14/10/2026
Nakikiisa ang Bayan ng Saguiaran sa pagdiriwang ng International Day for Disaster Risk Reduction (IDRR) 2026! 🌐🚨
📅 October 13, 2026
Sa pangunguna ng aming workaholic Mayor, Hon. Jalalodin Muti Lomangco Angin, at Vice Mayor Hon. Ruhaisah Balang Angin, kasama ang buong MDRRMO Saguiaran, patuloy na isinusulong ng ating pamahalaang lokal ang mas ligtas, mas handa, at matatag na komunidad laban sa anumang uri ng sakuna.
🌟 "READY TODAY, SAFER TOMORROW: Disaster Preparedness Saves Lives"
Naniniwala tayo na ang tunay na kahandaan ay nagsisimula sa bawat pamilya at barangay. Kaya naman, hinihimok natin ang bawat Saguiaranon na isapuso ang mga sumusunod na hakbang:
📋 MAGHANDA – Planuhin ang seguridad at aksyon ng iyong pamilya at komunidad.
🏠 I-SECURE – Tiyaking ligtas ang inyong tahanan at mga ari-arian.
🎒 MAG-IMBAK – Magkaroon ng emergency kit at sapat na suplay para sa pamilya.
🤝 MAKILAHOK – Makipag-ugnayan at sumuporta sa mga programa ng MDRRMO at BDRRMC.
📢 MAGING ALERTO – Tumugon agad sa anumang opisyal na babala at anunsyo.
Sa tulong ng Bayanihan, Kahandaan, at Disiplina — Handa na ang Saguiaran sa anumang sakuna! 🛡️✨
Ligtas na Mamamayan, Maunlad na Saguiaran! 💙❤️