09/10/2026
INAANYAYAHAN ANG LAHAT SA LIVELIHOOD CANDLE MAKING WORKSHOP!
Ang Barangay Luna, San Antonio, Zambales, sa pakikipagtulungan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), ay magsasagawa ng Livelihood Candle Making Workshop para sa mga benepisyaryo ng 4Ps ng Luna.
Layunin ng gawaing ito na maibahagi ang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng kandila bilang isang oportunidad para sa karagdagang kabuhayan at pagpapaunlad ng sariling kakayahan. π―οΈ
π
Petsa: Oktubre 16, 2026 (Biyernes)
β° Oras: 7:30 AM onwards
π Lugar: Barangay Luna Covered Court, San Antonio, Zambales
Mga Facilitators mula sa MENRO sa Koordiasyon ng Office of the Mayor, Hon. Dok Arvin Antipolo:
β’ Engr. Jennifer V. Rosario
β’ Christian Sebastian
β’ Christine Paulo
Workshop Sponsor:
GEO LANDS REALTY
Dream Land, Dream Life
CEO Lj A. Labrador
π’ OPEN FOR OBSERVERS! Contact Kgwd. Arman Domingo
Inaanyayahan din ang mga interesadong indibidwal na nais manood, matuto, at masaksihan ang proseso ng paggawa ng kandila. Bukas ang workshop para sa mga observer na nais magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa ganitong uri ng livelihood activity.
Sama-sama nating suportahan ang mga programang naglalayong magbigay ng dagdag na kaalaman, kasanayan, at oportunidad para sa komunidad!