27/01/2026
Maagang ipinagdiwang ng ating Munisipyo ngayong araw ang National Oral Health Month sa pamamagitan ng isang Poster Making Contest bilang panimula sa nalalapit na Isang Milyong Sipilyo Luzon Kick-off Ceremony, na pangungunahan ng LGU–Rosales, Colgate Philippines, Philippine Dental Association, Inc., Department of Health National Association of Dentists at PDA-Pangasinan Chapter.
Sa pamamagitan ng Poster Making Contest, naipapahayag ng kabataan ang kanilang kaalaman, kamalayan, at malikhaing pananaw tungkol sa kahalagahan ng wastong pangangalaga sa kalusugan ng ngipin at bibig.
Sa darating na Pebrero 20, gaganapin naman ang ika-12 Oral Health Fair, tampok ang mga makukulay na float, isang masiglang Dental Cheering Contest, at ang Search for the Next Batang-Bibo 2026. Layunin ng mga gawaing ito na higit pang palawakin ang kamalayan ng publiko tungkol sa oral health sa pamamagitan ng masaya, interaktibo, at makabuluhang mga aktibidad para sa mga kabataan. 💙