DepEd Tamnao Elementary School

Directions Contact the organization

DepEd Tamnao Elementary School A Great Future Starts Now at Tamnao! ❀️

Teachers Learning Together, Transforming Learning for Every Child Tamnao Elementary School successfully concluded its tw...
11/09/2026

Teachers Learning Together, Transforming Learning for Every Child

Tamnao Elementary School successfully concluded its two-day School-Based In-Service Training (INSET) held on September 10–11, 2026, at Tamnao Elementary School, Camflora, San Andres, Quezon. Guided by the theme, β€œStrengthening K–6 Instruction Through Standards-Based Curriculum, Aligned Assessment, and Evidence-Based Pedagogy,” the activity reaffirmed the school’s commitment to continuous professional development and the improvement of teaching and learning.

The training strengthened the participants’ knowledge and skills in creating safe and motivating learning environments, promoting child protection and positive discipline, supporting inclusive education, enhancing school safety and disaster preparedness, and ensuring learning continuity during emergencies. It also deepened their understanding of the revised K–6 curriculum, effective lesson planning and learning design, aligned assessment, foundational literacy and numeracy, and the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.

Throughout the two-day activity, the teaching and non-teaching personnel actively participated in meaningful discussions, collaborative activities, contextualized planning, workshop sessions, and the presentation of outputs. These professional learning experiences provided opportunities for the participants to exchange insights, reflect on existing practices, and develop relevant strategies that respond to the diverse needs and learning contexts of every child.

The knowledge, skills, and strategies gained from the training are expected to help teachers provide instruction that is safer, more inclusive, responsive, and learner-centered. Through purposeful lesson planning, appropriate assessment practices, evidence-based teaching approaches, and targeted learning interventions, educators are better equipped to address learning gaps and support every learner’s progress and development.

Tamnao Elementary School extends its sincere appreciation and recognition to Mary Joy C. Follero, EdD, Principal I, and Cheryll P. Par, Head Teacher III, for their steadfast leadership, guidance, and support in the successful implementation of the activity. Although they were unable to attend the training due to their official engagement at Palarong Quezon 2026, their leadership and commitment remained instrumental in ensuring the smooth and meaningful conduct of the School-Based INSET.

The school likewise expresses its heartfelt gratitude to Ma’am Leonora T. Cuyos, MT-I, who led the participants throughout the training, and to the facilitators, organizing committees, teaching personnel, and non-teaching personnel for their cooperation, active participation, dedication, and valuable contributions throughout the activity. Their collective efforts made the two-day INSET a meaningful opportunity for professional learning, collaboration, reflection, and growth.

As educators continue to learn, reflect, and grow together, they become more empowered to improve learner outcomes and advance the delivery of inclusive and quality basic education. With supportive school leadership and empowered educators, every learner is given a greater opportunity to learn, succeed, and thrive. ❀


08/09/2026
Happiest birthday, Ma’am Almera!Your kindness, dedication, and positive spirit inspire everyone around you. May this new...
08/09/2026

Happiest birthday, Ma’am Almera!

Your kindness, dedication, and positive spirit inspire everyone around you. May this new chapter bring you greater happiness, success, and unforgettable moments. Enjoy your special day! πŸŽ‚

Love, Your Tamnao ES Family. ❀

TEACHER, IKAW NAMAN! πŸ’™β€οΈNgayong National Teachers’ Month, panahon naman upang kilalanin at pasalamatan ang ating mga g**...
07/09/2026

TEACHER, IKAW NAMAN! πŸ’™β€οΈ

Ngayong National Teachers’ Month, panahon naman upang kilalanin at pasalamatan ang ating mga g**o na patuloy na naglalaan ng talino, panahon, malasakit, at dedikasyon para sa bawat Pilipinong mag-aaral.

Ang Tamnao Elementary School ay buong-pusong nakikiisa sa pagdiriwang mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, 2026. Sama-sama nating parangalan ang mga g**ong gumagabay sa mga pangarap, humuhubog sa kinabukasan, at nagsisilbing inspirasyon sa bawat paaralan at pamayanan.

Sa lahat ng ating mga g**o, kayo naman ang aming bibigyang-pugay at pasasalamat!

✨ A Great Future Starts Now at Tamnao.








Patuloy na Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa Tamnao Elementary School πŸ‡΅πŸ‡­Tema: β€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa ...
26/08/2026

Patuloy na Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa Tamnao Elementary School πŸ‡΅πŸ‡­

Tema: β€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”

Bilang pagpapatuloy ng makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, muling nagsagawa ng programa ang Tamnao Elementary School noong Agosto 24, 2026, sa oras ng flag ceremony. Maayos itong isinagawa nang hindi naaantala o naaapektuhan ang regular na klase ng mga mag-aaral.

Naging tampok sa programa ang iba’t ibang pagtatanghal na nagpakita ng husay, talento, at pagmamalaki ng mga Batang Tamnao sa wikang Filipino at kulturang Pilipino. Naghandog ang mga mag-aaral sa Baitang 4 ng malikhaing Acrostic Performance, samantalang ipinamalas ng mga mag-aaral sa Baitang 3 ang kanilang husay sa Sabayang Pagbigkas. Nagbigay naman ng makulay at kahanga-hangang pagtatanghal ang mga mag-aaral sa Baitang 6 sa pamamagitan ng Alitaptap Folk Dance at Pandanggo sa Ilaw.

Kinilala at pinarangalan din ang mga mag-aaral na nagwagi sa Slogan-Making at Poster-Making Contests. Sa pamamagitan ng kanilang makabuluhang mensahe at malikhaing obra, naipakita nila ang kanilang pagpapahalaga sa Wikang Filipino, kultura, pagkakakilanlan, at pagmamahal sa bayan.

Taos-pusong pasasalamat kina Dr. Mary Joy C. Follero, Principal I, at Ma’am Cheryll P. Par, Head Teacher III, sa kanilang patuloy na paggabay at pagsuporta sa mga makabuluhang gawain ng paaralan. Lubos ding pinasasalamatan si Ma’am Vivian A. Quinatadcan, coordinator ng pagdiriwang, gayundin ang lahat ng g**o, mag-aaral, magulang, at iba pang nakiisa upang maging matagumpay ang programa.

Sa bawat salita, galaw, kulay, at mensaheng ibinahagi, muling pinatunayan ng mga Batang Tamnao na ang Wikang Filipino ay patuloy na nabubuhay at yumayabong sa puso at isipan ng kabataang Pilipino.

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Batang Tamnao! πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨







Tamnao Elementary School Joins the 67th San Andres Day ParadeSa pangunguna ni Dr. Mary Joy C. Follero, Principal I, naki...
20/08/2026

Tamnao Elementary School Joins the 67th San Andres Day Parade

Sa pangunguna ni Dr. Mary Joy C. Follero, Principal I, nakikiisa ang Tamnao Elementary School Teaching and Non-Teaching Personnel sa pagdiriwang ng Ika-67 Araw ng San Andres sa pamamagitan ng pakikilahok sa makulay at makabuluhang San Andres Day Parade ngayong Agosto 20, 2026.

Ang pagdiriwang na ito ay patunay ng ating patuloy na pagkakaisa at pakikiisa sa mga gawaing nagbibigay-halaga sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng ating komunidad.

Sa sama-samang pagdiriwang, lalo nating pinatitibay ang diwa ng pagkakaisa, pagmamalaki sa ating bayan, at malasakit sa pamayanan.

Maligayang Ika-67 Araw ng San Andres! πŸ‡΅πŸ‡­πŸŽ‰

Induction Ball and Mrs. SPTA 2026 ✨Agosto 18, 2026 | Tamnao Elementary SchoolMatagumpay na idinaos ng Tamnao Elementary ...
19/08/2026

Induction Ball and Mrs. SPTA 2026 ✨
Agosto 18, 2026 | Tamnao Elementary School

Matagumpay na idinaos ng Tamnao Elementary School ang Induction Ball and Mrs. SPTA 2026 noong Agosto 18, 2026. Ang makabuluhang pagtitipong ito ay nagbigay-diin sa pagkakaisa, pamumuno, at matatag na ugnayan ng paaralan, mga magulang, g**o, kawani, at pamayanan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Naging bahagi ng programa ang makabuluhang mensahe ng Punong-g**o, Dr. Mary Joy C. Follero, gayundin ang mensahe ng suporta mula kay Hon. Raul R. Endonila, Punong Barangay. Isinagawa rin ang pormal na panunumpa ng mga opisyal ng HRPTA at SPTA officers bilang tanda ng kanilang kahandaang makiisa at maglingkod sa mga programa at adhikain ng paaralan.

Nagbigay ng saya at kulay sa pagdiriwang ang pagpapakilala at pagtatanghal ng mga kalahok sa Mrs. SPTA 2026, mga bilang-pagtatanghal ng mga g**o at kawani ng Tamnao ES, gayundin ang pagtatanghal ng mga opisyal ng SPTA officers. Isa rin sa mga tampok na bahagi ng programa ang pagbibigay-parangal at koronasyon ng Mrs. SPTA 2026, na sinundan ng masayang sayawan at pamamahagi ng tig-limang kilong bigas sa sampung mapalad na nanalo.

Buong galak na binabati ng Tamnao Elementary School ang mga nagwagi sa Mrs. SPTA 2026:

πŸ‘‘ Mrs. SPTA 2026: Precy A. Balunan
🌟 Unang Karangalang Gantimpala: Roseann B. Grajo
🌟 Ikalawang Karangalang Gantimpala: Jennefer M. Abanto

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Tamnao Elementary School sa lahat ng magulang, opisyal, g**o, kawani, panauhin, at katuwang sa pamayanan na nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkakaisa at bayanihan para sa paaralan at para sa bawat mag-aaral ng Tamnao ES. πŸ’™βœ¨

ANNOUNCEMENT!πŸ“£ AUGUST 18, 2026π—–π—Ÿπ—”π—¦π—¦π—˜π—¦ π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—‘π——π—˜π—— π—œπ—‘ π—”π—Ÿπ—Ÿ π—Ÿπ—˜π—©π—˜π—Ÿπ—¦, π—£π—”π—‘π—š π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—žπ—’ 𝗒 𝗣π—₯π—œπ—•π—”π——π—’π—‘π—š 𝗣𝗔𝗔π—₯π—”π—Ÿπ—”π—‘ 𝗠𝗔𝗑.SCHOOLS MAY SHIFT T...
17/08/2026

ANNOUNCEMENT!πŸ“£

AUGUST 18, 2026

π—–π—Ÿπ—”π—¦π—¦π—˜π—¦ π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—‘π——π—˜π—— π—œπ—‘ π—”π—Ÿπ—Ÿ π—Ÿπ—˜π—©π—˜π—Ÿπ—¦, π—£π—”π—‘π—š π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—žπ—’ 𝗒 𝗣π—₯π—œπ—•π—”π——π—’π—‘π—š 𝗣𝗔𝗔π—₯π—”π—Ÿπ—”π—‘ 𝗠𝗔𝗑.

SCHOOLS MAY SHIFT TO ASYNCHRONOUS LEARNING MODALITY.

Ito ay batay sa rekomendasyon ng ating MDRRMO, dahil sa Habagat. Ibayong pag-iingat po sa ating lahat!


I πŸ’™ SAN ANDRES

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Tamnao Elementary School βœ¨πŸ‡΅πŸ‡­Tema: β€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at...
17/08/2026

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Tamnao Elementary School βœ¨πŸ‡΅πŸ‡­

Tema: β€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”

Matagumpay na isinagawa ng Tamnao Elementary School ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong araw sa panahon ng flag ceremony bilang pagpapahalaga sa Wikang Filipino, kulturang Pilipino, pagkakakilanlan, at pagmamahal sa bayan.

Sa programa, tinalakay ni Dr. Mary Joy C. Follero, Principal I, ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at ang mahalagang papel ng Wikang Filipino sa paghubog ng kaalaman, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa sariling kultura. Ang tema ngayong taon ay nagpapaalala rin na ang Wikang Filipino, katuwang ang makabagong teknolohiya gaya ng Artificial Intelligence, ay maaaring maging kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa mas malawak na yaman ng impormasyon. Kasama rin sa pagsuporta sa makabuluhang gawaing ito si Ma’am Cheryll P. Par, Head Teacher III.

Naging makulay at masigla ang pagdiriwang sa pamamagitan ng iba’t ibang pagtatanghal at gawain ng mga mag-aaral. Nagpakita ng husay at pagmamalaki sa sariling wika ang mga mag-aaral sa kanilang pagbigkas ng mga tula at pag-awit. Mas lalo pang naging makahulugan ang selebrasyon sa kanilang pagsusuot ng tradisyunal na kasuotang Pilipino, na sumasalamin sa yaman at ganda ng ating kultura.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, kinilala rin ng paaralan ang mga mag-aaral na nagpakitang-gilas sa kanilang kasuotan sa pamamagitan ng paggawad ng Best in Traditional Filipino Attire. Pinarangalan din ang mga nagwagi sa Key Stage 1 Coloring Competition, na nagpakita ng pagkamalikhain at aktibong pakikilahok ng mga Batang Tamnao.

Sa pamumuno ni Ma’am Vivian A. Quinatadcan, coordinator ng pagdiriwang, naging matagumpay at makabuluhan ang isinagawang programa na nagpaalala sa lahat na ang Wikang Filipino ay hindi lamang wika ng komunikasyon, kundi wika rin ng pagkakaisa, kultura, karunungan, at pagmamahal sa bayan.

Taos-pusong pasasalamat kina Dr. Mary Joy C. Follero, Principal I, Ma’am Cheryll P. Par, Head Teacher III, Ma’am Vivian A. Quinatadcan, sa lahat ng g**o, mag-aaral, magulang, at lahat ng nakiisa sa makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Tamnao Elementary School. Sama-sama nating ipagmalaki, mahalin, at pagyamanin ang Wikang Filipino! πŸ’™πŸ“šπŸ‡΅πŸ‡­



SEE CLEARLY, LIVE FULLY! βœ¨πŸ‘οΈ | Pagsusulong ng Maagang Pagsusuri at Mas Mabuting Pangangalaga sa Kalusugan ng MataMatagum...
17/08/2026

SEE CLEARLY, LIVE FULLY! βœ¨πŸ‘οΈ | Pagsusulong ng Maagang Pagsusuri at Mas Mabuting Pangangalaga sa Kalusugan ng Mata

Matagumpay na isinagawa ng Tamnao Elementary School ang pagdiriwang ng Sight Saving Month noong Agosto 14, 2026, alinsunod sa Division Memorandum No. 0789, s. 2026, na naglalayong palaganapin ang kamalayan sa pangangalaga ng mata, maagang pagsusuri, at wastong pag-aalaga sa paningin ng mga mag-aaral.

Ang makabuluhang gawaing ito ay nagsilbing paalala na ang malinaw at malusog na paningin ay may mahalagang papel sa pagkatuto, pag-unlad, at tagumpay ng bawat batang mag-aaral. Sa pamamagitan ng maagang pagtuklas, tamang kaalaman, at wastong pangangalaga, mas nabibigyan natin ang mga bata ng pagkakataong makakita nang malinaw, matuto nang mas mabuti, at mamuhay nang ganap.

Taos-pusong nagpapasalamat ang buong Tamnao ES Family sa walang sawang suporta at pamumuno ni Dr. Mary Joy C. Follero, Punongg**o, at Ma’am Cheryll P. Par, Head Teacher III, sa pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Isang espesyal na pasasalamat din ang ipinaaabot kay Ma’am Nellien O. Langamin, School Health Coordinator, sa mahusay at masigasig na pagpapadaloy ng mahalagang gawaing ito.

Maraming salamat sa lahat ng mga mag-aaral, g**o, at mga katuwang na nakiisa sa pagdiriwang na ito. Sama-sama nating pangalagaan ang paningin ng ating mga mag-aaral tungo sa mas maliwanag, mas malusog, at mas magandang kinabukasan.






Address

Tamnao Gamay, Camflora
San Andres
4314

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tamnao Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tamnao Elementary School:

Shortcuts

Share

Category