04/06/2026
๐๐๐ฐ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐๐๐ฌ๐ | Pagpapalakas ng mga samahang mangingisda, patuloy na isinusulong ng BFAR Region 1 sa ilalim ng SAAD Program
Patuloy ang pagsuporta ng BFAR Region 1 sa pagpapalakas ng kakayahan, pagkakaisa, at pamamahala ng mga samahang mangingisda sa pamamagitan ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program โ Social Preparation: Organizational Strengthening for Fisherfolk Association and Capacity Building.
Isinagawa ang nasabing pagsasanay noong ika-11 at 12 ng Mayo sa Dumalneg, Ilocos Norte para sa Dumalneg Farmers and Fisherfolk Association , at ika-13 at 14 ng Mayo 2026, sa Ablan, Burgos, Ilocos Norte para sa Buraan Fisherfolk Association.
Read full story: (to follow)
03/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐: Isinagawa ng BFAR-RFO1 ang 2026 Midyear Assessment of Accomplishments ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Phase II Program sa San Ildefonso, Ilocos Sur, nung ika-1 at 2 ng Hunyo 2026.
Sa loob ng dalawang araw na aktibidad, naglahad ang bawat yunitโang Regional Program Management Support Office (RPMSO), Provincial Program Management Support Office (PPMSO), at mga Area Coordinator (AC)โng kanilang mga detalyadong ulat hinggil sa mga naisagawang aktibidad at programang ipinatupad sa ilalim ng SAAD Phase II.
Masusing binigyang-pansin at sinuri ni Regional SAAD Focal Person RD Remely B. Lachica, ang bawat presentasyon upang matiyak ang maayos na pagpapatupad at pagsubaybay sa programa. Layunin ng aktibidad na maipakita ang kasalukuyang kalagayan ng implementasyon ng programa, kabilang ang mga karanasan ng mga asosasyon ng mga mangingisdang benepisyaryo. Tinalakay rin ang mga estratehiya at pinakamahusay na pamamaraan, gayundin ang mga hamon at alalahanin, upang higit pang mapabuti ang paghahatid ng mga benepisyo at serbisyo ng programa.
31/05/2026
๐๐๐ฐ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐๐๐ฌ๐ | National Fisherfolk Director Dario Pedong Nagpahayag ng Pasasalamat sa BFARโSAAD
โSa SAAD, ang mga pangako ay tinutupadโmaraming salamat po.โ
Ito ang taosโpusong pahayag ng kasalukuyang National Fisherfolk Director, Mr. Dario M. Pedong, nang bumisita siya kahapon sa opisina ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources โ Special Area for Agricultural Development (BFARโSAAD) upang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa ahensya, na naging mahalagang katuwang sa kanilang paglalakbay tungo sa mas maunlad na pamumuhay.
Si Mr. Pedong ay benepisyaryo ng BFARโSAAD Program Phase II at kasalukuyang nagsisilbing Presidente ng Hinablan Farmers and Fishermenโs Association (HiFaFiSa) sa Central Visayas.
Noong Mayo 4, 2026, siya ay nanumpa bilang National Fisherfolk Director sa isinagawang Mangingisdang Direktor Turnover Ceremony sa BFAR Central Office, Quezon City. Ang naturang seremonya ang nagsilbing opisyal na pagbubukas ng Buwan ng Magsasaka at Mangingisda 2026.
Sa patuloy na paglalakbay ng sektor ng pangisdaan, nananatiling katuwang ang BFARโSAAD Program sa pagtupad ng pangako ng mas maunlad na buhay para sa mga mangingisda. Pangunahing layunin ng programa na ihatid ang mga benepisyaryong mangingisda tungo sa ganap na communityโbased enterprises (CBEs).
31/05/2026
๐๐๐ง๐ฌ๐๐ก๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐
Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang Pambansang Araw ng mga Mangingisda at nagbibigay-pugay sa lahat ng matatapang na humaharap sa panganib sa ating mga karagatan, ilog, at lawa upang makapagbigay ng pagkain sa buong bansa. Kayo ang pundasyon ng ating katiwasayan sa pagkain at tunay na tagapangalaga ng ating mga yamang-tubig.
Ang inyong katatagan, kasipagan, at malawak na kaalaman sa karagatan ay nagbibigay-buhay sa maraming pamilya at pamayanan. Kinikilala namin ang inyong mga sakripisyo at muling pinatitibay ang aming pangakong ipagtatanggol ang inyong mga karapatan, paunlarin ang inyong kabuhayan, at tinitiyak na walang sinuman ang maiiwan sa pag-unlad.
Sa harap ng mga hamon tulad ng pagbabago ng klima, ilegal at hindi wastong pangingisda, at pagtaas ng presyo ng mga pangangailangan, magkaisa at magtulungan tayo. Itataguyod natin ang pamamahala na nakabatay sa agham at mga patakarang unang isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga maliliit na mangingisda.
Sa bawat mangingisda sa Rehiyon ng Ilocos at sa buong Pilipinas โ Mabuhay po kayo! Nawaโy laging puno ang inyong mga lambat, ligtas ang inyong pamilya, at umunlad pa lalo ang inyong mga pamayanan.
Mabuhay ang mangingisdang Pilipino!
07/05/2026
๐๐ฎ๐๐ ๐ฌ๐ผ๐๐ฟ ๐ก๐ฒ๐๐ ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ป๐ผ๐๐น๐ฒ๐ฑ๐ด๐ฒ: ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ถ๐ป๐๐ผ ๐ฆ๐๐๐๐ถ๐๐๐ผ๐ฟ๐๐ฎ - ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ฒ ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ๐ ๐ณ๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ณ๐ผ๐น๐ธ ๐ต๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ ๐๐๐ผ๐ฟ๐!
Ready to be inspired? Meet the heart and soul behind the SAAD Phase 2 program!
SAADistorya brings you closer to the invaluable journeys of our fisherfolk heroes. From the dedicated Area Coordinators on the ground guiding our beneficiaries, to the meticulous Procurement Officer working tirelessly behind the scenes, each one-page story is a powerful testament to the unwavering spirit and hard work that make this program possible.
Through their voices, we see how the SAAD program is truly transforming lives and empowering communities. Itโs more than just a program, itโs a movement built on determination and shared triumphs. Their stories are waiting to uplift and inform you.
This is SAADistorya.
Join us as we set sail on a journey through our fisherfolk's stories, challenges, and triumphs.
๐๐ฆ๐ข๐ฅ ๐๐๐๐๐ช๐ด๐ต๐ฐ๐ณ๐บ๐ข ๐ฏ๐ฐ๐ธ!
10/04/2026
๐๐๐ฐ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐๐๐ฌ๐ | Tilapia Growers Association kumita ng โฑ96,000 sa Kadiwa ng Pangulo
Naghatid ng preskong bangus ang Tilapia Growers Association sa bayan ng Lidlidda, Ilocos Sur sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo noong Marso 26, 2026. Umabot sa โฑ96,000 ang kabuuang benta mula sa 400 kilo ng bangus na naibenta sa halagang โฑ240 kada kilo, na nagbigay ng dagdag kita sa mga miyembro ng asosasyon. Masaya itong tinanggap ng mga residente bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.
09/04/2026
๐๐๐ฐ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐๐๐ฌ๐ | BFARโSAAD Nagbigay ng 18,000 Pirasong Semilya ng Ulang sa Imelda Kay Ganda Fisherfolk Association
Nakatanggap ang Imelda Kay Ganda Fisherfolk Association (IKGFA) sa Burgos, La Union ng 18,000 pirasong semilya ng ulang mula sa BFARโSAAD Program Phase II, Ilocos bilang interbensyon sa kabuhayan. Kasabay ng pagpapatuloy ng kanilang tilapia culture na nagsimula sa ikatlong siklo noong Marso, ipinatupad nila ang polyculture system kung saan pinagsasama ang tilapia at ulang sa iisang palaisdaan. Ito ang unang pagkakataon na sila ay magโaalaga ng ulang, at buong tapang nilang tinanggap ang hamon bilang bagong oportunidad para sa kanilang kabuhayan.