San Andres Rpio

Directions

San Andres Rpio Maraming salamat sa pagbisita sa Opisyal na page ng Public Information Office (PIO) it LGU San Andres, Romblon.

UNDAS 2026: TRAFFIC FLOW ADVISORY SA SAN ANDRES, ROMBLON | Oktubre 28, 2026Bilang bahagi ng paghahanda para sa ligtas at...
28/10/2026

UNDAS 2026: TRAFFIC FLOW ADVISORY SA SAN ANDRES, ROMBLON | Oktubre 28, 2026

Bilang bahagi ng paghahanda para sa ligtas at maayos na paggunita ng Undas 2026, ang lokal na pamahalaan ng San Andres ay nakikiusap na sundin ang ipatutupad na traffic flow at mga itinalagang alternatibong ruta dito sa ating bayan.

MAHAHALAGANG PAALALA SA MGA MOTORISTA:

โœ… Sundin ang mga traffic sign at tagubilin ng mga traffic enforcer o Barangay Official.

โœ… Gamitin ang mga itinalagang alternatibong ruta.

โœ… Iwasan ang ilegal na pagparada at pagharang sa mga kalsada.

โœ… Maglaan ng dagdag na oras sa biyahe dahil sa posibleng pagsisikip ng trapiko.

โœ… Unahin ang kaligtasan ng mga pedestrian at iba pang gumagamit ng kalsada.

Makikiisa tayo sa pagpapanatili ng kaayusan sa lansangan upang matiyak ang ligtas at maayos na paggunita ng Undas 2026.

Disiplina sa kalsada, susi sa ligtas na Undas!




SAN ANDRES, NAGHAHANDA PARA SA LIGTAS AT MAAYOS NA UNDAS 2026Oktubre 28, 2026 - Bilang paghahanda sa nalalapit na paggun...
28/10/2026

SAN ANDRES, NAGHAHANDA PARA SA LIGTAS AT MAAYOS NA UNDAS 2026

Oktubre 28, 2026 - Bilang paghahanda sa nalalapit na paggunita ng Undas 2026, nagsagawa ng pagpupulong ang mga kinauukulang ahensya upang planuhin ang mga hakbang para sa kaligtasan, kaayusan, at maayos na serbisyo sa publiko.

Dumalo sa pagpupulong ang BFP San Andres, MPS San Andres, Rural Health Unit (RHU) katuwang ang DOH, mga opisyal ng Barangay Poblacion, MENRO, Tourism Office, at MDRRMO.

Tinalakay sa pulong ang mga posibleng suliranin at mahahalagang konsiderasyon batay sa karanasan noong Undas 2025 upang mapaghandaan ang inaasahang pagdagsa ng mga taong bibisita sa mga sementeryo.

Ayon sa mga kinauukulang ahensya, nakahanda silang magbigay ng kinakailangang serbisyo at tumugon sa mga pangangailangan ng publiko upang matiyak ang ligtas at maayos na paggunita ng Undas 2026.

Sama-samang paghahanda para sa ligtas, maayos, at mapayapang Undas sa San Andres!

SAN ANDRES, KILOS KONTRA DENGUE: SEARCH AND DESTROY SA BARANGAY MABINIIsinagawa sa ilang Barangay sa bayan ng San Andres...
28/10/2026

SAN ANDRES, KILOS KONTRA DENGUE: SEARCH AND DESTROY SA BARANGAY MABINI

Isinagawa sa ilang Barangay sa bayan ng San Andres ang Search and Destroy upang hanapin at alisin ang mga posibleng pamugaran ng lamok bilang hakbang laban sa dengue.

Nagpaabot ng pasasalamat ang staff ng Rural Health Unit sa mga nakiisa sa gawaing pangkalusugan.

Hinihikayat ang bawat pamilya na panatilihing malinis ang kapaligiran, alisin ang naipong tubig, at regular na suriin ang mga posibleng pamugaran ng lamok.

Walang naipong tubig, walang pamugaran ng lamok, iwas dengue!



Photo courtesy: Facebook posts/Jhane Obrique Villegas

๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐Š๐€๐‹๐€๐‡๐ˆ-๐‚๐ˆ๐ƒ๐’๐’ ๐Œ๐‘๐ž๐ฌ๐“ ๐‡๐ˆ๐†๐‡๐‹๐ˆ๐†๐‡๐“๐’ ๐ƒ๐ˆ๐’๐€๐’๐“๐„๐‘ ๐‘๐„๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐„๐๐‚๐„ ๐๐‘๐ˆ๐Ž๐‘๐ˆ๐“๐˜ ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“๐’ ๐ˆ๐ ๐Œ๐”๐๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐‹ ๐‘๐„๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐„๐๐‚๐„ ๐๐‹๐€๐ (๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”โ€“๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ–) ๐…๐Ž๐‘๐Œ๐”๐‹...
28/10/2026

๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐Š๐€๐‹๐€๐‡๐ˆ-๐‚๐ˆ๐ƒ๐’๐’ ๐Œ๐‘๐ž๐ฌ๐“ ๐‡๐ˆ๐†๐‡๐‹๐ˆ๐†๐‡๐“๐’ ๐ƒ๐ˆ๐’๐€๐’๐“๐„๐‘ ๐‘๐„๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐„๐๐‚๐„ ๐๐‘๐ˆ๐Ž๐‘๐ˆ๐“๐˜ ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“๐’ ๐ˆ๐ ๐Œ๐”๐๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐‹ ๐‘๐„๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐„๐๐‚๐„ ๐๐‹๐€๐ (๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”โ€“๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ–) ๐…๐Ž๐‘๐Œ๐”๐‹๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ“
In an effort to institutionalize community-driven, climate-adaptive local governance, the Municipal Resilience Team (MResT), under the DSWD KALAHI-CIDSS Philippine Community Resilience Project (PCRP), successfully convened for the formulation of the Municipal Resilience Plan (MRP) 2026โ€“2028.
The three-day planning workshop focused on identifying, validating, and prioritizing high-impact Programs, Projects, and Activities (PPAs) anchored on findings from the previously conducted Participatory Risk and Vulnerability Assessment (PRVA). Key local stakeholdersโ€”including the Municipal Core Team (MCT), Area Coordinating Team (ACT), Barangay Local Government Units (BLGUs), technical working groups, and Community Volunteersโ€”collaborated to translate local hazard data into actionable resilience investments.
Key highlights of the workshop included:
โœ…Barangay Risk & Resource Map Validation: Pinpointing localized exposure to natural hazards, critical infrastructure vulnerabilities, and existing community assets across all participating barangays.
โœ…Technical Integration & Expert Consultations: Aligning community findings with municipal sectoral development thrusts, disaster risk reduction standards, and environmental management guidelines.
โœ…Resilience Portfolio Development: Formulating multidisciplinary PPAs spanning social protection, structural mitigation, early warning mechanisms, and sustainable livelihood support.
โœ…PPA Prioritization & Criteria-Based Voting: Ranking proposed interventions using participatory decision-making frameworks to ensure equitable and impact-driven resource allocation.
โœ…Action Planning & Mainstreaming: Laying down implementation roadmaps for the integration of prioritized PPAs into the Comprehensive Development Plan (CDP) and Local Disaster Risk Reduction and Management Plan (LDRRMP).
The finalized priority projects under the PCRP framework are scheduled for phased roll-out and implementation starting Fiscal Year 2027, establishing a more climate-resilient and proactive community foundation.

CULTURAL MONTH CELEBRATION 2026
28/10/2026

CULTURAL MONTH CELEBRATION 2026

Ngayong  , tandaan itong mga paalala sa pag-alala Para   ligtas at payapa sa paggunita sa mga yumao nating mahal sa buha...
27/10/2026

Ngayong , tandaan itong mga paalala sa pag-alala Para ligtas at payapa sa paggunita sa mga yumao nating mahal sa buhay.
Protektahan ang sarili at pamilya sa init at ulan ngayong Undas! Isang paalala mula sa Kagawaran ng Kalusugan.

SAN ANDRES MPS, NANAWAGAN SA MGA MAY-ARI NG BARIL NA WALANG LISENSYA O EXPIRED NA ANG LISENSYASAN ANDRES, ROMBLON โ€” Hini...
26/10/2026

SAN ANDRES MPS, NANAWAGAN SA MGA MAY-ARI NG BARIL NA WALANG LISENSYA O EXPIRED NA ANG LISENSYA

SAN ANDRES, ROMBLON โ€” Hinihikayat ng San Andres Municipal Police Station (MPS) ang mga may-ari ng baril na walang balidong lisensya o expired na ang lisensya na makipag-ugnayan sa himpilan ng pulisya para sa wastong proseso at ligtas na pagsasaayos ng kanilang sitwasyon.

Ayon kay PMAJ Nanette H. Pablico, ACOP, may talaan ang kapulisan ng mga baril na nakarehistro sa kanilang database, kabilang ang mga lisensyang nag-expire na. Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga kinauukulang may-ari na kumilos agad at huwag nang hintaying mapuntahan sa ilalim ng OPLAN KATOK.

Kung hindi pa kayang maasikaso ang pag-renew ng lisensya, maaaring makipag-ugnayan sa San Andres MPS upang magtanong tungkol sa ligtas na safekeeping o pagsasauli ng baril, alinsunod sa mga umiiral na patakaran at tagubilin ng awtoridad.

Para sa kaligtasan ng lahat, hinihikayat ang publiko na makipag-ugnayan muna sa San Andres MPS bago magdala o magsauli ng baril upang matiyak ang wastong proseso ng paghawak at pagtanggap nito.

Makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa ating bayan. Makipag-ugnayan sa San Andres MPS para sa tamang gabay at proseso.




MGA MENOR DE EDAD, HUWAG PAYAGANG MAGMANEHO NG E-BIKE, MOTORSIKLO AT IBA PANG SASAKYAN NANG WALANG LISENSIYAPinapaalalah...
26/10/2026

MGA MENOR DE EDAD, HUWAG PAYAGANG MAGMANEHO NG E-BIKE, MOTORSIKLO AT IBA PANG SASAKYAN NANG WALANG LISENSIYA

Pinapaalalahanan ang mga magulang at tagapag-alaga na huwag payagang magmaneho sa pampublikong kalsada ang kanilang mga menor de edad na anak kung walang lisensiya.

Ang pagmamaneho nang walang sapat na kaalaman sa batas-trapiko at responsableng pagmamaneho ay maaaring magdulot ng aksidente at panganib sa buhay ng mga bata at iba pang gumagamit ng kalsada.

Ayon sa mga umiiral na batas ng Pilipinas:

Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code โ€” Ipinagbabawal ang pagmamaneho ng sasakyang de-motor nang walang wastong lisensiya, maliban sa mga partikular na eksepsiyong itinatadhana ng batas.

Presidential Decree No. 603 o Child and Youth Welfare Code, Article 59(11) โ€” Maaaring managot ang magulang o guardian na nagpapahintulot o nag-uutos sa isang bata na magmaneho nang walang lisensiya, alinsunod sa probisyon ng batas.

Ayon kay PMAJ Nanette H. Pablico, ACOP ng San Andres Municipal Police Station (MPS), hinihikayat ang mga magulang na maging responsable sa paggabay sa kanilang mga anak at tiyaking hindi sila magmamaneho ng sasakyang hindi pa nila legal na maaaring imaneho.

Hindi sapat ang kakayahang humawak ng manibela o magpaandar ng sasakyan; mahalaga rin ang pagsunod sa batas at pag-unawa sa mga panganib sa kalsada.

๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—›๐—ผ๐—น๐—ฑ๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด-๐—ฅ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜†
26/10/2026

๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—›๐—ผ๐—น๐—ฑ๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด-๐—ฅ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜†

MALIGAYANG KAARAWAN, MAYOR!Taos-pusong pagbati ng isang maligayang kaarawan kay Mayor Fernald G. Rovillos, MD, mula sa i...
22/10/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, MAYOR!

Taos-pusong pagbati ng isang maligayang kaarawan kay Mayor Fernald G. Rovillos, MD, mula sa inyong pamilya sa Lokal na Pamahalaan ng San Andres!

Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at gabay sa patuloy na paglilingkod sa ating bayan.

Dalangin namin ang mas marami pang biyaya, tagumpay, at makabuluhang taon ng paglilingkod na may malasakit at dedikasyon para sa San Andres.

Maligayang kaarawan, Mayor Dok! Mabuhay po kayo at pagpalain nawa kayo ng Panginoon!




Address

Municipal Hall, Brgy. Poblacion
San Andres
5504

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Andres Rpio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share