18/10/2026
PASASALAMAT SA LAHAT NG DUMALO SA ATING 2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY 2026 💚
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga mamamayan ng Barangay Catagudingan na naglaan ng oras upang dumalo at makiisa sa ating 2nd Semester Barangay Assembly ngayong araw, October 18, 2026.
Maraming salamat po sa inyong suporta, pakikiisa, at aktibong pakikilahok sa mga mahahalagang usapin, programa, proyekto, at mga plano para sa ikauunlad ng ating barangay. Ang inyong presensya at pakikibahagi ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, mas marami tayong makakamit para sa ikabubuti ng ating komunidad.
Patuloy po tayong magkaisa, magtulungan, at makiisa sa mga programa at adhikain para sa isang mas maunlad, mapayapa, at nagkakaisang Barangay Catagudingan.
Maraming salamat po sa inyong lahat!