LTO DLRO Robinsons Pampanga

Directions Website

LTO DLRO Robinsons Pampanga The New Official page of DLRO Robinsons Pampanga

15/09/2026
14/09/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†-๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐†๐๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐”๐๐€๐ƒ ๐๐† ๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐€๐“ ๐’๐€ ๐‹๐“๐Œ๐’; ๐๐€๐†๐†๐€๐Œ๐ˆ๐“ ๐๐† ๐’๐“๐‘๐€๐ƒ๐‚๐Ž๐Œ ๐‹๐“๐Ž-๐ˆ๐“ ๐’๐˜๐’๐“๐„๐Œ, ๐ˆ๐‡๐ˆ๐‡๐ˆ๐๐“๐Ž ๐๐€

Iniutos ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, sa lahat ng kinauukulang tanggapan ng ahensya ang agarang paghinto sa paggamit ng LTO-IT System ng STRADCOM sa mga ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด transaksyon at ang mahigpit na pagpapatupad ng ๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐—ธ๐—น๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด Land Transportation Management System (LTMS).

Ang direktiba ay alinsunod sa kautusan ng Office of the Ombudsman na naglalayong ihinto ang paggamit ng LTO-IT System ng STRADCOM at tiyakin ang paggamit ng LTMS sa mga transaksyon ng ahensya.

Sa ilalim ng Memorandum No. MVL-2026-207 at Memorandum No. MVL-2026-208, ipinag-utos ang agarang paghinto sa paggamit ng LTO-IT System sa Enhanced Driverโ€™s License System (EDLS) Pilot Sites at sa 42 designated Temporary Offsite Printing Offices (TOPOs).

Saklaw din ng direktiba ang pagproseso ng Certificate of Stock Report (CSR) at New Registration of Motor Vehicles, Motor Vehicle Renewal of Registration, lahat ng Driverโ€™s License transactions, at Miscellaneous Transactions.

Kabilang sa mga transaksyon sa Driverโ€™s License na sakop ng direktiba ang renewal, new application, duplicate o replacement, at change of information.

Ang lahat ng nasabing transaksyon ay dapat nang eksklusibong iproseso sa LTMS.

Inatasan din ni Asec. Lacanilao ang mga kinauukulang tanggapan na makipag-ugnayan sa mga kaukulang opisina ng LTO Central Office upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na transition, kabilang ang kinakailangang system configuration, user access, at iba pang operational requirements.

Anumang system limitation, technical issue, o operational difficulty na mararanasan sa panahon ng transition ay dapat agad i-report sa Management Information Division (MID) upang mabigyan ng agarang kaukulang aksyon.

โ€œPatuloy nating inaayos at pinapahusay ang mga sistema ng LTO upang maging mas mabilis, maayos, at maaasahan ang ating serbisyo. Ang paglipat sa LTMS ay mahalagang bahagi ng ating pagsisikap na magkaroon ng mas episyenteng proseso at mas mahusay na serbisyo para sa ating mga motorista,โ€ ayon kay Asec. Lacanilao.

Binigyang-diin ng LTO Chief na mahigpit na ipatutupad ang mga direktibang ito upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na paglipat sa LTMS, kasabay ng pagpapanatili ng episyente at maaasahang serbisyo sa publiko.

14/09/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang magiging offline ang system ng ahensya at maaaring magkaroon ng pansamantalang pagkaantala ng pagproseso ng mga transaksyon ngayong araw, Setyembre 14, 2026, bilang bahagi ng isinasagawang transition mula sa Stradcom LTO-IT System patungo sa Land Transportation Management System (LTMS).

Humihingi ang LTO ng pang-unawa ng publiko sa anumang abalang maaaring idulot ng pansamantalang pagkaantala. Magbibigay ang ahensya ng karagdagang abiso sa sandaling maging maayos na ang sistema at maaari nang ipagpatuloy ang mga transaksyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

๐™๐™๐™€๐™€ ๐™๐™ƒ๐™€๐™Š๐™๐™€๐™๐™„๐˜พ๐˜ผ๐™‡ ๐˜ฟ๐™๐™„๐™‘๐™„๐™‰๐™‚ ๐˜พ๐™Š๐™๐™๐™Ž๐™€ (๐™๐˜ฟ๐˜พ)LTO ROBINSONS STARMILLS Office invites interested applicants to our FREE Theoretica...
07/09/2026

๐™๐™๐™€๐™€ ๐™๐™ƒ๐™€๐™Š๐™๐™€๐™๐™„๐˜พ๐˜ผ๐™‡ ๐˜ฟ๐™๐™„๐™‘๐™„๐™‰๐™‚ ๐˜พ๐™Š๐™๐™๐™Ž๐™€ (๐™๐˜ฟ๐˜พ)

LTO ROBINSONS STARMILLS Office invites interested applicants to our FREE Theoretical Driving Course (TDC) on:

๐Ÿ“… ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿฐโ€“๐Ÿญ๐Ÿฑ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
๐Ÿ“ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—›๐—ฎ๐—น๐—น, ๐—–๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐Ÿฎ, ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†

๐—ข๐—ก๐—Ÿ๐—ฌ ๐Ÿฏ๐Ÿฑ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—–๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ง๐—ฆ ๐—ช๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—•๐—˜ ๐—”๐—–๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—ข๐——๐—”๐—ง๐—˜๐——!
Registration will be on a first-come, first-served basis.

๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜: Those who successfully register will receive a text message confirmation before September 14, 2026. Please wait for the confirmation message to ensure your slot.

๐—ฆ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ค๐—ฅ ๐—–๐—ผ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฐ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ธ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ธ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐˜„:
https://forms.gle/1bC58RP2V5Gg4MKd8

Thank you.

14/08/2026
14/08/2026

๐Ÿšจ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„๐Ÿšจ

Matapos ang isinagawang pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) Intelligence and Investigation Division (IID), napagdesisyunan ang perpetual revocation ng driverโ€™s license ng pick-up drayber at lifetime ban sa pagkuha ng anumang uri ng driverโ€™s license dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle. Bukod dito, napatunayang lumabag ang drayber sa Reckless Driving at Duty of Driver in Case of Accident kaugnay ng insidenteng nakuhanan sa viral video, kung saan nasagasaan at nahila ng naturang sasakyan ang isang batang naglalaro sa loob ng parking area ng isang establisyimento.

Samantala, nanatiling naka-alarm status ang naturang sasakyan alinsunod sa inilabas na Show Cause Order (SCO).

Patuloy na paiigtingin ng LTO ang pagpapatupad ng batas laban sa mga driver na nagdudulot ng panganib sa buhay at kaligtasan ng publiko. Sa ilalim ng pamumuno ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, titiyakin ng ahensya na mananagot ang mga mapatutunayang lumabag at mapananatili ang kaligtasan at kaayusan sa lansangan.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa unang aksyon ng LTO kaugnay ng insidente, maaaring basahin ang naunang post sa link sa ibaba:

https://www.facebook.com/share/p/1BhWuDnmr5/?mibextid=wwXIfr

14/08/2026
14/08/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Bilang pag-iingat sa kaligtasan ng publiko at mga kawani ng pamahalaan bunsod ng inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon, ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) na alinsunod sa Memorandum Circular No. 123 na inilabas ng Office of the President, ipatutupad ang work-from-home (WFH) arrangement ngayong araw, Agosto 10, 2026, sa lahat ng tanggapan ng LTO sa National Capital Region (NCR), gayundin sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, Zambales, Bataan, Rizal, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Benguet, Pangasinan, Abra, Tarlac, Pampanga, Oriental Mindoro, at Bulacan.

Sa ganitong sitwasyon, hinihikayat ang publiko na bigyang-prayoridad ang kaligtasan at ipagpaliban muna ang mga planong transaksyon sa mga tanggapan ng LTO. Ang mga transaksyong hindi maisasagawa sa nasabing araw ay maaaring ipagpatuloy sa oras na maibalik ang regular na operasyon ng mga tanggapan.

Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng LTO para sa mga susunod na update at manatiling alerto sa mga pagbabago sa lagay ng panahon. Higit sa lahat, manatiling ligtas at mag-ingat sa lahat ng oras.

Address

2nd Flr. Robinsons Starmills, San Jose
San Fernando

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO DLRO Robinsons Pampanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share