11/09/2026
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Lalawigan ng Isabela
Bayan ng Roxas
BARANGAY QUILING
TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY
DRAFT BARANGAY ORDINANCE NO. 19 - S. 2026
ISANG ORDINANSANG NAGPAPALAKAS SA BARANGAY ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL (BADAC), NAGTATATAG NG COMMUNITY-BASED DRUG REHABILITATION, PREVENTION AT DRUG-FREE ZONE PROGRAM SA BARANGAY QUILING, ROXAS, ISABELA, AT NAGTATAKDA NG PARUSA SA PAGLABAG DITO.
Ipinanukala ni: Hon. Romeo E. Castro Jr.
EXPLANATORY NOTE:
Alinsunod sa RA 9165 at DILG-DDB Joint Memorandum Circular No. 2018-01, lahat ng Barangay ay inaatasang magtatag at magpalakas ng BADAC upang masugpo ang paglaganap ng iligal na droga sa komunidad sa pamamagitan ng prevention, rehabilitation at pakikipagtulungan sa PDEA at PNP.
SEKSYON 1. PAMAGAT.
Ang ordinansang ito ay tatawaging "Barangay Quiling Anti-Drug Abuse Prevention and Rehabilitation Ordinance of 2026".
SEKSYON 2. PATAKARANG PANG-BARANGAY.
Ipinapahayag ng Barangay Quiling na:
a) Protektahan ang kabataan at pamilya laban sa droga;
b) Suportahan ang PDEA at PNP sa pagsugpo ng droga;
c) Bigyang prayoridad ang REHABILITASYON kaysa parusa sa mga biktima na gumagamit (PWUDs).
SEKSYON 3. PAGBUO NG BADAC. Binubuo muli ang BADAC ng Barangay Quiling na pinamumunuan ng Punong Barangay bilang Chairman, at kasapi ang:
Chairman: Hon. Julius Cesar V. Sanchez
Punong Barangay
Hon. Salvador D. Laconsay (Chairman on Peace and Order)
Hon. Dancent C. Monforte
SK Chairman
Rolando H. De leon Jr
Punong Tanod
Mr. Joey Dela Cruz Representative ng Paaralan (Quiling Elem. School)
Pastora Juanita S. Cercado Representative ng Faith-Based Organization
Janice E. Garcia
BHW Representative
Eduardo B. Sanguyo
Teresito F. Salvador
Membro ng Civil Society
SEKSYON 4. MGA TUNGKULIN NG BADAC.
1. Magtala ng mga Persons Who Use Drugs (PWUDs) at i-refer sa Rural Health Unit ng Roxas para sa assessment at Community-Based Drug Rehabilitation (CBDR) Program;
2. Mag-ulat sa PDEA Isabela at PNP Roxas kung may drug den, tulakan, o taniman ng ma*****na sa nasasakupan;
3. Magdeklara ng DRUG-FREE ZONE - 100 metro mula sa paaralan, simbahan, at Barangay Hall. Bawal ang pag-iinom, pag-tambay ng mga lasing at gumagamit ng droga sa mga lugar na ito mula 10:00 PM hanggang 4:00 AM.
4. Magsagawa ng buwanang House-to-House at Information Drive.
SEKSYON 5. MGA IPINAGBABAWAL NA GAWAIN SA BARANGAY.
a) Pag-iingat, paggamit, pagbebenta ng kahit anong iligal na droga sa loob ng Barangay Quiling;
b) Pagpapaupa ng bahay/kuwarto na alam na gagamitin bilang drug den;
c) Pagtanggi ng magulang/guardian na ipa-rehab ang menor de edad na napatunayang gumagamit ng droga matapos i-refer ng BADAC;
d) Hindi pag-report ng Purok kagawads sa BADAC kung may alam na gumagamit o nagtutulak sa kanyang Purok.
SEKSYON 6. PARUSA.
Ang sinumang lumabag sa Seksyon 5 ay papatawan ng:
Unang Paglabag: Pagharap sa BADAC, counseling at community service ng 16 oras sa Barangay at mandatory seminar kasama ang pamilya.
Pangalawang Paglabag:
Multa na P1,000.00 (pinakamataas na pinapayagan ng Local Government Code para sa Barangay Ordinance) at community service ng 24 oras.
Pangatlong Paglabag at higit pa: Multa na P1,000.00 at rekomendasyon na isampa ang kaso sa PDEA/PNP sa ilalim ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), na may parusang habang-buhay na pagkakabilanggo.
Ang menor de edad na lumabag ay i-refer sa MSWDO at hindi kukulong kundi dadaan sa intervention program.
SEKSYON 7. PAGTALAGA NG PUNDO. Maglalaan ang Barangay ng hindi bababa sa 5% ng Barangay Budget para sa BADAC operations, CBDR program at information materials.
SEKSYON 8.
PAGPAPATUPAD. Ang Punong Barangay, mga Barangay Tanod, BHW at Purok kagawads/ Leaders ang magpapatupad ng Ordinansang ito katuwang ang PNP Roxas at PDEA Isabela.
SEKSYON 9. SEPARABILITY CLAUSE. Kung may seksyon na mapawalang-bisa, ang ibang bahagi ay mananatiling may bisa.
SEKSYON 10. BISANG PAGPAPAIRAL. Ang Ordinansang ito ay magkakabisa 15 araw matapos maipaskil sa 3 hayag na lugar sa Barangay at maaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Roxas.
PINAGTIBAY noong ika-___ ng Setyembre, 2026 sa Barangay Quiling, Roxas, Isabela.
Pinatutunayan:
Eduardo B. Sanguyo
Barangay Secretary
Pinagtibay ng Sanguniang Barangay:
1.Kag.
2.Kag.
3.
Pinagtibay:
HON. JULIUS CESAR V. SANCHEZ
Punong Barangay