Brgy. Bakit-Bakit

Directions

Brgy. Bakit-Bakit Sangguniang Barangay ng Bakit-Bakit

14/09/2026

ITIGIL ANG PAGTATAPON SA ILOG

Ang ilog ay hindi basurahan. Kapag patuloy nating itinatapon ang basura sa mga daluyan ng tubig, maaari itong magdulot ng pagbara, pagbaha, polusyon, at pagkasira ng kalikasan.

Maliit man ang isang basurang itinatapon, kapag pinagsama-sama, malaki ang epekto nito sa ating komunidad.

β€’ Itapon ang basura sa tamang lugar.
β€’ Panatilihing malinis ang mga ilog at daluyan ng tubig.
β€’ Maging bahagi ng solusyon, hindi ng problema.

Malinis na ilog, ligtas na komunidad!




01/09/2026

ABISO SA PUBLIKO

Bukas ng 8:00 AM, September 2, 2026, ang San Roque Dam ay magbubukas ng 2 GATES at magpapakawala ng tubig na may taas na 2 na metro, katumbas ng 300 cms na daloy ng tubig.

Ang pagbubukas o pag-release ng tubig mula sa dam ay isang precautionary measure upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng San Roque Dam Level.

Current Level: 283.68 masl
Inflow: 714 cms
Outflow: 270 cms
LLO Discharge: 127.88 cms




31/08/2026

DOH: SA SECONDHAND SMOKE, DAMAY ANG LAHAT SA LASON

Ang usok ng sigarilyo, walang pinipiling biktima. Kahit hindi ka naninigarilyo, maaari ka pa ring malagay sa panganib dahil sa secondhand smoke.

Sa bahay, sa sasakyan, o sa iba pang lugar, bawat buga ng usok ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga taong nasa paligid mo, lalo na ang mga bata.

Panatilihing smoke-free ang ating tahanan at komunidad. Tumawag sa Quitline 1558 para sa tulong sa pagquit.




30/08/2026
22/08/2026

π—žπ—”π—•π—”π—Ÿπ—˜π—¬π—”π—‘! π—œπ—ͺ𝗔𝗦 π——π—˜π—‘π—šπ—¨π—˜, π—¦π—œπ— π—¨π—Ÿπ—”π—‘ 𝗦𝗔 π—£π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—œπ——

May mga naipong tubig sa timba, gulong, paso, o iba pang lalagyan? Itapon agad!

Ang stagnant water ay maaaring pamugaran ng Aedes mosquitoes na nagdadala ng dengue. Regular na linisin at kuskusin ang mga lalagyan para maalis pati ang mga itlog ng lamok na maaaring dumikit sa gilid nito.

β€’ Itapon ang naipong tubig
β€’ Linisin at kuskusin ang mga lalagyan
β€’ Takpan ang mga imbakan ng tubig

Huwag hayaang maging breeding ground ang simpleng naipong tubig. Sa dengue prevention, bawat maliit na hakbang, malaking proteksyon.




Address

Sitio Cabalacungan Purok 4 Bakit-Bakit
Rosales
2441

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Bakit-Bakit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share