02/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: Matagumpay na naisagawa ang Barangay Development Plan (BDP) Planning Workshop sa Barangay Rizal, Roxas, Palawan ngayong ika-2 ng Hunyo 2026. Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2026-030, na nag-uutos sa lahat ng barangay na bumuo o mag-update ng kanilang Barangay Development Plan (BDP) at Barangay Development Investment Program (BDIP) para sa taong 2027โ2029. Ang nasabing workshop ay isinagawa bilang tugon din sa paanyaya ni Kgg. Mel A. Baรฑes upang magbigay ng kinakailangang technical assistance sa proseso ng pagpaplano.
Layunin ng planning-workshop na matukoy, mapag-usapan, at mapagplanuhan ang mga prayoridad na programa, proyekto, at aktibidad ng Barangay Rizal para sa mga susunod na taon, kabilang ang pagkakaroon ng akses sa kuryente, pagsasaayos at pagpapakongkreto ng mga kalsada, at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Lubos na nagpapasalamat ang Municipal Planning and Development Office (MPDO), sa pangunguna ni Engr. Nora P. Arzaga, EnP, sa Barangay Development Council (BDC) ng Barangay Rizal, sa pamumuno ni Kgg. Mel A. Baรฑes, sa kanilang aktibo at makabuluhang pakikilahok sa talakayan. Nawaโy magsilbing gabay ang naging pag-uusap tungo sa mas maayos, epektibo, at inklusibong pagpaplano para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Barangay Rizal.
.Rizal2k26
30/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ || Sa patuloy na paglilingkod na may malasakit at dedikasyon, narito ang mga makabuluhang proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas, Palawan sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Municipal Mayor Pedy Bautista Sabando, katuwang si Vice Mayor Alfredo B. Enojas Jr., kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, patuloy nating naitataguyod ang kaunlaran, serbisyong tapat, at programang tunay na nakikinabang ang bawat mamamayan.
Ang bawat hakbang ay patunay ng ating pagkakaisa tungo sa mas maunlad, maayos, at progresibong Roxas. Sama-sama nating ipagpatuloy ang serbisyong may puso para sa bayan.
๐๐๐๐ ๐ ๐จ๐ ๐๐
30/05/2026
๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐ฅ๐ฌ ๐๐๐ฆ๐ฃ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ก ๐ก๐ ๐ฅ๐ข๐ซ๐๐ฆ ๐๐ง ๐ฆ๐๐ก ๐ฉ๐๐๐๐ก๐ง๐, ๐ ๐จ๐๐๐ก๐ ๐ง๐๐ก๐๐๐๐๐๐ฌ
Muling nagkaroon ng pag-uusap at pagpupulong ang mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas at San Vicente kaugnay sa umiiral na boundary dispute sa ilang mga barangay na parehong inaangkin ng dalawang munisipyo.
Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga Punong Bayan ng Roxas at San Vicente kasama ang kani-kanilang mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang talakayin ang mga hakbang tungo sa maayos, mapayapa, at makatarungang resolusyon ng nasabing usapin.
Nakiisa rin sa pagpupulong sina Congressman Jose Ch. Alvarez, Vice Governor Leoncio Ola, Board Member Maminta, at Board Member Anton Alvarez na kumatawan kay Governor Amy Roa Alvarez bilang suporta sa pagsusulong ng pagkakaisa, maayos na dayalogo, at malinaw na pagtukoy sa nasasakupang teritoryo ng bawat munisipyo.
Patuloy namang umaasa ang magkabilang panig na sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at tamang proseso ay magkakaroon ng patas at mapayapang solusyon para sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bayan.
27/05/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: Alinsunod sa direktiba ni Municipal Mayor, Pedy B. Sabando, nagsagawa ng Barangay Development Plan (BDP) Planning Workshop ang Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa pangunguna ni Engr. Nora P. Arzaga, EnP., Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC), katuwang si MLGOO Ann Marie Salvie H. Ylagan, sa Barangay Mendoza, Roxas, Palawan ngayong araw, Mayo 27, 2026.
Isinagawa ang nasabing planning workshop bilang tugon sa paanyaya ni Hon. Meriam G. Ponce De Leon, Punong Barangay ng Mendoza, at alinsunod na rin sa DILG Memorandum Circular No. 2026-030 na nag-aatas sa mga barangay na bumuo at magsagawa ng rebisyon ng kani-kanilang Barangay Development Plan (BDP) para sa taong 2027-2029.
Layunin ng aktibidad na matiyak na ang nilalaman ng BDP ay naaayon at tumutugon sa kasalukuyang pangangailangan, suliranin, at prayoridad ng komunidad. Higit pa rito, layon din nitong mapalakas ang maayos na pagpaplano at epektibong pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at iba pang inisyatibong makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng barangay at sa kapakanan ng mamamayan.
Sa huli, taos-pusong nagpapasalamat ang MPDO sa BLGU ng Mendoza sa mainit na pagtanggap at sa malayang talakayan tungo sa higit pang ikauunlad ng nasabing barangay.
14/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ !!
Ipinababatid sa publiko na ang orihinal na pagdarausan ng โSaroatan sa Dalan 2026โ na nakatakda sa araw ng bukas (Mayo 15, 2026), sa ganap na 2:00 ng hapon sa Roxas Public Market ay inilipat na sa Municipal Peopleโs Park, Barangay II, Roxas, Palawan sa parehong petsa at oras.
Ang nasabing pagbabago ay ginawa upang mas mapabuti ang daloy ng programa at matiyak ang mas maayos, ligtas, at komportableng pagdarausan ng nasabing aktibidad para sa lahat ng dadalo.
Inaasahan po namin ang inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na suporta. Maraming salamat.
๐ฎ๐ถ๐๐ถ๐๐๐ถ๐ ๐๐ถ ๐๐ถ๐๐ถ๐ ๐๐๐๐๐พ๐๐๐๐
06/05/2026
๐ ๐จ๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐๐ข๐ฃ๐ ๐๐ก๐ง ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐ โ๐ญ๐ฆ๐ง ๐ฆ๐๐ ๐๐ฆ๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐๐ ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐
As mandated by Republic Act No. 7160, or the Local Government Code of 1991, every municipality is required to hold regular development council meetings to formulate, review, and prioritize programs and projects for local development. With this, the Local Government Unit of Roxas, through the Municipal Development Council (MDC), convened its 1st Semester Full Council Meeting from May 5-6, 2026 at the Function Hall of the Municipal Building.
The session was led by the Municipal Mayor Hon. Pedy Bautista Sabando, Municipal Administrator Atty. Orlando A. Ba-alan and was attended by local officials, department heads, national agencies, sectoral representatives, members of the Civil Service Organizations, and council members with the participation from the office of the 1st District Representative Hon. Cong. Rosalie Salvame. This ensures that planning is consultative, transparent, and aligned with the socio-economic needs of the community.
Through this council meeting, the Municipality of Roxas strengthen its commitment to accountable governance, community-driven planning, long-term development initiatives and implementing projects and programs that foster inclusive growth, peace and order, and cultural preservation for Bayan ng Roxas.
30/04/2026
๐๐๐ฃ๐ฃ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐ฌ, ๐ฉ๐๐๐-๐ ๐๐ฌ๐ข๐ฅ ๐๐๐๐ฅ๐๐๐ข ๐. ๐๐ก๐ข๐๐๐ฆ ๐๐ฅ.!๐
We would like to extend our warmest greetings on your special day. Wishing you good health, ongoing success, and lasting happiness.
May you continue to contribute to our beloved municipality for many more years. May this day bring you great joy and inspire you to reach even greater heights in all your future endeavors.
22/04/2026
Happy Birthday, Ma'am Cherryl Ann!
Wishing you a day filled with joy, laughter, and all the things that make you happiest. May this new year of your life bring you good health, success, and many beautiful moments to cherish. Enjoy your special dayโyou truly deserve it!
21/04/2026
Happy birthday, Sir Rod!
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ฒ ๐ญ๐จ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ซ ๐๐๐๐, ๐๐ข๐ซ ๐๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐จ ๐
. ๐๐๐ซ๐ง๐๐ซ๐๐จ, ๐๐ง๐.
Wishing you another year filled with love, good health, positivity and endless blessings. Thank you for being an incredible mentor and leader to us.
Here's to another year of success and fulfillment!
Once Again, Happy Birthday Boss Rod!