DepEd San Agustin Central Elementary School

Call Directions Contact the organization

DepEd San Agustin Central Elementary School Public Elementary School
111411-School Code Core Values:
Culture of Excellence, Integrity and Accountability
Maka-Diyos
Makatao
Makabayan
Makalikasan

📢 ANNOUNCEMENT!!!Ito ay upang ipagbigay-alam sa publiko na ang opisyal na pangalan ng page ng ating paaralan ay...
11/07/2026

📢 ANNOUNCEMENT!!!

Ito ay upang ipagbigay-alam sa publiko na ang opisyal na pangalan ng page ng ating paaralan ay binago mula sa "San Agustin Central Elementary School " patungong "DepEd San Agustin Central Elementary School."

Ang pagbabagong ito ay alinsunod sa DepEd Order No. 007, s. 2026, na nagtatakda ng pamantayan sa pagpapangalan ng mga opisyal na social media account ng DepEd.

Layunin ng pagbabagong ito na:

📌 Tiyakin ang pagsunod sa mga alituntunin ng DepEd sa social media;

📌 Patatagin ang opisyal na pagkakakilanlan (institutional identity) ng paaralan;

📌 Isulong ang mas propesyonal at pare-parehong hitsura sa digital space ng lahat ng paaralan sa ilalim ng DepEd; at

📌 Iwasan ang kalituhan at pagkakaroon ng mga katulad ngunit hindi opisyal na pages.

Inaanyayahan po namin ang lahat na i-follow at ibahagi ang mga balita mula lamang sa ating opisyal na pahina:

👉 DepEd San Agustin Central Elementary School

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at kooperasyon.

Nagtatakda ang DepEd ng malinaw na kaukulang hakbang sa mga paglabag upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga p...
03/07/2026

Nagtatakda ang DepEd ng malinaw na kaukulang hakbang sa mga paglabag upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga paaralan.

Paalala ito sa mga magulang, mag-aaral, at paaralan: Ang disiplina ay hindi lamang pagtutuwid ng maling asal, kundi paghubog ng responsableng mamamayan.

Para sa iba pang impormasyon, basahin ang DO 006, s. 2026: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_006r.pdf

Classes are suspended today, June 30. Stay safe, everyone.
29/06/2026

Classes are suspended today, June 30. Stay safe, everyone.

Hunyo 30, 2026 | WALANG PASOK

Alinsunod sa deklarasyon ni Mayor Aaron James C. Madrona, suspendido ang klase sa lahat ng antas, sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng San Agustin, ngayong Martes, Hunyo 30, 2026, dahil sa nararanasang masamang panahon dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng San Agustin para sa mga susunod na update.

Mag-ingat at manatiling ligtas, mga Agustino.


Cash Incentives para sa mga MRAA 2026 Medalists, Naipamahagi Na!Noong nakaraang Biyernes, Hunyo 26, ganap na 2:00 PM, op...
29/06/2026

Cash Incentives para sa mga MRAA 2026 Medalists, Naipamahagi Na!

Noong nakaraang Biyernes, Hunyo 26, ganap na 2:00 PM, opisyal na ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga cash incentive para sa ating mga nanalong atleta at coaches sa SACES. Muli, ipinagmamalaki kayo ng buong probinsya!


JUNE 29, 2026, SACES School Grounds — Nagpamalas ng talento ang mga kasapi ng SACES Strum Harmony at nanguna sa Flag Cer...
29/06/2026

JUNE 29, 2026, SACES School Grounds — Nagpamalas ng talento ang mga kasapi ng SACES Strum Harmony at nanguna sa Flag Ceremony ng paaralan nitong Hunyo 29, 2026.

Ang SACES Strum Harmony ay nilunsad ni Gng. Marfe Mutia, Strum Harmony Coordinator, at ni Gng. Mahell Gado mula Corcuera, Romblon.


29/06/2026

The 10-Day Ukulele Training Program of San Agustin Central Elementary School (SACES), implemented under the Special Program for the Arts (SPA), was successfully conducted to enhance the musical skills, creativity, discipline, and self-confidence of participating learners. Through a series of structured and hands-on training sessions, learners acquired fundamental ukulele-playing skills, including proper instrument handling, tuning, strumming patterns, chord progression, rhythm, and song performance.
Throughout the program, participants demonstrated enthusiasm, commitment, and continuous improvement in their musical abilities. The training provided meaningful opportunities for collaboration, self-expression, and appreciation of the performing arts. Culminating in a mini-performance, the program showcased the learners’ acquired competencies and strengthened their confidence in performing both individually and as a group.
Overall, the initiative contributed significantly to the holistic development of learners and reinforced the school's commitment to nurturing artistic excellence and lifelong appreciation for music.

Update para sa 2027 Provincial Meet!Nagsimula na ang trabaho para sa bagong rubberized track ng ating school oval bilang...
19/06/2026

Update para sa 2027 Provincial Meet!

Nagsimula na ang trabaho para sa bagong rubberized track ng ating school oval bilang paghahanda ng San Agustin para sa hosting ng 2027 Provincial Meet!

Personal na nag-oversee sa naging simula ng proyekto si School Principal Mr. Randy O. Faigmane, at Municipal Mayor Aaron James Madrona. Ang rubberized oval na ito ay proyekto ng Pamahalaang Lokal (LGU) ng San Agustin at ni Congressman Budoy Madrona para mapaganda ang pasilidad ng ating mga atletang mag-aaral.


🌱 BRIGADA ESKUWELA 2026 🌱📅 Hunyo 1–5, 2026📍 San Agustin Central Elementary SchoolMuling magkakaisa ang mga magulang, g**...
28/05/2026

🌱 BRIGADA ESKUWELA 2026 🌱
📅 Hunyo 1–5, 2026
📍 San Agustin Central Elementary School

Muling magkakaisa ang mga magulang, g**o, mag-aaral, barangay at iba pang katuwang ng paaralan sa diwa ng bayanihan upang ihanda ang ating paaralan para sa isang ligtas, maayos, at makabuluhang taon ng pagkatuto.

💪 “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
Hindi lamang paglilinis at pagkukumpuni—ito ay sama-samang pagtutulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga bata.

📌 Mga puwedeng i-donate para sa Brigada Eskwela:
✔ Cleaning materials (walis, dustpan, basahan, mop, cleaning liquids)
✔ Paints at painting supplies
✔ Gardening tools at seedlings
✔ Light bulbs at electrical supplies
✔ First aid kits
✔ School supplies (markers, bond paper, notebooks, etc.)
✔ Trash bags at containers
✔ PPEs at sanitation materials
(ayon sa DepEd Brigada Eskwela Guidelines 2026)

📆 Schedule ng Pakikilahok:
👉 June 1 – Grade 6 Parents, Brgy. Poblacion Officials & Tanods, 4P’s Members, KAUTORAN, TUPAD Workers

👉 June 2 – Grade 5 Parents, PNP, BFP, PCG, GPTA Officers, Sierra Falcones, TUPAD Workers

👉 June 3 – Grade 4 Parents, Brgy. Cagboaya Officials & Tanods, TAU GAMMA, TUPAD Workers

👉 June 4 – Grade 2–3 Parents, Brgy. Officials & Tanods, TUPAD Workers

👉 June 5 – Kinder–Grade 1 Parents, GUARDIANS, DPWH, TUPAD Workers & Parents who have not yet participated

📣 Inaanyayahan namin ang lahat ng nakatalagang sektor at mga ka-komunidad na makiisa at mag-ambag. Sama-sama nating patunayan na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad!

🏫 Tayo para sa Paaralan. Tayo para sa Bata. ❤️





Handa na ba kayong humataw? 🪵🥋The San Agustin Medical and Diagnostic Center presents the SAN AGUSTIN ARNIS TRAINING CLIN...
09/05/2026

Handa na ba kayong humataw? 🪵🥋

The San Agustin Medical and Diagnostic Center presents the SAN AGUSTIN ARNIS TRAINING CLINIC AND TOURNAMENT ngayong May 18–22, 2026 sa SACES MPB.

Libre ito para sa lahat ng Grades 3-6 learners at may special coaching training naman para sa mga g**o (₱100 registration fee). Exciting cash prizes, certificates, at special awards ang naghihintay sa mga lalahok!

Dalhin lang ang inyong Birth Certificate, Reg Form, at Signed Waiver para makasali. Para sa mga katanungan, kontakin si Sir Al V. Morente sa 0906-273-9767.

Let’s keep Arnis alive! ❤️💙💛

Address

Dubduban
San Agustin
5204

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Telephone

+639985121021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd San Agustin Central Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd San Agustin Central Elementary School:

Shortcuts

Share