31/10/2026
𝙈𝙐𝙇𝘼 𝙎𝘼𝙉 𝘾𝘼𝙍𝙇𝙊𝙎 𝘾𝙄𝙏𝙔, 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙍𝙀𝙃𝙄𝙔𝙊𝙉!
Congratulations, Little Councilor Rain Esteban!
Taos-puso nating binabati ang ating 𝗟𝗶𝘁𝘁𝗹𝗲 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, 𝗥𝗮𝗶𝗻 𝗟. 𝗘𝘀𝘁𝗲𝗯𝗮𝗻, sa kanyang matagumpay na 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙩𝙖𝙬𝙖𝙣 sa 𝙎𝙖𝙣 𝘾𝙖𝙧𝙡𝙤𝙨 𝘾𝙞𝙩𝙮 sa 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱𝗿𝗲𝗻’𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀 na ginanap sa 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 30–31, 2026.
Sa loob ng dalawang araw, hindi lamang pangalan ng San Carlos City ang kanyang dala. Dala niya ang tinig ng kabataan. Dala niya ang kanilang mga pangarap. At higit sa lahat, dala niya ang paninindigang ang kabataan ay may lugar, may boses, at may kakayahang makilahok sa mga usaping nakaaapekto sa kanilang kinabukasan.
Sa kanyang pakikilahok Kasama ang kanyang adviser, Ms. Regina Velasco ng Malacañang NHS, ipinakita ni 𝗘𝗦𝗧𝗘𝗕𝗔𝗡 ang tapang na magsalita, ang kahandaang makinig, at ang paninindigang kumatawan hindi lamang para sa sarili, kundi para sa kapwa kabataan.
At sa pagtatapos ng kongreso, isang malaking karangalan ang kanyang 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙡 bilang 𝙍𝙚𝙜𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝘾𝙝𝙞𝙡𝙙𝙧𝙚𝙣’𝙨 𝙍𝙚𝙥𝙧𝙚𝙨𝙚𝙣𝙩𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚 (Male).
Ang pagkakahalal na ito ay isang bagong pananagutan isang pagkakataon upang mas maiparinig ang tinig ng kabataan at maipakita na ang tunay na paglilingkod ay nagsisimula sa pakikinig, pakikilahok, at paninindigan.
Mula sa pagiging kinatawan ng San Carlos City, ngayon ay dala mo na ang mas malawak na tinig ng mga kabataan sa rehiyon.
Ito ang kabataang may boses. Ito ang kabataang may paninindigan. Ito ang kabataang handang kumilos.
Mabuhay ang kabataan! Mabuhay ang San Carlos City! At mabuhay ang bagong Regional Children’s Representative!
Mula sa iyong pamilya sa Lingkor na Kalangweran buong puso kaming nakikiisa sa iyong tagumpay!