Municipal Treasurer's Office - Samal, Bataan

Call Directions

Municipal Treasurer's Office - Samal, Bataan The Municipal Treasurer's Office of Samal, Bataan

09/07/2026

Alam Mo Ba ang Pagkakaiba ng DTI BN Registration, Mayor’s Permit, at BIR Registration?

Magkakaiba ang layunin ng bawat dokumento para sa inyong negosyo — at mahalagang makumpleto ang mga ito upang legal na makapag-operate.

✔️ DTI Certificate of Business Name Registration
Patunay na rehistrado ang inyong business name sa DTI at kayo ay may karapatang gamitin ito sa napiling territorial scope.

✔️ Mayor’s Permit
Pahintulot mula sa Local Government Unit (LGU) upang legal na makapag-operate ang inyong negosyo sa inyong lungsod o munisipalidad.

✔️ BIR Registration
Kinakailangan para sa tamang pagbabayad ng buwis at pag-iisyu ng official receipts o invoices.

💡 Tandaan:
Ang DTI Registration ay hindi kapalit ng Mayor’s Permit at BIR Registration. Ang tatlo ay mahalagang bahagi ng pagiging lehitimo at compliant na negosyo.

Start your negosyo journey today —
Register online with BNRS at bnrs.dti.gov.ph

07/07/2026
29/06/2026

📢 HULING 7 ARAW NA LAMANG!
Mga ka-Bataan, hanggang Hulyo 5, 2026 na lamang po ang Tax Amnesty Program para sa Real Property Tax. Samantalahin na ang pagkakataong mabayaran ang inyong mga delinquent real property taxes.
Huwag nang maghintay sa huling araw. Magbayad na at iwasan ang muling pagpapatong ng interes at multa.

31/03/2026

𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐍𝐃𝐔𝐌 𝐂𝐈𝐑𝐂𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐍𝐎. 𝟏𝟏𝟔, 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟔

Work from Home Arrangements from 8:00 in the Morning to 12:00 in the Afternoon, and Suspension of Work from 12:00 in the Afternoon Onwards in Government Offices for 01 April 2026

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/yXEsVu

09/03/2026

4-DAY WORK WEEK

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 114, Series of 2026 na inilabas ng Office of the President, ipatutupad ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Samal ang 4-Day Work Week.

Kaugnay nito, simula ngayong Marso 9, 2026, ang oras ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaang bayan ay mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, tuwing Lunes hanggang Huwebes.

Samantala, ang mga tanggapan na nagbibigay ng tuloy-tuloy na serbisyo tulad ng Municipal Health Office, Public Market, Marshal, at mga Garbage Collectors ay mananatiling bukas at magpapatuloy sa kanilang operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan.



Address

G/F Municipal Hall
Samal
2113

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Telephone

+639176314526

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Treasurer's Office - Samal, Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share