Roxas Palawan Municipal Engineering Office

Roxas Palawan Municipal Engineering Office

Share

Building a better Roxas through quality infrastructure and dedicated public service.❤️👷

Photos from Roxas Palawan Municipal Engineering Office's post 28/05/2026

Isinasagawa na ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas sa pamumuno ni Honorable Mayor Pedy Bautista Sabando ang proyektong “𝐂𝐎𝐍𝐒𝐓𝐑𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐋𝐈𝐕𝐄𝐋𝐈𝐇𝐎𝐎𝐃 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐑 𝐖𝐎𝐌𝐄𝐍 𝐄𝐍𝐓𝐑𝐄𝐏𝐑𝐄𝐍𝐄𝐔𝐑𝐒 𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐎𝐌𝐎𝐓𝐄 𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐓𝐒” 𝘗𝘳𝘰𝘫𝘦𝘤𝘵 𝘐𝘥𝘦𝘯𝘵𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘕𝘰. 𝘪𝘵𝘣 2026-005.⁣

Ang proyektong ito ay isinakatuparan ng Municipal Engineering Office sa pamumuno ni Municipal Engineer, Engr. Teodoro Cayetanojr., bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa kabuhayan at kaunlaran ng mamamayan ng Roxas.

Photos from Roxas Palawan Municipal Engineering Office's post 28/05/2026

Patuloy ang pagsasakatuparan ng mga proyekto ng Local Government Unit of Roxas sa pamumuno ni Honorable Mayor Pedy Bautista Sabando sa pamamagitan ng proyektong “𝐂𝐎𝐍𝐒𝐓𝐑𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 / 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐀𝐋𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐁𝐑𝐄𝐀𝐒𝐓𝐅𝐄𝐄𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐑𝐍𝐄𝐑𝐒, 𝐏𝐍𝐏 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐌𝐀𝐑𝐊𝐄𝐓, 𝐑𝐎𝐗𝐀𝐒, 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍”.

Ang proyektong ito ay isinakatuparan ng Municipal Engineering Office sa pamumuno ni Municipal Engineer, Engr. Teodoro Cayetanojr., bilang bahagi ng patuloy na layunin ng pamahalaang bayan na suportahan ang mga mamayan ng Roxas.

Photos from Bayan ng Roxas, Palawan's post 25/05/2026

𝗦𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗦𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗨𝗘 𝗘𝗤𝗨𝗜𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦
Pinasinayan na rin ang seremonya ng pagbabasbas ng mga bagong rescue equipment para sa mga islang barangay ng bayan. Pinangunahan ni Reverend Father Roderick Yap Caabay ang seremonya at ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Punong Bayan Kgg. Pedy Bautista Sabando katuwang ang Bise-Alkalde Kgg. Alfredo B. Enojas Jr. kasama ang mga Sangguniang Bayan Members, mga Department Heads.
Ang mga bagong sasakyan at kagamitan ay bahagi ng prayoridad sa pagtugon sa mga sakuna, kalamidad, at iba pang emerhensiya. Ang mga rubber boat ay ide-deploy sa mga barangay na madalas bahain tuwing may malalakas na pag-ulan at bagyo upang mas mapabilis ang rescue at evacuation operations. Samantala, ang rescue boat ay nakalaan para sa mga isla ng Green Island, Cabugan Island, at Johnson Island upang matiyak ang agarang pag-abot ng tulong at serbisyong pang-emergency sa mga residente ng mga nasabing lugar.

21/05/2026

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲 𝐭𝐨 𝐌𝐬. 𝐄𝐬𝐡𝐚𝐢 𝐕𝐚𝐧𝐧 𝐅. 𝐀𝐛𝐫𝐢𝐧𝐚! 🎉🎂⁣

May your special day be filled with happiness and countless blessings. Thank you for your hard work, dedication, and great camaraderie as part of our MEO Family.⁣

We wish you good health, continued success, and more memorable moments ahead. Enjoy your day and may all your dreams and wishes come true!⁣

Greetings from your MEO Family ❤️

Photos from Roxas Palawan Municipal Engineering Office's post 20/05/2026

𝐋𝐢𝐯𝐞𝐥𝐢𝐡𝐨𝐨𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐋𝐄𝐀𝐏) 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐨𝐥𝐞𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐛𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐞𝐫𝐬 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐑𝐨𝐱𝐚𝐬⁣

Opisyal nang inilunsad ngayong araw, Mayo 20, 2026, ang Livelihood and Education Access Program (LEAP) na naglalayong magbigay ng bagong oportunidad, kaalaman, at pag-asa sa mga parolees at probationers sa Bayan ng Roxas upang sila ay makapagsimulang muli at magkaroon ng mas maayos na kinabukasan.⁣

Sa pangunguna ni Chief Probation and Parole Officer Ms. Evangeline M. Lebante, naging maganda ang pagsisimula ng programa katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Roxas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Pedy Bautista Sabando na patuloy na sumusuporta sa mga programang nakatuon sa kapakanan at pagbabago ng buhay ng bawat mamamayan.⁣

Naghatid naman ng mensahe ang OIC ng Municipal Administrator na si Engr. Teodoro Cayetanojr, bilang kinatawan ng alkalde. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pangalawang pagkakataon at ang patuloy na paggabay sa mga indibidwal na nais magbago at muling makabangon. Nagpaabot din ng suporta at inspirasyon sina MSWDO Head Ms. Rosalie V. Macatangay at CTEC Head Abel B. Arzaga sa pamamagitan ng pagbibigay ng motibasyon at pagpapakilala ng mga programang pang-edukasyon at skills development na makatutulong sa pagpapalakas ng kakayahan at pagbubukas ng mas magandang oportunidad para sa ating mga kababayan.⁣

Photos from Roxas Palawan Municipal Engineering Office's post 20/05/2026

Sinisimulan na ang proyekto ng 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐔𝐧𝐢𝐭 𝐨𝐟 𝐑𝐨𝐱𝐚𝐬 sa pamumuno ng kagalang-galang na si Mayor Pedy Bautista Sabando, at isinakatuparan ng Municipal Engineering Office sa pangunguna ni Municipal Engineer Teodoro Cayetanojr., ang 𝐑𝐞𝐩𝐚𝐢𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐡𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐓𝐢𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐁𝐫𝐢𝐝𝐠𝐞 sa 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐠𝐚𝐫𝐚, 𝐑𝐨𝐱𝐚𝐬, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧 na nagkakahalaga ng mahigit 𝐏𝐇𝐏 𝟐,𝟗𝟗𝟕,𝟔𝟓𝟕.𝟒𝟐.⁣

Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng mas ligtas at maayos na daanan para sa mga residente ng nasabing barangay, gayundin ang pagpapadali ng transportasyon at pagdadala ng mga produkto at kabuhayan mula sa kanilang lugar.⁣

Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas na makapaghatid ng mga proyektong makakatulong sa pag-unlad at kapakanan ng bawat mamamayan.

Photos from Roxas Palawan Municipal Engineering Office's post 19/05/2026

📢 PAYOUT ACTIVITY | Livelihood Fund Distribution

Ngayong araw, Mayo 19, 2026, matagumpay na nagsimula ang PAYOUT ACTIVITY at pagbibigay ng Livelihood Funds na nagkakahalaga ng ₱15,000 bawat benepisyaryo na gaganapin hanggang Mayo 20, 2026 sa Covered Court ng Brgy. III, Roxas, Palawan.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa tulong ng ating Senate President na si Sen. Alan Peter Cayetano, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Roxas sa pamumuno ng ating kagalang-galang na Mayor Pedy Bautista Sabando.

Dinaluhan din ito ng kinatawan ng ating Punong Bayan, ang ating OIC Municipal Administrator na si Engr. Teodoro Cayetanojr, kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ang Sustainable Livelihood Program (SLP).

Patuloy ang ating sama-samang pagkilos upang makapagbigay ng suporta at oportunidad sa ating mga kababayan tungo sa mas maunlad na pamumuhay.

Maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na programang ito.

Photos from Roxas Palawan Municipal Engineering Office's post 19/05/2026

Naisagawa ang 𝐑𝐨𝐚𝐝 𝐑𝐞𝐡𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 sa Barangay Malcampo, Roxas, Palawan bilang bahagi ng pagpapaigting ng mas maayos, ligtas, at mas komportableng daanan para sa ating mga kababayan.⁣

Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang transportasyon, mapadali ang pagbiyahe ng mga residente, at masuportahan ang pag-unlad ng komunidad.⁣

Maraming salamat sa Lokal na Pamahalaan ng Roxas sa pangunguna ni Mayor Pedy Bautista Sabando, katuwang ang Municipal Engineering Office sa pamumuno ng ating municipal engineer, Engr. Teodoro Cayetanojr, sa patuloy na paghahatid ng serbisyong may malasakit para sa mamamayan ng Roxas.

18/05/2026

𝗘𝗫𝗘𝗖𝗨𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥 𝗡𝗢. 𝟭𝟬𝟰, 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝗢𝗙 𝟮𝟬𝟮𝟲
𝗔𝗡 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥 𝗗𝗘𝗦𝗜𝗚𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗚𝗥. 𝗧𝗘𝗢𝗗𝗢𝗥𝗢 𝗩. 𝗖𝗔𝗬𝗘𝗧𝗔𝗡𝗢, 𝗝𝗥. 𝗔𝗦 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗥-𝗜𝗡-𝗖𝗛𝗔𝗥𝗚𝗘 (𝗢𝗜𝗖) 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟 𝗔𝗗𝗠𝗜𝗡𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗥𝗢𝗫𝗔𝗦, 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡

Want your business to be the top-listed Government Service in Roxas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Barangay II
Roxas
5308

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm