐ก๐๐๐๐๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ฉ๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐ข๐ก๐ฆ๐จ๐๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก
Nagkaroon ng pagpupulong sa usapin ng mababang presyo ng bentahan ng baboy sa lalawigan nitong Oktubre 1, 2026, na pinangunahan ng Provincial Veterinary Office sa pangunguna ni Provincial Veterinarian Dr. Ralph Joselle A. Fabon, kasama si Executive Assistant IV Dr. Arnulfo F. De Luna, Provincial Agriculturist Relly F. Diokno, mga Municipal Agriculturists, Agriculture Technologists, SB Members, DTI, DOST, at ibang mga lokal na kinatawan.
Tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng swine industry sa Romblon, kabilang ang oversupply ng baboy, mataas na halaga ng feeds, at epekto ng pangamba sa African Swine Fever (ASF) sa presyuhan ng live swine. Bagaman kontrolado na ang ASF situation at may mga bayang kinikilala sa ilalim ng Recognition of Active Surveillance on African Swine Fever (RAS-ASF), nananatili itong isa sa mga usaping nakaaapekto sa bentahan.
Dumalo rin si SP Member Ricmel S. Falqueza, Chairman ng Committee on Agriculture, kung saan tinalakay ang mga posibleng hakbang upang matulungan ang mga magbababoy, kabilang ang pagbuo ng meat processing projects at mga lokal na mekanismo para sa price monitoring. Ipinresenta rin ni SB Member Jimuel Soriano ng Looc ang kanilang ordinansa hinggil sa regulasyon, monitoring at market access para sa live swine at pork products.
Bilang susunod na hakbang, iminungkahi ang pagpapatibay ng mga lokal na ordinansa at Executive Order sa bawat bayan, gayundin ang pagbuo ng Swine and Poultry Price Monitoring Council upang masubaybayan ang presyuhan at iba pang usapin sa industriya at makapaglatag ng mga solusyong makatutulong sa mga magbababoy sa lalawigan at iba pang stakeholder.