19/10/2026
Livestock Livelihood Dispersal Program para sa 4Ps OSY 🐖
Isa sa pinaka-makabuluhang programa ng Sangguniang Kabataan ngayong taon ay ang Livestock Livelihood Dispersal na matagumpay nating naisagawa para sa ating mga benepisyaryong 4Ps Out-of-School Youth (OSY) ng ating barangay.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng dagdag kabuhayan at maituro sa ating mga kabataan ang kahalagahan ng pag-aalaga at pagpaparami ng hayop bilang panimula ng maliit na negosyo at para makatulong sa kanilang pamilya.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan at walang sawang suporta ng ating Municipal Mayor, Hon. Pedy B. Sabando, ating Local Youth Development Officer, Ma’am Evelyn D. Borris, Barangay at SK Council sa pangunguna ni Kap. TinTin Trinidad, SK Patricia Loren Muñoz at Ma'am Joyce Asoy,4Ps Municipal Link na siyang gumabay sa amin sa pagpili ng mga kwalipikadong benepisyaryo at sa pagbibigay ng tamang oryentasyon sa pangangalaga ng mga alagang hayop.
Patunay po ito na kapag pinagsama ang SK, Barangay, at DSWD, mas maraming kabataan ang natutulungan.