LTOR1 Rosales District Office

Directions

LTOR1 Rosales District Office Contact Numbers:(075)632-5633/ 0977-008-0527

05/11/2026

𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, na simula Nobyembre 2026 ay babalik na sa regular na validity period at renewal schedule ang mga rehistro ng sasakyan, driver's at conductor's license, student permit, at medical certificate. Kasunod ito ng pagbabalik sa normal na operasyon ng Land Transportation Management System (LTMS).

Gayunpaman, upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga motorista na may mga dokumentong nag-expire mula Hulyo hanggang Oktubre 2026, at saklaw ng dating extension, nagtakda ang LTO ng palugit para sa pag-renew ng mga ito. Alinsunod sa Memorandum Circular (MC) No. MVL-2026-5523 na may petsang Oktubre 29, 2026, maaari nilang makumpleto ang renewal sa loob ng itinakdang panahon nang walang karagdagang bayarin at multa.

Narito ang iskedyul ng renewal at ang huling araw ng palugit:

𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲 - Magsisimula ang renewal sa Nobyembre 3, 2026 at magtatapos sa Disyembre 29, 2026.

𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲 - Magsisimula ang renewal sa Disyembre 1, 2026 at magtatapos sa Enero 29, 2027.

𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲 - Magsisimula ang renewal sa Enero 4, 2027 at magtatapos sa Pebrero 26, 2027.

Ang mga motorista na hindi makakapag-renew sa loob ng itinakdang palugit ay papatawan na ng kaukulang bayarin at multa.

Pinapayuhan ng LTO ang publiko na maging maagap sa pagproseso ng kanilang renewal at tiyaking kumpleto ang mga kinakailangang dokumento bago magtungo sa mga tanggapan ng ahensya.

05/11/2026

𝐋𝐓𝐎, 𝐓𝐔𝐋𝐔𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐍𝐀𝐖𝐈 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐑𝐀𝐘𝐁𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐕 𝐍𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐊𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐇𝐈𝐓-𝐀𝐍𝐃-𝐑𝐔𝐍 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐊𝐈𝐃 𝐇𝐈𝐆𝐇𝐖𝐀𝐘; 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍, 𝐍𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐓𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐊𝐀-𝐀𝐋𝐀𝐑𝐌𝐀

Matapos ang masusing pagsusuri sa mga nakalap na ebidensya at pagsasagawa ng kaukulang proseso, naglabas ng resolusyon ang Land Transportation Office (LTO) na nagresulta sa pagbawi sa driver’s license ng drayber ng isang SUV na sangkot sa insidente ng hit-and-run sa kahabaan ng Kalikid Highway noong Oktubre 18, 2026. Ipinataw ang parusang revocation ng lisensya sa loob ng dalawang (2) taon. Samantala, nananatiling naka-alarm ang naturang sasakyan.

Batay sa mga nakalap na impormasyon at ebidensya, naganap ang insidente bandang alas-10:00 ng gabi habang bumibiyahe ang naturang SUV sa Kalikid Highway. Iniulat na nasangkot ito sa isang aksidente na nagresulta sa pagkasugat ng ilang indibidwal at pagkapinsala ng mga ari-arian.

Kaugnay nito, nag-isyu ang ahensya ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at itinalagang drayber ng SUV upang humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office at magsumite ng sinumpaang komento o paliwanag kaugnay ng insidente. Bagama’t hindi nakadalo ang respondente sa itinakdang pagdinig noong Oktubre 27, 2026, nagsumite naman ito ng paliwanag sa pamamagitan ng email noong Oktubre 26, 2026.

Sa isinagawang pagsusuri sa kaso at mga nakalap na ebidensya, napag-alamang may sapat na batayan upang papanagutin ang drayber sa mga paglabag na Reckless Driving, Duty of the Driver in Case of Accident, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle. Dahil dito, tuluyang binawi ng LTO ang kanyang driver’s license at hindi siya maaaring magmaneho sa loob ng dalawang taon bilang kaukulang parusa sa mga nagawang paglabag.

Samantala, nananatiling naka-alarm ang naturang SUV habang isinasagawa ang kaukulang proseso ng ahensya.

“Hindi maaaring balewalain ang mga insidenteng nagdudulot ng pinsala sa buhay at ari-arian. Responsibilidad ng bawat drayber na maging maingat at sumunod sa batas, lalo na kapag nasangkot sa isang aksidente. Tinitiyak natin na ang sinumang mapatunayang lumabag ay mananagot alinsunod sa umiiral na mga patakaran,” ayon kay Asec. Markus V. Lacanilao.

Patuloy na pinaaalalahanan ng LTO ang mga motorista na maging responsable sa bawat biyahe at huwag takasan ang anumang pananagutan kapag nasangkot sa aksidente. Ang bawat drayber ay may tungkuling tiyakin ang kaligtasan ng kapwa gumagamit ng kalsada at agad na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan sa oras ng insidente.

05/11/2026
13/10/2026
05/10/2026

🚨 𝐒𝐇𝐎𝐖 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐎𝐑𝐃𝐄𝐑 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨

Matapos ang isinagawang imbestigasyon ng ahensya, ipinataw ng Land Transportation Office (LTO) ang apat na taong revocation ng driver’s license ng drayber ng pampasaherong jeep na sangkot sa insidenteng ikinasawi ng backrider ng isang motorsiklo sa Ortigas Avenue, Cainta, Rizal noong Setyembre 20, 2026.

Batay sa mga ebidensiyang nasa rekord at mga dokumentong nakalap kaugnay ng insidente, napatunayang may sapat na batayan upang patawan ng kaukulang pananagutan ang naturang drayber. Sa naturang insidente, bumangga ang pampasaherong jeep sa likurang bahagi ng motorsiklo habang minamaniobra ito mula sa gitnang lane patungo sa inner lane sa westbound lane ng Ortigas Avenue. Dahil dito, nahulog ang drayber at backrider ng motorsiklo, kung saan kalaunan ay nasawi ang backrider.

Kabilang sa mga paglabag na napatunayan laban sa drayber ang Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na naging batayan sa pagbawi ng kanyang driver’s license sa loob ng apat na taon.

Samantala, tinukoy rin ang pananagutan ng rehistradong may-ari o operator ng naturang pampasaherong jeep sa kasong Employing a Reckless Driver.

Nananatiling naka-alarm naman ang naturang pampasaherong jeep.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng naunang inilabas ng ahensya tungkol sa insidenteng ito, maaaring bisitahin ang link sa ibaba:

https://www.facebook.com/share/p/1CDpTx1VHy/?mibextid=wwXIfr

Address

National Road, Carmay East
Rosales
2441

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTOR1 Rosales District Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share