USWAG San Agustin

Directions Website Contact the organization

USWAG San Agustin Bringing the Government closer to the People! A Municipality that envisions a sustained good governance – with highest standards of probity and transparency.

San Agustin, a fast-growing Municipality in the Province of Romblon, is known for its excellent leadership and active citizenship, which led to the town's continuous advancement in different sectoral committees. San Agustin is composed 15 barangays; under the leadership of Mayor Esteban SF Madrona, Jr., with the help of Vice Mayor Norman M. Fatalla, and assistance of the Municipal Officials and Employees, USWAG San Agustin as the Municipality's official publication, aims to disseminate factual pieces of information to every Agustinians; with the support of the entire community, we could look forward to the continuous development of our beloved town.

Dumalo si Mayor Aaron James C. Madrona sa SPARK Technical Training Program – General Virtual Assistance 2.0 ng Departmen...
07/10/2026

Dumalo si Mayor Aaron James C. Madrona sa SPARK Technical Training Program – General Virtual Assistance 2.0 ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na isinasagawa sa bayan ng San Agustin, Romblon ngayong Oktubre 7, 2026.

Ikatlong araw na ng limang araw na SPARK Technical Training Program, na nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman at praktikal na kasanayan sa General Virtual Assistance, kabilang ang mga tools, techniques, at iba pang competencies na maaaring magamit sa online work, freelancing, at iba pang digital opportunities.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Aaron ang kahalagahan ng training bilang pagkakataon upang higit na mapaunlad ng mga trainees ang kanilang kaalaman at kasanayan para sa online work at iba pang digital opportunities.

Patuloy naman ang pagsasanay sa pamamagitan ng mga talakayan at aktuwal na gawain na nagbibigay sa mga trainees ng pagkakataong mapalawak ang kanilang mga natututuhan sa buong training.



MENTAL HEALTH CAPABILITY BUILDING AND ADVOCACY ACTIVITYNakibahagi si Mayor Aaron James C. Madrona sa isinagawang Mental ...
07/10/2026

MENTAL HEALTH CAPABILITY BUILDING AND ADVOCACY ACTIVITY

Nakibahagi si Mayor Aaron James C. Madrona sa isinagawang Mental Health Capability Building and Advocacy Activity for Healthcare Workers and Support Group ngayong Oktubre 7, 2026, na pinangasiwaan ng Rural Health Unit (RHU) ng San Agustin.

Isinagawa ang aktibidad upang higit na mapalawak ang kaalaman at mapalakas ang kakayahan ng mga healthcare workers at support groups sa pagkilala, pag-unawa, at pagtugon sa mga usaping may kaugnayan sa mental health. Tampok dito ang pagbabahagi ng mga kaalaman at praktikal na pamamaraan na maaaring magamit sa pagbibigay ng angkop na suporta at paggabay sa mga nangangailangan.

Patuloy na isinusulong ng Rural Health Unit ng San Agustin ang mga programa at aktibidad na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mental health at sa pagkakaroon ng maayos na sistema ng suporta sa komunidad. Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, layunin ng RHU at ng Lokal na Pamahalaan na higit pang palakasin ang mental health programs at interventions sa bayan, gayundin ang kaalaman at kakayahan ng mga healthcare workers at support groups sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.


SPARK Technical Training Program – General Virtual Assistance 2.0Nagsimula kahapon Oktubre 5, 2026 ang SPARK Technical T...
06/10/2026

SPARK Technical Training Program – General Virtual Assistance 2.0

Nagsimula kahapon Oktubre 5, 2026 ang SPARK Technical Training Program – General Virtual Assistance 2.0 sa bayan ng San Agustin, Romblon, na isinasagawa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) mula Oktubre 5 hanggang Oktubre 9, 2026.

Bilang kauna-unahang SPARK Technical Training na isinagawa sa Bayan ng San Agustin, Romblon, tampok sa limang araw na pagsasanay ang pagbibigay ng mga kaalaman at kasanayan sa General Virtual Assistance, kabilang ang mga tools, techniques, at iba pang kinakailangang competencies para sa online work, freelancing, at iba pang digital opportunities.

Sa unang araw ng training, isinagawa rin ang pagpapakilala sa eGovPH App, kung saan tinalakay ang mga pangunahing features at serbisyo na maaaring ma-access ng publiko sa pamamagitan ng digital platform.

Naging bahagi rin ng pagsisimula ng training ang pakikiisa at suporta ng Lokal na Pamahalaan ng San Agustin, Romblon, sa pangunguna ni Mayor Aaron James C. Madrona, para sa pagsasagawa ng mga programang may kaugnayan sa teknolohiya at digital skills sa bayan.

Sa pagpapatuloy ng pagsasanay hanggang Oktubre 9, inaasahang madadagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok na maaari nilang magamit sa mga oportunidad na hatid ng patuloy na pag-unlad ng digital at remote work industry.



Pinaunlakan ni Mayor Aaron James C. Madrona ang pagbisita ni Mr. Richard M. Rala, Port Supervisor ng Starlite Ferries In...
06/10/2026

Pinaunlakan ni Mayor Aaron James C. Madrona ang pagbisita ni Mr. Richard M. Rala, Port Supervisor ng Starlite Ferries Inc., kasama si Mr. Johnny S. Jesalva, SB Secretary.

Sa nasabing pagbisita, tinalakay ang paglulunsad ng bagong ruta ng Starlite Ferries Inc. na Batangas–San Agustin, Romblon–Dumaguit, Aklan, na inaasahang magsisimula bago matapos ang taong ito.

Layunin ng bagong ruta na magbigay ng karagdagang opsyon sa mga biyahero na bumibiyahe patungo at mula sa Romblon at Aklan, gayundin ang pagpapalakas ng koneksyon ng San Agustin sa iba pang destinasyon sa pamamagitan ng serbisyong pandagat.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng San Agustin sa mga katuwang na pribadong sektor para sa mga inisyatibong makapagbibigay ng mas maraming opsyon sa transportasyon at mas maayos na koneksyon para sa mga biyahero.


💻✨ SPARK Technical Training Program | General Virtual Assistance 2.0The Department of Information and Communications Tec...
05/10/2026

💻✨ SPARK Technical Training Program | General Virtual Assistance 2.0

The Department of Information and Communications Technology (DICT), through the SPARK Technical Training Program, brings the General Virtual Assistance 2.0 course to San Agustin, Romblon, from October 5–9, 2026.

Marking the first SPARK technical training conducted in the Municipality of San Agustin, the five-day training aims to equip participants with practical knowledge and essential digital skills for General Virtual Assistance, preparing them for opportunities in the growing digital and remote work industry. Participants are introduced to relevant tools, techniques, and competencies that can help them pursue online employment, freelancing, and digital livelihood opportunities.

Kicking off the training on Day 1, participants were also introduced to the eGovPH App, providing them with an overview of the platform and its features for accessing government services digitally. The discussion highlights how technology can make government transactions more accessible, convenient, and citizen-centered.

DICT Romblon expresses its sincere appreciation to Hon. Aaron Madrona, Municipal Mayor of San Agustin, Romblon for his initiative, support, and commitment to bringing digital skills development and technology-enabled opportunities closer to the people of the municipality.

Through strong partnerships and community-driven initiatives, DICT continues to bring digital opportunities closer to every Filipino—empowering individuals, strengthening communities, and building a more digitally inclusive future. 💙🇵🇭

Ipinapaalam po na isasagawa ang Mental Health Capability Building and Advocacy Activity para sa mga healthcare workers a...
05/10/2026

Ipinapaalam po na isasagawa ang Mental Health Capability Building and Advocacy Activity para sa mga healthcare workers at support groups sa Oktubre 7, 2026, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon, sa Mabuhay Hall.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa pagsusulong ng mental health awareness, maagang pagtukoy sa mga nangangailangan ng tulong, pagbibigay ng angkop na suporta, at tamang referral sa komunidad.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mga hakbang upang higit na mapalakas ang kamalayan at suporta para sa kalusugang pangkaisipan sa ating komunidad.

Ang kalusugang pangkaisipan ay mahalagang bahagi ng pangkalahatang kalusugan at kapakanan ng bawat isa.


MENTAL HEALTH CONSULTATIONIpinapaalam po ng Rural Health Unit (RHU) San Agustin na magkakaroon ng Mental Health Consulta...
05/10/2026

MENTAL HEALTH CONSULTATION

Ipinapaalam po ng Rural Health Unit (RHU) San Agustin na magkakaroon ng Mental Health Consultation sa Oktubre 8, 2026, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa RHU San Agustin.

Inaanyayahan po ang mga nangangailangan ng mental health support at konsultasyon na samantalahin ang serbisyong ito.

Ang paghingi ng tulong at pakikipag-usap tungkol sa ating nararamdaman ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos na kalagayan. Huwag po kayong mag-atubiling lumapit at humingi ng gabay.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa RHU San Agustin.


Ngayong World Teachers’ Day, buong pagpapahalaga nating kinikilala ang lahat ng mga g**o na patuloy na nagsisilbing gaba...
05/10/2026

Ngayong World Teachers’ Day, buong pagpapahalaga nating kinikilala ang lahat ng mga g**o na patuloy na nagsisilbing gabay at inspirasyon ng ating mga mag-aaral.

Sa bawat aral na itinuturo, payo na ibinibigay, at oras na inilalaan, malaking bahagi ang ginagampanan ng mga g**o sa paghubog ng kaalaman, kakayahan, karakter, at mga pangarap ng kabataan.

Ang kanilang dedikasyon, tiyaga, at malasakit ay mahalagang ambag sa pagbuo ng mas maunlad na komunidad at mas magandang kinabukasan.

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagtuturo, paggabay, at paglilingkod.

Mula sa Lokal na Pamahalaan ng San Agustin, Maligayang Araw ng mga G**o!


PUBLIC ADVISORY | Ipinapaalam po ng Lokal na Pamahalaan ng San Agustin, Romblon na simula Oktubre 5, 2026 (Lunes) ay mul...
05/10/2026

PUBLIC ADVISORY | Ipinapaalam po ng Lokal na Pamahalaan ng San Agustin, Romblon na simula Oktubre 5, 2026 (Lunes) ay muling ipatutupad ang regular na limang (5) araw na pasok sa trabaho para sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.

Kaugnay nito, ang mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ay muling magbabalik sa regular na operasyon mula Lunes hanggang Biyernes, kabilang ang pagtanggap at pagproseso ng mga transaksyon at iba pang serbisyo para sa publiko.

Hinihikayat ang mga residente at kliyente na isagawa ang kanilang mga kinakailangang transaksyon sa loob ng itinakdang araw at oras ng trabaho upang mas maayos na mapaglingkuran ang lahat.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na pakikipagtulungan.


05/10/2026

O5 October 2026 | BIDDING
Construction of Artificial Turf Grass (50mm) Infill with SBR Granules and Silica Sand Football Field

Address

Gutierrez Street
San Agustin

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when USWAG San Agustin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to USWAG San Agustin:

Shortcuts

Share