10/12/2025
Ang tunay na lakas ng Sangguniang Bayan ay nasa pagkakaisa ng bawat isa.
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat para sa matagumpay na Team Building at Christmas Party. Sa bawat tawanan, sa bawat laro at sa bawat sandali ng pagkakaisa, muling napatunayan natin ang lakas ng ating samahan.Gaya ng aking mensahe sa lahat nawa'y ipagpatuloy natin ang pagtutulungan at pagkakaisa upang mas maging magaan ang ating mga gawain at mas masaya ang ating pagsasama.Sama-sama nating harapin ang mga hamon at ipagdiwang ang bawat tagumpay!
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat!
13/11/2025
Get ready, Bayan! Despite the recent challenges brought by Typhoon Tino, our spirit remains unbroken.
We are thrilled to announce the inaugural Vice Mayor League, kicking off on November 15, 2025! Join us for the "Ist Vice Mayor League sa Bayan: Palaro sa mga Mamamayan, Palaro para sa Pagkakaisa." This isn't just about sports; it's about coming together, rebuilding, and strengthening the bonds that make our community truly special. A beacon of unity and community spirit.
This initiative is made possible through the dedicated partnership of the Barangay Officials of Barangay III Poblacion, under the leadership of Punong Barangay Hon. Ronald C. Miraflores and SK Chairman Jerome Paolo A. Bien.
Let's play, connect, and celebrate our strength together!
13/05/2025
Mahal kong Roxaseno,
Nais kong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat sa suporta at boto na inyong ibinigay sa akin ngayong halalan. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa akin, kundi para din sa bawat isa sa inyo na naniniwala at umasa sa mas magandang kinabukasan para sa ating bayan.
Sa bawat boto na inyong inilagay, ipinakita ninyo ang inyong tiwala at pag-asa. Ang laban na ito ay hindi naging madali, ngunit dahil sa inyong dedikasyon at suporta, nagtagumpay tayo.
Muli, maraming salamat sa inyong tiwala at suporta. Tayo ay sama-samang magtataguyod ng mas maliwanag na bukas para sa sting bayan. Nawa'y patuloy tayong magkaisa at magsikap para sa ikauunlad ng ating bayan.
Maraming salamat!
02/04/2022
Hindi naging hadlang ang pabago-bagong panahon para maparamdam sa ating lahat ang pagmamahal at pagtutulongan para sa PAGBABALIK NG SIGLA ng ating bayan. Maraming salamat sa lahat na nakilahok, sumama at pumunta sa aming Proclamation Rally ❤️💚
Taos puso na nagpapasalamat ang aming grupo sa mainit na pagtanggap sa amin mahal kong kababayan.
Nawa'y pagpalain tayo ng Poong Maykapal.
#1 JR ENOJAS "MAYOR"
#2 JAY LLAVAN "VICE MAYOR"
#15 JOSEPHINE GABUCO "SB MEMBER"
#17 RAISSA GATCHALIAN "SB MEMBER"
#25 ARNULFO PACALSO "SB MEMBER"
#33 MARK TIMBANCAYA "SB MEMBER"
IPAPANALO NATIN TO ❤️❤️❤️💚💚💚
MARAMING SALAMAT at hindi niyo kami iniwan sa Laban na ito.
07/02/2022
Hindi edad ang sukatan sa kakayanang maglingkod sa bayan. Huwag tayong padadala sa mga excuses o kahinaang sinasabi ng iba. Hangga't may apoy sa ating puso para maglingkod ng tapat, kaya nating paunlarin ang bayan!
Sama-sama tayong ibalik muli ang sigla ng Roxas! 💪🏽💛
06/02/2022
Ang pagtitiwala sa Maykapal ay pagpapakita lamang na tayo ay naniniwala sa Kanyang kakayahan, at ito ay tanda ng isang tunay na kalakasan.
Sama-sama tayong ibalik muli ang sigla ng Roxas! 💪🏽💛
05/02/2022
Kapag dumating ka na sa puntong sukong-suko ka na, mas lalo kang dapat magpatuloy!
Sama-sama tayong ibalik muli ang sigla ng Roxas! 💪🏽💛
04/02/2022
Ang araw na ito ay idineklarang World Cancer Day to raise awareness of cancer and to encourage its prevention, detection, and treatment. Ito ay pinangunahan ng Union for International Cancer Control to support the goals of the World Cancer Declaration, written in 2008.
Sama-sama tayong ibalik muli ang sigla ng Roxas! 💪🏽💛