Brgy. Balloc San Clemente Tarlac

Directions

Brgy. Balloc San Clemente Tarlac Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Balloc San Clemente Tarlac, Public Service, Balloc, San Clemente.

23/10/2026
2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY 2026 | BARANGAY BALLOCMatagumpay na naisagawa ang 2nd Semester Barangay Assembly ng Baran...
23/10/2026

2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY 2026 | BARANGAY BALLOC

Matagumpay na naisagawa ang 2nd Semester Barangay Assembly ng Barangay Balloc noong Oktubre 18, 2026, sa Balloc Elementary School Covered Court, na dinaluhan ng maraming residente, kasama ang ilang panauhing kinatawan mula sa Sangguniang Bayan (SB), Philippine National Police (PNP), at dumalo din ang OSCA Head President (Office for Senior Citizens Affairs (OSCA).

Naging makabuluhan ang pagtitipon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mahahalagang ulat, paglalahad ng mga programa at proyekto ng barangay, at bukas na talakayan hinggil sa mga isyu, pangangailangan, at mungkahi ng ating mga kababayan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng residente, panauhin, at mga katuwang ng barangay sa kanilang pagdalo, suporta, at aktibong pakikilahok. Ang inyong presensya at pakikiisa ay mahalagang bahagi ng patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

Sa Barangay Balloc, patuloy nating isinusulong ang pagkakaisa, bukas na komunikasyon, at sama-samang pagkilos tungo sa isang mas maayos, ligtas, at maunlad na barangay.

Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad!

BALLOC NATAN-OK!




3RD QUARTER VAWC SEMINAR | SAFE SPACES ACTAng pagkakaroon ng ligtas, maayos, at mapayapang komunidad ay nagsisimula sa k...
17/10/2026

3RD QUARTER VAWC SEMINAR | SAFE SPACES ACT

Ang pagkakaroon ng ligtas, maayos, at mapayapang komunidad ay nagsisimula sa kaalaman, paggalang, at pagkakaisa!

Sa pangunguna ng ating magaling na Resource Speaker at masigasig na VAWC Desk Officer, at sa buong suporta ng ating butihing Kapitan, patuloy nating isinusulong ang kamalayan tungkol sa paggalang sa karapatan ng bawat isa at ang pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran para sa lahat, lalo na sa kababaihan at kabataan.

Matagumpay na isinagawa ng Barangay Balloc ang 3rd Quarter VAWC Seminar na may paksang “Safe Spaces Act”, na dinaluhan ng ating mga magulang kasama ang mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholar (BNS), at Day Care Workers (DCWs).

Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na may respeto, malasakit, at pagkakapantay-pantay.

Bawat isa ay may karapatang maging ligtas. Bawat isa ay nararapat igalang!





-ok

15/10/2026

BARANGAY BALLOC – 2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY 2026
Tayo na sa Barangay Assembly!

Inaanyayahan po ang lahat ng mga residente ng Barangay Balloc na makiisa at dumalo sa ating 2nd Semester Barangay Assembly na gaganapin sa darating na Oktubre 18, 2026 (Linggo), ganap na ika-1:00 ng hapon, sa Balloc Elementary School Covered Court.

Tema:
“Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”

Ito ay pagkakataon upang mapakinggan ang mga ulat, maibahagi ang mga saloobin at mungkahi, at mapag-usapan ang mga programa, proyekto, at iba pang mahahalagang usapin para sa ikauunlad ng ating barangay.

Ang inyong pakikilahok ay mahalaga! Sama-sama nating itaguyod ang isang maunlad, nagkakaisa, at mas matatag na Barangay Balloc.

Petsa: Oktubre 18, 2026 (Linggo)
Oras: 1:00 PM
Lugar: Balloc Elementary School Covered Court

Dumalo, makiisa, makilahok! Dahil ang bawat tinig ay mahalaga sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan ng ating komunidad.





-Ok

PBBM SCHOLARSHIP PROGRAM 2026 Educational Assisstance  Masayang ipinapaabot ng Barangay Balloc, San Clemente, Tarlac ang...
26/09/2026

PBBM SCHOLARSHIP PROGRAM 2026
Educational Assisstance

Masayang ipinapaabot ng Barangay Balloc, San Clemente, Tarlac ang pagbibigay ng Educational Assistance sa ating limang (5) qualified college scholars sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang Program (BBMP) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM).

Ang tulong na ito ay isang mahalagang suporta para sa ating mga kabataan upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.

Congratulations sa ating 5 qualified scholars! Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo kayong magsikap sa inyong pag-aaral at balang araw ay maging katuwang sa pag-unlad ng ating Barangay Balloc.

1. Troy G. Martinez
2. Jeumark D. Saw-E
3. Joear F. Notarte
4. Erika Rich A. Payongayong
5. Kimberly Ann M. Sumibcay

Maraming salamat sa programang nagbibigay ng pagkakataon at suporta sa ating mga kabataan!

2026


SanClementeTarlac

WEEK 39 CLEAN-UP DRIVE | BARANGAY BALLOC Patuloy ang ating sama-samang pagkilos para sa isang malinis, maayos, at ligtas...
26/09/2026

WEEK 39 CLEAN-UP DRIVE | BARANGAY BALLOC

Patuloy ang ating sama-samang pagkilos para sa isang malinis, maayos, at ligtas na Barangay Balloc!

Maraming salamat sa ating mga Bpats at mga residente sa pangunguna ng ating Committee on Environment na patuloy na nakikiisa at nagbibigay ng oras at effort para sa ating lingguhang Clean-Up Drive.

Sa simpleng paglilinis at tamang pagtatapon ng basura, sama-sama nating napapanatili ang kagandahan at kalinisan ng ating barangay.

Malinis na Barangay, Masayang Pamayanan!
Tuloy-tuloy lang, Balloc!





QUARTERLY HOUSE-TO-HOUSE HEALTH CHECK-UP | BARANGAY BALLOCPatuloy ang ating pagsusumikap na mailapit ang serbisyong pang...
20/09/2026

QUARTERLY HOUSE-TO-HOUSE HEALTH CHECK-UP | BARANGAY BALLOC

Patuloy ang ating pagsusumikap na mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat tahanan!

Isinagawa ang quarterly house-to-house health monitoring ng ating mga Kagawad at Barangay Health Workers (BHW) sa pangunguna ng ating Committee on Health at ng ating Punong Barangay.

Layunin ng gawaing ito na masubaybayan ang kalagayan ng kalusugan ng ating mga residente sa pamamagitan ng Blood Pressure (BP) Monitoring at Blood Sugar Testing, lalo na ang ating mga minamahal na Senior Citizens.

Ang simpleng pagbisita at pagsusuri ay malaking tulong upang maagapan at mabigyan ng nararapat na atensyon ang anumang posibleng problema sa kalusugan.

Kalusugan ng bawat residente, malasakit ng buong Barangay Balloc!







Address

Balloc
San Clemente
2305

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Balloc San Clemente Tarlac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category