DA - SAAD Central Luzon

Directions Contact the organization

DA - SAAD Central Luzon "SAAD, kaagapay sa maunlad na buhay"

Happy birthday, Sir Dexter Draizen P. Dumol! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚ Wishing you good health and more blessings to come. Thank you for all yo...
23/10/2026

Happy birthday, Sir Dexter Draizen P. Dumol! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚ Wishing you good health and more blessings to come.

Thank you for all your hard work and dedication, especially in serving and helping our DA-SAAD farmers. Your efforts truly make a difference.

Greetings from your DA-SAAD family! Mabuhay. ๐Ÿ’•

๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ ๐›๐ž๐ง๐ž๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ซ๐ฒ ๐š๐ฌ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ ๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ง๐š๐ง๐  ๐‚๐’๐Ž-๐š๐œ๐œ๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ๐ž๐Ganap nang kinilala bilang Civil Society Organization (CSO) an...
23/10/2026

๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ ๐›๐ž๐ง๐ž๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ซ๐ฒ ๐š๐ฌ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ ๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ง๐š๐ง๐  ๐‚๐’๐Ž-๐š๐œ๐œ๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ๐ž๐

Ganap nang kinilala bilang Civil Society Organization (CSO) ang Pagkakaisa ng mga Magsasaka ng Brgy. Bantog Association Incorporated, isa sa mga benepisyaryong organisasyon ng Department of Agriculture โ€“ Regional Field Office III (DA-RFO III) โ€“ Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program, kasunod ng pagkakumpleto ng proseso ng akreditasyon na kinabibilangan ng beripikasyon noong Oktubre 21, 2026, sa DA Training Room, Maimpis, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Isinagawa ng DA-RFO III CSO Accreditation Secretariat ang beripikasyon upang masuri ang kapasidad ng organisasyon, mga operasyonal na gawain, kalagayang pinansyal, at pagsunod sa mga dokumentaryong kinakailangan. Sa pagkakamit ng akreditasyon, nagkakaroon ang asosasyon ng mas malawak na oportunidad na makilahok sa mga programa at proyektong pangkaunlaran ng pamahalaan, partikular sa sektor ng agrikultura.

Itinatag noong Enero 2023 sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) at pormal na nairehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong Hunyo 2025, binubuo ang asosasyon ng 31 miyembroโ€”21 kalalakihan at 10 kababaihanโ€”na nagsasaka sa tinatayang 25.96 ektaryang lupain sa Barangay Bantog, Anao, Tarlac. Pangunahing ikinabubuhay ng mga kasapi ang produksyon ng mais.

Bilang suporta sa kanilang kabuhayan, nagkaloob ang DA-SAAD Program ng ibaโ€™t ibang makinaryang pansakahan at materyales sa produksyon mula 2023 hanggang sa kasalukuyan. Kabilang dito ang limang hand tractor, isang shallow tube well, mga binhi ng mais at pataba, isang mini corn seeder, at karagdagang portable shallow tube wells. Karamihan sa mga makinarya ay nananatiling gumagana at patuloy na ginagamit ng mga miyembro upang mapadali ang kanilang mga gawaing pansakahan.

Ipinatutupad din ng asosasyon ang roll-over scheme para sa mga binhi ng mais at pataba, kung saan ibinabalik ng mga miyembro ang katumbas na halaga ng mga natanggap na materyales pagkatapos ng anihan upang magamit sa susunod na taniman.
Nagpapatakbo rin ito ng pagpapaupa ng makinaryang pansakahan at programang pagpapautang para sa mga kasapi tuwing anihan ng palay at mais.

Nagpahayag din ang asosasyon ng pangangailangan para sa isang four-wheel-drive tractor upang mabawasan ang pag-asa sa pag-upa ng makinarya mula sa ibang organisasyon at mapadali ang paghahanda ng lupang sasakahin.
Sa pagkakamit ng CSO accreditation, inaasahang higit pang mapalalakas ng asosasyon ang pamamahala sa organisasyon at mapalalawak ang pakikilahok nito sa mga programa ng pamahalaan.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng DA-SAAD Program na palakasin ang kakayahan ng mga benepisyaryong organisasyon at isulong ang napapanatiling kabuhayan ng mga magsasaka.



๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฅ ๐‹๐ฎ๐ณ๐จ๐ง, ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ’๐ŸŽ ๐๐š๐ ๐ฌ ๐ง๐  ๐…๐ž๐ž๐๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ซ๐ฒ๐จBilang patuloy na suporta ng Department of Agr...
23/10/2026

๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฅ ๐‹๐ฎ๐ณ๐จ๐ง, ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ’๐ŸŽ ๐๐š๐ ๐ฌ ๐ง๐  ๐…๐ž๐ž๐๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ซ๐ฒ๐จ

Bilang patuloy na suporta ng Department of Agriculture โ€“ Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Central Luzon sa mga benepisyaryo nito, namahagi ang programa ng 240 bags na feeds para sa kanilang poultry farming noong October 16, 2026 sa Nampicuan, Nueva Ecija at San Clemente, Tarlac.

Kabuuang 240 bags ng feeds ang naihatid sa anim asosasyon sa ilalim ng SAAD Program. May tig-40 bags bawat asosasyon. Kabilang dito ang Maeling Unified Farmer Association Inc., Mayantoc Duck Farmers Association, Medico Hog Raiser Association, Monic Swine Herd Association, Ambassador Swine Association sa Nampicuan, Nueva Ecija at Bamban-Maasin Swine Farmers Association naman sa bayan ng San Clemente, Tarlac.

Ang paghahatid ng feeds ay bahagi ng patuloy na pagbibigay ng suporta ng DA-SAAD sa mga benepisyaryo upang mapanatili at mapaunlad ang kanilang mga livelihood activities. Sa pamamagitan ng mga intervention na tumutugon sa pangangailangan ng mga magsasaka, layunin ng programa na makatulong sa pagpapatuloy ng kanilang produksyon at paglikha ng dagdag na kabuhayan.

Inaasahang magagamit ng mga benepisyaryo ang feeds bilang dagdag na suporta sa kanilang livestock-related activities at sa pagpapaunlad ng kanilang mga alagang hayop, na makatutulong sa pagpapatuloy ng kanilang kabuhayan sa komunidad.



๐…๐ž๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž | From backyard gardens to additional incomeBackyard gardening has become an additional source of income for SAA...
22/10/2026

๐…๐ž๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž | From backyard gardens to additional income

Backyard gardening has become an additional source of income for SAAD farmers in Campos and San Francisco West, where association members have turned previously unused spaces into productive vegetable gardens.

Full story: https://saad.da.gov.ph/from-backyard-gardens-to-additional-income/






Department of Agriculture - Philippines

๐๐ž๐ฐ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž | Tarlac, Nueva Ecija FAs trained on proper use and maintenance of mechanical corn seeder To help farmer as...
22/10/2026

๐๐ž๐ฐ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž | Tarlac, Nueva Ecija FAs trained on proper use and maintenance of mechanical corn seeder

To help farmer associations maximize the use of agricultural machinery provided under the program, the Department of Agriculture โ€“ Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Central Luzon conducted a Mechanical Corn Seeder Field Demonstration last October 7, 2026, in Barangay Coral, Ramos, Tarlac.

Full story: https://saad.da.gov.ph/tarlac-nueva-ecija-fas-trained-on-proper-use-and-maintenance-of-mechanical-corn-seeder/







Department of Agriculture - Philippines

๐…๐ž๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž | SAAD Central Luzonโ€™s OPBME Lead presents soil microorganism research, eyes sustainable farming applicationsThe...
22/10/2026

๐…๐ž๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž | SAAD Central Luzonโ€™s OPBME Lead presents soil microorganism research, eyes sustainable farming applications

The pursuit of science-based agricultural solutions may open opportunities for more sustainable crop production among farmers in geographically and economically disadvantaged communities. For the Department of Agriculture - Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program, the research of its Operational Planning, Budgeting, Monitoring, and Evaluation (OPBME) Lead, Dr. Rosalee G. Leander, offers a potential contribution to this goal.

Full story: https://saad.da.gov.ph/saad-central-luzons-opbme-lead-presents-soil-microorganism-research-eyes-sustainable-farming-applications/






Department of Agriculture - Philippines

๐๐ž๐ฐ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž | SAAD Central Luzon personnel reinforce commitment to ethical, people-centered public service Personnel of...
22/10/2026

๐๐ž๐ฐ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž | SAAD Central Luzon personnel reinforce commitment to ethical, people-centered public service

Personnel of the Department of Agriculture - Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program in Central Luzon joined around 200 personnel of the Department of Agriculture Regional Field Office III's (DA RFO III) Field Operations Division (FOD) in a Values Formation Training last October 2, 2026, in Angeles City, Pampanga, reinforcing the professional values that guide program implementation and service to farmers and fisherfolk.

Full story: https://saad.da.gov.ph/saad-central-luzon-personnel-reinforce-commitment-to-ethical-people-centered-public-service/







Department of Agriculture - Philippines

๐‚๐š๐›๐š๐ฐ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ,  ๐‡๐ข๐ง๐š๐ฌ๐š ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐€๐ ๐ซ๐จ-๐„๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฉ๐ซ๐ข๐ฌ๐ž ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐ Pinahusay ng mga magsasaka mula sa Barangay Cabawan...
22/10/2026

๐‚๐š๐›๐š๐ฐ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐‡๐ข๐ง๐š๐ฌ๐š ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐€๐ ๐ซ๐จ-๐„๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฉ๐ซ๐ข๐ฌ๐ž ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐ 

Pinahusay ng mga magsasaka mula sa Barangay Cabawangan ang kanilang kaalaman sa pagpapatakbo ng community-based enterprise sa pamamagitan ng dalawang araw na Training on the Introduction to Agro-Enterprise Clustering Approach for SAAD Community-Based Enterprise noong Oktubre 15โ€“16, 2026.

Dumalo sa pagsasanay ang mga miyembro ng Nagkakaisa at Produktibong Magsasaka Tungo sa Pag-unlad ng Brgy. Cabawangan Association Inc., na ginabayan ni Rostum N. Gonzaga, F2C2 Focal MIMAROPA at AECA Training Mentor kasama si Aaron Isidro, PDO I bilang mga tagapanguna ng pagsasanay.

Nagsimula ang pagsasanay sa pagtalakay sa agro-entrepreneurship at mindset development upang matulungan ang mga kalahok na magkaroon ng mas malinaw na pananaw sa pagpapatakbo ng kanilang enterprise bilang isang negosyo.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng tamang pagma-market ng produkto, kabilang ang pakikipag-usap at pakikipagnegosasyon sa mga buyer. Sa pamamagitan ng buyer-seller interaction workshop, naisabuhay ng mga magsasaka ang mga estratehiyang tinalakay sa pamamagitan ng isang aktuwal na simulasyon ng pakikipagtransaksyon.

Kasunod nito, pinag-aralan ng grupo kung paano unawain ang merkado at tukuyin ang mga oportunidad na maaaring makatulong sa kanilang produkto at enterprise. Gumawa rin ang mga kalahok ng mga module at supply plan bilang bahagi ng kanilang pagpaplano sa produksyon at pagtugon sa pangangailangan ng merkado.

Isinagawa rin ang market chain study upang matukoy ang daloy ng kanilang produkto at ang mga aktor na maaaring maging bahagi ng kanilang value chain.

Dinaluhan ng 35 na magsasaka ang nasabing pagsasanay kasama ang SAAD National Director na si Ulysses J. Lustria Jr. at Deputy Director Elmer L. Esplana. Kasama rin sa aktibidad sina NPMO MAED Lead na si Jackelyn Rebusit, at mga MAED staff na sina Faith Paulmanal, Arjay Polistico, at Arven Gerona.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, muling nagsagawa ng workshop kung saan inilapat ng mga kalahok na magsasaka ang mga natutunan mula sa mga talakayan at aktibidad.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang mas magiging handa ang grupo sa pagbuo ng mga estratehiya para sa kanilang enterpriseโ€”mula sa pagpaplano ng produksyon hanggang sa pagdadala at pagbebenta ng kanilang mga produkto sa tamang merkado.



๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š ๐‹๐ฎ๐ณ๐จ๐ง, ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ง๐  ๐–๐š๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐๐ซ๐š๐ก๐ฆ๐š๐ง ๐ง๐š ๐๐š๐ค๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐›๐š๐ซ๐š๐ง-๐‚๐š๐ฌ๐ข๐ฉ๐จ ๐‹๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ๐จ๐œ๐ค ๐‘๐š๐ข๐ฌ๐ž๐ซ๐ฌ ๐€๐ฌ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ซ๐ฅ๐š๐œNa...
21/10/2026

๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š ๐‹๐ฎ๐ณ๐จ๐ง, ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ง๐  ๐–๐š๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐๐ซ๐š๐ก๐ฆ๐š๐ง ๐ง๐š ๐๐š๐ค๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐›๐š๐ซ๐š๐ง-๐‚๐š๐ฌ๐ข๐ฉ๐จ ๐‹๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ๐จ๐œ๐ค ๐‘๐š๐ข๐ฌ๐ž๐ซ๐ฌ ๐€๐ฌ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ซ๐ฅ๐š๐œ

Nagkaloob ang Department of Agriculture โ€“ Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program ng walong (8) Brahman na baka sa Nagsabaran-Casipo Livestock Raisers Association noong Oktubre 16, 2026, sa San Clemente, Tarlac. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng programa na palakasin ang produksyon ng paghahayupan at kabuhayan ng mga benepisyaryong magsasaka sa rehiyon.

Binubuo ang ipinagkaloob na mga hayop ng pitong (7) babaeng baka at isang (1) barakong baka na gagamitin para sa natural na pagpapalahi. Inaasahang makakatulong ang mga ito sa pagpaparami ng alagang baka ng asosasyon, pagpapalawak ng kanilang produksyon ng livestock, at paglikha ng karagdagang mapagkukunan ng kita para sa mga miyembro nito.

Pinangasiwaan ni DA-SAAD Area Coordinator Jimmy Rowell Sombilla ang paghahatid ng mga baka sa asosasyon upang matiyak ang maayos na pagtanggap at pag-turn over ng mga hayop sa mga benepisyaryo. Pinangunahan ng pangulo ng asosasyon na si Elpidio Rico kasama ang mga miyembro nito ang pangtanggap sa mga baka.

Sa pamamagitan ng karagdagang ulo ng baka, layunin ng programa na palakasin ang kakayahan ng asosayon sap ag-aalaga at pagpaparami ng baka, gayundin ang pagtataguyod ng mas produktibo at napapanatiling gawaing pangkabuhayan para sa mga benepisyaryo.

Binigyang-diin din ng programa ang kahalagahan ng responsableng pangangalaga sa mga hayop. Inaasahang titiyakin ng asosasyon ang wastong pagpapakain, kalusugan, at panglalahatang pangangalaga sa mga baka upang mapanatili ang kanilang magandang kondisyon at kakayahang magparami.

Patuloy na isinusulong ng DA-SAAD Program ang pagbibigay ng angkop na suportang pang-agrikultura at pangkabuhayan sa mga kwalipikadong samahan ng mga magsasaka. Sa pamamagitan ng mga proyektong panghahayupan, layunin nitong mapalawak ang mga oportunidad sa produksyon, mapataas ang potensiyal na kita ng mga benepisyaryo, at mapatatag ang kanilang kabuhayan sa pangmatagalang panahon.



  | Matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture โ€“ Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Central L...
20/10/2026

| Matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture โ€“ Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Central Luzon ang paghahatid ng mga project markers sa mga benepisyaryong magsasaka sa Tarlac at Nueva Ecija noong ika-13 hanggang ika-15 ng Oktubre 2026.

Pinangunahan nina Joey Buan at Dexter Draizen P. Dumol ng DA-SAAD Central Luzon ang nasabing aktibidad. Sa kabuuan, 14 na project markers ang naihatid sa mga benepisyaryong Farmer Associations mula sa dalawang lalawigan.

Layunin ng pamamahagi ng mga project markers na maipakita at matukoy ang mga propyektong ipinatutupad sa ilalim ng SAAD Program, gayundin na maipabatid sa publiko ang mga tulong at serbisyong ipinagkakaloob ng programa sa mga benepisyaryong magsasaka.



Address

Regional Field Office III
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA - SAAD Central Luzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DA - SAAD Central Luzon:

Shortcuts

Share