31/10/2026
𝐏𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝟏𝟔𝐈𝐁 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐖𝐏𝐒 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐈𝐀𝐀𝐏
Patuloy na pinaigting ng 16th Infantry (Maglilingkod) Battalion, 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division, Philippine Army, ang pagpapalawak ng kaalaman ng publiko at pagpapatatag ng ugnayan sa pagitan ng kasundaluhan at mamamayan sa pamamagitan ng Community Information and Awareness Approach Program (CIAAP). Kaugnay nito, nagsagawa ang 16IB ng isang gawaing pang-impormasyon ngayong ika-31 ng Oktubre 2026, sa Brgy Haligue Silangan, Lungsod ng Batangas, sa pangunguna ni Hon. Danilo F. Balmes, Brgy Chairperson, kasama si PSSg Alyssa Ashley D. De Torres ng Batangas Component City Police Station.
Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang usaping pambansa, kabilang ang West Philippine Sea (WPS), soberanya ng bansa, pambansang seguridad, at papel ng bawat Pilipino sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Layunin nitong higit na mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan at mapatatag ang pakikipagtulungan sa pagitan ng kasundaluhan at lokal na komunidad.
Bilang suporta sa aktibidad, namahagi rin ang Pamahalaang Lungsod ng Batangas ng mga food pack sa mga kalahok, na nagpatibay sa diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa ng pamahalaan, militar, at komunidad.
Nananatiling matatag ang 16IB sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng tamang impormasyon, bukas na komunikasyon, at pakikipagtulungan sa mga lokal na stakeholder bilang bahagi ng tungkulin nitong maglingkod at magprotekta sa sambayanang Pilipino.