19/08/2026
𝐃𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐬𝐭 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧, 𝐍𝐚𝐬𝐢𝐥𝐛𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐫𝐫𝐚𝐧𝐭 𝐚𝐭 𝐍𝐚𝐚𝐫𝐞𝐬𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐑𝐎𝟔
ILOILO CITY – Naisilbi ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang warrant laban sa dalawang Most Wanted Person sa magkahiwalay na operasyon sa Capiz noong Agosto 17, 2026.
Bandang 3:30 ng hapon, isinilbi ng Maayon Municipal Police Station (MPS) ang Warrant of Arrest laban kay alyas “Denden,” 51 taong gulang, Top 3 Municipal-Level Most Wanted Person ng Maayon, habang nasa kustodiya siya ng Capiz Rehabilitation Center sa Barangay Lawaan, Roxas City.
Nahaharap siya sa kasong Homicide sa ilalim ng Article 249 ng Revised Penal Code. Ang warrant ay inilabas noong Agosto 12, 2026 ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 18, Roxas City, na may inirekomendang piyansang PhP120,000. Nanatili siya sa kustodiya ng nasabing pasilidad para sa kaukulang legal na proseso.
Samantala, bandang 5:44 ng hapon, naaresto ng Tracker Team ng Pototan MPS, katuwang ang Dao MPS, si alyas “JP,” 18 taong gulang, Top 8 Provincial-Level Most Wanted Person ng Iloilo, sa Barangay Agtambi, Dao, Capiz.
Isinilbi laban sa kanya ang Warrant of Arrest para sa kasong Attempted Murder sa ilalim ng Article 248, kaugnay ng Article 6 ng Revised Penal Code. Ang warrant ay inilabas noong Hulyo 24, 2026 ng Regional Trial Court, Branch 68, Dumangas, Iloilo, na may inirekomendang piyansang PhP120,000. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Pototan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
“Ang mga operasyong ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng koordinasyon ng ating mga police units at iba pang ahensya. Nasaan man ang mga wanted person, patuloy nating ipatutupad ang mga warrant ng hukuman upang maiharap sila sa wastong proseso ng batas,” ani PRO6 Regional Director PBGen Randulf T Tuaño.
Patuloy na paiigtingin ng PRO6 ang manhunt operations bilang bahagi ng RESPONSIVE, TRUSTED, and TRANSFORMATIVE POLICING tungo sa mas ligtas at mapayapang Western Visayas, alinsunod sa bisyon ng PNP na “BAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN."
(PNP-RPIO6)
#𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲𝗧𝗿𝘂𝘀𝘁𝗲𝗱𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗶𝗻𝗴
#𝗧𝗼𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲𝗮𝗻𝗱𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁
#𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗡𝗣𝗽𝗮𝗿𝗮𝗦𝗮𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀