23/08/2026
𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗭𝗔𝗠𝗕𝗔𝗟𝗘Ñ𝗢: 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗙𝗲𝗹𝗶𝗽𝗲
Sa hangaring mailapit ang serbisyo sa bawat Zambaleño. Lubos ang pasasalamat ng mga kababayan natin sa Bayan ng San Felipe matapos personal na maiabot ang Monthly Medical Assistance ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pamumuno ng inyong lingkod GOB. JUN EBDANE sa mga may CKD at sumasailalim sa Chemotherapy at dialysis sa pamamagitan ng Hatid Serbisyo sa Zambaleño, ngayong araw.
Muli rin tayong nakapaghandog ng mga assistive devices at kagamitang medikal para sa ating mga kababayan na may kapansanan at nangangailangan ng tulong pangkalusugan.
Magpagaling po kayo, Mahal kayo ni Gob. Jun Ebdane🫶🏻❤️