TESDA, LGU Roxas, Palawan

TESDA, LGU Roxas, Palawan

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from TESDA, LGU Roxas, Palawan, Government Organization, Barangay 2 Roxas, Palawan, Roxas.

11/06/2026

‼️‼️‼️📢📢📢‼️‼️‼️
The 5th Batch is Open We are excited to support your learning journey. Enroll in the training program and gain valuable skills that will help you achieve your goals.‼️‼️‼️📢📢📢‼️‼️‼️📢📢📢 ABISO: LIBRENG PAGSASANAY! 📢📢📢

📋 Maging Bahagi ng Ika-5 Batch ng TESDA Scholars!
First Come, First Served!

Ang Roxas HEO Training and Assessment Center Inc. ay tumatanggap na ng mga mag-eenrol para sa:

HEAVY EQUIPMENT OPERATION

(Hydraulic Excavator) NC II

sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP).

📌 Mga Kwalipikasyon:
✅ Mamamayang Pilipino
✅ Hindi bababa sa 18 taong gulang sa pagtatapos ng pagsasanay

🎁 Mga Benepisyo:
✔ LIBRENG Skills Training
✔ LIBRENG National Assessment
✔ Training Support Fund na ₱160.00 bawat araw

📂 Mga Kinakailangang Dokumento:
▪ Kopya ng High School Diploma o College Transcript of Records
▪ Dalawang (2) kopya ng Birth Certificate
▪ Dalawang (2) passport-size ID picture
▪ Dalawang (2) 1x1 ID picture
▪ Dalawang (2) 2x2 ID picture
(Puting background at may kuwelyo ang suot)

📍 Magtungo sa Registrar’s Office o makipag-ugnayan kay:

📞 0952-551-5598
👤 G. Jay Frias Zapanta (Registrar)

📍 Maaari rin kayong bumisita sa:
Zone 5, Barangay New Barbacan, Roxas, Palawan

🎓 Mag-enrol na at maging isang TESDA Scholar ngayon!

⏳ Magmadali! Limitado lamang ang mga slot! 🚜👷‍♂️

22/04/2026

387 𝗠𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗣𝗜 𝗙𝗘𝗗𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔

Isang makabuluhang hakbang sa pagpapatibay ng sektor ng kababaihan sa bayan ng Roxas ang matagumpay na pagsasagawa ng Food Processing Training (Banana Chips & Smoke Fish).

Sa ilalim ng mga programang isinusulong ng Lokal na Pamahalaan, katuwang ang Katipunan ng Lahing Pilipino (KALIPI), kabuuang 387 na kababaihan mula sa iba’t ibang barangay ang nagsipagtapos sa nasabing pagsasanay na pinangasiwaan ng TESDA sa pamamagitan ng Community Training and Employment Coordinator Office (CTEC).

Layunin ng programang ito na palakasin ang kakayahan ng kababaihan at mabigyan sila ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan sa pamamagitan ng mga praktikal na kasanayan tulad ng paggawa ng banana chips at smoked fish sa gabay ng kanilang trainer na si Ms. Crigela Jecel Claveria.

Ang matagumpay na programang ito ay bunga ng tuluy-tuloy na adbokasiya ng KALIPI sa pangunguna ng Federation President at Unang Ginang Rowena F. Sabando, na may buong suporta ni Mayor Pedy B. Sabando. Patunay ito sa kanilang layunin na itaguyod ang kapakanan ng kababaihan sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan at pangkaunlaran.

Dumalo at nagbigay ng mensahe si Hon. Mayor Pedy B. Sabando na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagbibigay-lakas sa kababaihan bilang mahalagang haligi ng komunidad. Nakiisa rin sina Hon. Vice- Mayor Alfredo B. Enojas Jr. sa pamamagitan ng kanyang kinatawan, Municipal Administrator Atty. Orlando A. Ba-alan, TESDA Provincial Director John D. Simborios, at iba pang panauhin sa nasabing okasyon.

Pinangunahan naman ang pamamahagi ng mga sertipiko nina Mayor Pedy B. Sabando, Unang Ginang Rowena F. Sabando, Ms. Geneva M. Quidado, Ms. Crigela Jecel Claveria, at CTEC Head Abel B. Arzaga.

Sa patuloy na pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng KALIPI, inaasahang mas marami pang kababaihan ang mabibigyan ng kakayahan, oportunidad, at inspirasyon upang maging katuwang sa pag-unlad ng buong bayan.

16/04/2026

𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥, 𝗡𝗔𝗚𝗖𝗢𝗨𝗥𝗧𝗘𝗦𝗬 𝗖𝗔𝗟𝗟 𝗞𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗣𝗘𝗗𝗬 𝗕. 𝗦𝗔𝗕𝗔𝗡𝗗𝗢; 𝗦𝗧𝗔𝗞𝗘𝗛𝗢𝗟𝗗𝗘𝗥’𝗦 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗪𝗣𝗨-𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔 𝗣𝗣𝗦𝗔𝗧

Nagsagawa ng Stakeholder’s Meeting para sa pagtatatag ng WPU-TESDA PPSAT sa Magara, Roxas Campus na dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, TESDA, at Western Philippines University (WPU).

Bilang bahagi ng pagbisita, nagsagawa rin ng courtesy call si TESDA MIMAROPA Regional Director Dir. Baron Jose L. Lagran at Provincial Director John D. Simborios sa tanggapan ni Hon. Mayor Pedy B. Sabando. Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang iba’t ibang programa ng TESDA na layong palawakin ang oportunidad sa teknikal na edukasyon at kasanayan ng mga mamamayan.

Ibinahagi rin sa talakayan ang mga suhestyon kung paano pa mapagbubuti ang implementasyon ng mga programa, kabilang ang mungkahi ng pagkakaroon ng ROXAS Community College sa ilalim ng Lokal na Pamahalaan, mula sa kasalukuyang training center tungo sa isang ganap na community college. Layunin nitong mas mapalawak ang access ng mga kabataan at mamamayan sa dekalidad na edukasyon at skills training.

Ikinatuwa naman ni Director Lagran ang inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Pedy B. Sabando, dahil sa patuloy nitong pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa teknikal at bokasyonal na edukasyon sa bayan ng Roxas.

Dinaluhan din ang pagpupulong Nina Sangguniang Bayan Members Hon. Bernie V. Valdez, Hon. Nardo F. Apgao, Hon. Alonzo D. Gabinete at Hon. Gerardo C. Garnado, Hon. Daniel D. Apgao (Punong Barangay ng Magara), Dr. Sianita C. Tadlas (Vocational School Administrator III), at Dr. Amabel S. Liao (President, WPU).

Patunay ito na sa tulong ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at mga katuwang na ahensya, mas napapalawak ang serbisyong pang-edukasyon para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.

10/04/2026

𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐃𝐈𝐍𝐀𝐋𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝟏𝟎𝟎 𝐍𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐏𝐈 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐓𝐈𝐎 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐍 𝐈𝐒𝐋𝐀𝐍𝐃

Mahigit 100 miyembro ng KALIPI mula sa Sitio Green Island ang lumahok sa isinagawang libreng pagsasanay na handog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pakikipag- ugnayan ng KALIPI- Roxas Chapter katuwang ang Lokal na Pamahalaan.

Layunin ng naturang programa na mabigyan ng karagdagang kaalaman at kasanayan ang mga kababaihan upang makatulong sa kanilang kabuhayan at mapalakas ang kanilang kakayahan sa iba’t ibang larangan.

kabilang sa mga itinuro sa training ang mga praktikal na kasanayan na maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay at maging sa paghahanap ng pagkakakitaan, tulad na lamang ng pagawa ng Banana Chips at Smoke Fish O Tinapa,

Kaugnay nito nagpapatuloy parin ngayon ang inisyatibo para sa mga kababaihan sa iba pang mga Barangay sa Munisipyo sa pangunguna ni TESDA Coordinator Abel Arzaga, bilang kinatawan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Pedy B. Sabando at KALIPI Federation President Rowena Sabando.

10/04/2026

𝟔𝟏 𝐍𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐈𝐇𝐀𝐍 , 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀 𝐂𝐇𝐈𝐏𝐒 𝐀𝐓 𝐒𝐌𝐎𝐊𝐄 𝐅𝐈𝐒𝐇 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐍 𝐈𝐒𝐈𝐃𝐑𝐎

Sinamantala narin ang pagkakataon nang nasa 61 na mga KALIPI - Member Association Bgy. San Isidro Roxas Palawan, ang libreng pagsasanay na handog ng KALIPI Roxas Chapter sa pangunguna ng Unang Ginang/ KALIPI Federation President Rowena Sabando katuwang ang TESDA at Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni TESDA Coordinator Abel Arzaga bilang kinatawan ni Punong Bayan Kgg. Pedy B. Sabando, na may kaugnayan sa paggawa ng Banana Chips at Smoke Fish o Tinapa.

Sa pamamagitan ng ganitong mga training, nabibigyan ng oportunidad ang mga kababaihan na matuto ng praktikal na kasanayan na maaari nilang magamit upang magsimula ng maliit na negosyo o mapalago ang kanilang kita.

Umaasa naman ang Asosasyon na Hindi lang kaalaman ang kanilang baon kundi pagkakataon narin para magsimula ng sariling kabuhayan at dagdag kita para sa pamilya.

📷: KALIPI 2026





10/04/2026

𝐊𝐀𝐋𝐈𝐏𝐈 𝐌𝐀𝐆𝐀𝐑𝐀 𝐀𝐒𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐔𝐌𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀 𝐂𝐇𝐈𝐏𝐒 𝐀𝐓 𝐓𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀

Umarangkada na ang programang pangkabuhayan ng KALIPI Magara Association matapos nitong ilunsad ang libreng pagsasanay mula sa TESDA na nakatuon sa paggawa ng banana chips at tinapa o smoked fish.

Layunin ng naturang training na mabigyan ng dagdag kaalaman at kasanayan ang mga miyembro ng samahan upang makapagsimula ng sariling kabuhayan.

Ayon sa pamunuan ng KALIPI ROXAS CHAPTER sa katauhan ng unang ginang / KALIPI Federation President Rowena Sabando, malaking tulong ang programang ito lalo na sa mga kababaihan at pamilyang naghahanap ng alternatibong pagkakakitaan.

Sa tulong ng TESDA at ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni TESDA Coordination Abel Arzaga, sa deriktiba rin ni Punong Bayan Kgg. Pedy B. Sabando, tinuturuan ang mga kalahok ng tamang proseso sa paghahanda, pagluluto, at packaging ng banana chips at tinapa. Kasama rin sa pagsasanay ang basic entrepreneurship upang matutunan ng mga benepisyaryo kung paano ibenta at palaguin ang kanilang produkto sa merkado.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang libreng pagsasanay na handog ng nasabing samanahan sa ilan pang mga Barangay sa Munisipyo ng Roxas.

📷: KALIPI ROXAS 2026





06/04/2026

📢 FREE Masonry Training Opportunity!

To all Senior High graduates, ages 18 years old and above:
We are offering FREE Masonry Training with the following benefits:

✅ Free Training

✅ Free Allowance

✅ Free Assessment

📌 Limited slots available – don’t miss this chance to gain skills, earn certification, and prepare for future employment.

06/04/2026

📢 Enrollment is Now Open!
We are now accepting enrollees for the following TESDA programs:

FREE ASSESSMENT
FREE TRAINING
FREE ALLOWANCE

Driving NC II

Carpentry NC II

Masonry NC II

SMAW NC I

📍If you are interested please enroll at Provincial Training Center-Palawan located at Barangay Magara, Roxas, Palawan
✅ Limited slots available – register early!

26/03/2026

𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎!!

𝐀𝐧𝐠 𝐋𝐓𝐎 𝐑𝐎𝐗𝐀𝐒 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐄𝐎 𝐩𝐨 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐓𝐡𝐞𝐨𝐫𝐞𝐭𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 APRIL 18-19, 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐬𝐚 Barangay 2, 𝐑𝐎𝐗𝐀𝐒, 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍 Municipal Dome mula 7:30am to 5:00pm. 𝐈𝐭𝐨 𝐩𝐨 𝐚𝐲 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐦𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐠 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐞𝐫𝐦𝐢𝐭.

📌𝐌𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐝𝐚𝐥𝐡𝐢𝐧:
*𝐏𝐒𝐀/𝐍𝐒𝐎 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞/𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐃
*𝐀𝐧𝐲 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝 𝐈𝐃/𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐈𝐃
*𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐚𝐠𝐞 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 (𝐟𝐨𝐫 𝐦𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐝 𝐰𝐨𝐦𝐞𝐧)
*𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝 𝐈𝐃 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐫𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐩𝐚𝐫𝐞𝐧𝐭/𝐠𝐮𝐚𝐫𝐝𝐢𝐚𝐧 (𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐞𝐬𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐚𝐲 𝟏𝟔-𝟏𝟕 𝐲𝐫𝐬. 𝐨𝐥𝐝 𝐩𝐚 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠)

𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚:
*𝐀𝐧𝐠 𝐓𝐡𝐞𝐨𝐫𝐞𝐭𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐞. 𝐀𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 𝐚𝐭 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐩𝐞𝐫𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐲𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐩𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐝.

*𝐀𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢 𝐩𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐚𝐲 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐞𝐝𝐚𝐝 𝟏𝟔 𝐲𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠.

* Sa mga gusto mag avail at mga katanungan maari po kayo tumungo sa CTEC office sa 3rd floor Municipal building or sa LTO Bagto Roxas, Palawan.

*𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐏𝐎 𝐈𝐓𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐒𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆 𝐒𝐄𝐌𝐈𝐍𝐀𝐑.
𝐌𝐀𝐑𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓 𝐏𝐎!

24/03/2026

SCHOLARSHIP ALERT!
Be a certified TESDA NC II holder of Masonry NC II.

Visit PTC-Palawan, Barangay Magara, for enrollment, or the CTEC Office of LGU Roxas, Municipal White House Building, for assistance.

Training venue: PTC Magara
Training starts: March 30, 2026

Limited slot only!

Want your business to be the top-listed Government Service in Roxas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Barangay 2 Roxas, Palawan
Roxas