11/06/2026
Ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng ating kasaysayan ito ay pananagutang dapat nating isabuhay araw-araw sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan. ๐ต๐ญ
Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat! ๐
05/06/2026
๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฆ๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐พ
Nakakatuwang makita ang inyong dedikasyon, disiplina, at patuloy na pagsisikap na matuto at humusay sa larangan ng sports. Ang regular na ehersisyo at aktibong pamumuhay ay mahalaga hindi lamang para sa mas malusog na pangangatawan, kundi para rin sa paghubog ng kumpiyansa sa sarili, disiplina, pagtitiyaga, at tamang pakikisalamuha sa kapwa.
Bilang munting pagkilala sa inyong sipag at determinasyon, nagbigay tayo ng mga uniform bilang simbolo ng suporta at pasasalamat. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa kayong magsanay, mangarap nang mas mataas, at patuloy na paghusayan sa inyong napiling sport.
Muli, congratulations sa inyong lahat! ๐
Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay ng oportunidad sa ating kabataan na umunlad sa sports, kalusugan, at personal na pag-unlad.
Keep learning. Keep improving. Keep reaching for your goals. ๐
01/06/2026
๐๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง, ๐๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง! ๐๐จ๐ฑ๐๐ฌ, ๐๐ฌ๐๐๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ๐ซ๐จ๐จ๐ญ๐ฌ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐
Nakakatuwa po na maging bahagi ng mga ganitong programang nagbibigay ng oportunidad sa ating mga kabataan na matuto, mahubog, at maipakita ang kanilang kakayahan.
Bilang munting suporta, nakapag kaloob tayo ng mga uniporme upang mas maging handa at kumpiyansa sila sa kanilang paglahok sa programa.
Patuloy po nating suportahan ang mga kabataan, sapagkat sa kanilang pag-unlad nakasalalay ang mas maliwanag na kinabukasan ng ating Bayan. ๐
01/06/2026
๐๐ช๐น๐น๐ ๐๐ป๐ฒ๐ญ๐ฎ ๐๐ธ๐ท๐ฝ๐ฑ! ๐ณ๏ธโ๐
sa aking mga Kapatid, Kaibigan, at Kababayang kabilang sa LGBTQIA+ Community!
Bilang pakikiisa sa patuloy na pagsusulong ng pagkakapantay-pantay at pagkilala sa karapatan ng bawat isa, inihahain natin ang isang panukalang ordinansa para sa pagpapatupad ng ๐ฅ๐ถ๐ด๐ต๐ ๐๐ผ ๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ, na naglalayong:
โ
Kilalanin ang karapatan ng bawat pasyente na magkaroon ng taong pinagkakatiwalaan na maaaring umalalay, dumalaw, at kumatawan sa kanila sa oras ng karamdaman o emergency.
โ
Bigyan ng kaukulang pagkilala ang mga partner, live-in companion, at iba pang itinalagang tagapag-alaga na may mahalagang papel sa pangangalaga at kapakanan ng pasyente.
โ
Palawakin ang proteksiyon at pagkilala sa ibaโt ibang anyo ng pamilya at relasyon sa ating komunidad.
โ
Pangalagaan ang dignidad, kapakanan, at karapatan ng bawat mamamayan, anuman ang kanilang kasarian, pagkakakilanlan, o katayuan sa buhay.
โ
Isulong ang diwa ng pagkakapantay-pantay at Equal Protection Clause na nakasaad sa ating Saligang Batas.
Ang panukalang ito ay hindi lamang para sa LGBTQIA+ Community, kundi para sa lahat ng pamilyang may taong nais makasama at maalalayan sila sa panahon ng kanilang pinakamalaking pangangailangan.
Sama-sama nating itaguyod ang isang lipunang may pagkilala, pagkakapantay-pantay, at malasakit para sa lahat. ๐
โ
Karapatan sa Kalinga.
โ
Karapatan sa Pagkilala.
โ
Karapatan sa Pag-aalaga.
01/06/2026
๐๐จ๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐ซ๐ฌ ๐๐๐๐๐๐ฆ๐ฒ ๐๐จ๐ซ ๐๐จ๐จ๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐๐ง๐๐ (๐๐๐๐๐) ๐๐ฌ๐๐๐๐ฅ๐
๐๐๐ฒ ๐๐ & ๐๐, ๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐
Matagumpay po nating nairaos noong May 29 at 30 ang ๐๐จ๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐ซ๐ฌ ๐๐๐๐๐๐ฆ๐ฒ ๐๐จ๐ซ ๐๐จ๐จ๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐๐ง๐๐ na ginanap dito sa Bayan ng Roxas.
Ang programang ito ay hatid ng mga kasamahan natin sa Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership at Kaya Natin Youth bilang bahagi ng patuloy na paghuhubog ng mga Kabataang Lider na may Integridad, Malasakit at Pananagutan para sa Bayan.
Nabuo ang dalawang Araw ng makabuluhang talakayan, at makapangyarihang pagbabahagi ng mga karanasan, Higit na napagtibay sa kahandaan ng ating mga kabataang lider na maging katuwang sa pagbuo ng mas maunlad na komunidad.
Taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership Kaya Natin Youth para sa pagbibigay ng isang plataporma kung saan ang mga kabataang lider ay maaaring matuto, umunlad, at mamuno nang may katapatan at integridad, sa aking mga kasamahan sa National Movement of Young Legislators (NMYL) at mga kapwa Isabeleรฑos, Konsi Guill Mariano, Konsi Kuys ElliJohn Galingana Canero, Konsi Miko Go, Konsi Eduardo Cafirma Dela Cruz II at sa lahat ng naging Resource Speaker, mga tumulong sa pag organisa upang maging matagumpay ang araw na ito.
Higit sa lahat Maraming Salamat sa lahat ng Kabataang Liber na nakiisa at nakibahagi sa ating aktibidad, Tunay na may liwanag ang kinabukasan kapag ang lider ay may Integridad, Pananagutan at Puso para sa Bayan ๐
KAYA NATIN! ๐ค๐
28/05/2026
๐๐
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ, ๐บ๐ด๐ฎ ๐น๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ-๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐น๐ฒรฑ๐ผ๐! ๐๐ต๐ญ
Narito na ang mga kabataang handang tumindig, matuto, at maglingkod para sa kanilang komunidad at bayan. Kayo ang mga piling young leaders mula sa ibaโt ibang bahagi ng Isabela na magsasama-sama upang palalimin ang inyong kaalaman sa liderato, mabuting pamamahala, at makabuluhang pagkilos.
Agyaman kami iti panagtalek ken kinaaktibo yo a makipagbiag iti panagserbi iti komunidad โจ
Kita-kits tayo, bukas!
๐ Roxas, Isabela
๐
May 29โ30, 2026