03/08/2026
✨Isang maligayang pagdiriwang ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮! 🇵🇭
Ngayong buwan ng Agosto, kaisa ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas (NLP) sa pagtataguyod at pagpapayaman ng ating wikang pambansa, alinsunod sa temang: “𝙒𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙖𝙩 𝘼𝙄: 𝙆𝙖𝙨𝙖𝙣𝙜𝙠𝙖𝙥𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙡𝙞𝙠𝙨𝙞𝙠 𝙖𝙩 𝙏𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙔𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙄𝙢𝙥𝙤𝙧𝙢𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣.”
Bilang kaban ng karunungan ng bansa, patuloy na magiging katuwang ang sa pagpapalaganap ng Wikang Filipino sa pamamagitan ng ating mga koleksyon at makabagong serbisyo. Hangad namin na sa bawat aklat at babasahing inyong bubuklatin dito sa aklatan, ay higit pang mapayaman ang inyong kaisipan at mapag-alab ang pagmamahal sa ating sariling wika.
Samahan ninyo kami sa isang buwang puno ng kaalaman at pagpapahalaga sa ating kultura at wika!