Land Transportation Office - Regional Office III

Directions

Land Transportation Office - Regional Office III Official page of the Land Transportation Office - Regional Office III (Central Luzon).

07/10/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…, ๐€๐†๐€๐ƒ ๐๐€ ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†-๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐’๐”๐’๐๐ˆ๐๐ƒ๐„ ๐€๐“ ๐ˆ๐Œ๐๐„๐’๐“๐ˆ๐†๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐‹๐“๐Ž ๐„๐๐…๐Ž๐‘๐‚๐„๐‘๐’ ๐๐€ ๐’๐€๐๐†๐Š๐Ž๐“ ๐’๐€ ๐๐€๐๐†๐†๐ˆ๐†๐ˆ๐๐ˆ๐“ ๐’๐€ ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐ƒ๐‘๐€๐˜๐๐„๐‘ ๐’๐€ ๐†๐”๐Œ๐€๐‚๐€, ๐๐”๐„๐™๐Ž๐

Agarang ipinag-utos ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang imbestigasyon at pagsuspinde sa LTO enforcers na nanggipit sa isang motorista sa Gumaca, Quezon.

Base sa isang viral video na nakarating sa ahensya, makikitang hinarang ng nasabing LTO enforcers ang motorista at angkas nito dahil sa di umanoโ€™y โ€œexpiredโ€ na Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR). Patuloy ang pagsasagawa ng LTO ng masusing imbestigasyon sa nasabing insidente upang makalap pa ang ibang mahahalagang impormasyon na maaaring magamit laban sa mga sangkot.

Titiyakin ng LTO na mapapanagot ang mga enforcers kung mapapatunayang nagkaroon ng mga paglabag. Hinihikayat ng ahensya ang publiko na patuloy na i-report ang mga katulad na insidente upang agad na mabigyang ng agaran at karampatang aksyon at solusyon.

07/10/2026

๐‰๐„๐„๐๐๐„๐˜ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘ ๐€๐“ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐Ž๐‘ ๐๐ˆ๐“๐Ž, ๐€๐†๐€๐ƒ ๐๐€ ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐˜๐”๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐‚๐Ž ๐๐† ๐‹๐“๐Ž ๐Œ๐€๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐Œ๐”๐๐“๐ˆ๐Š๐€๐๐† ๐Œ๐€๐’๐€๐†๐€๐’๐€๐€๐ ๐€๐๐† ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐„๐ƒ๐„๐’๐“๐‘๐ˆ๐€๐ ๐๐€ ๐“๐”๐Œ๐€๐“๐€๐–๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐“๐€๐Œ๐€๐๐† ๐“๐€๐–๐ˆ๐‘๐€๐; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€, ๐’๐ˆ๐๐”๐’๐๐ˆ๐๐ƒ๐„, ๐‰๐„๐„๐๐๐„๐˜ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€

Sa patuloy na pagsusulong ng Land Transportation Office (LTO) sa kaligtasan at proteksyon ng mga pedestrian, inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang isang jeepney driver at operator nito matapos muntikang masagasaan ang isang lalaki na tumatawid sa pedestrian lane.

Batay sa video footage na nakarating sa ahensya, makikitang tumatawid ang isang lalaki sa pedestrian lane habang kakaunti lamang ang mga sasakyang dumaraan. Sa halip na magbigay-daan, binilisan ng isang pampasaherong jeepney ang takbo nito at muntikang mabangga ang lalaking tumatawid. Matapos bahagyang huminto, sinabihan pa umano ng driver ng mga lapastangang salita ang pedestrian at nagpakita ng hindi wastong asal.

Agad namang ipinag-utos ni Asec. Lacanilao ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng driver at operator ng jeepney at maiharap sila sa kaukulang proseso ng LTO.

Matapos matukoy ng ahensya ang mga sangkot, inatasan silang humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Oktubre 13 upang magsumite ng kanilang mga sinumpaang salaysay at iba pang kaukulang dokumento bilang tugon sa mga alegasyon laban sa kanila. Nahaharap ang driver sa mga paglabag na Reckless Driving at Right of Way of Pedestrians.

Maaari namang masuspinde o tuluyang mabawi ang lisensya ng jeepney driver kung ito ay mapatunayang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Inaasahang isusuko ng driver ang kanyang lisensya sa IID, na isasailalim sa 90-araw na suspensyon, habang ang naturang jeepney ay isinailalim na sa alarm status.

Samantala, nahaharap naman ang operator sa mga paglabag na Employing Reckless, Insolent, Discourteous or Arrogant Driver at Breach of Contract.

โ€œMalinaw ang ating batas, ang pedestrian na nasa tamang tawiran ay dapat bigyan ng daan at proteksyon. Hindi maituturing na simpleng pagkakamali ang pagmamanehong naglalagay sa panganib sa buhay ng iba, lalo na kung sinasamahan pa ito ng hindi magadang asal sa kapwa,โ€ ani Asec. Lacanilao.

Patuloy na bibigyan ng proteksyon ng LTO ang lahat ng pedestrian at paiigtingin ang pagpapatupad ng mga batas at regulasyon upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa kalsada. Hinihikayat din ng ahensya ang publiko na maging mapagmatyag at agad na ireport sa LTO ang anumang insidente ng paglabag sa batas-trapiko, lalo na ang mga gawaing naglalagay sa panganib sa buhay at kaligtasan ng mga pedestrian.

07/10/2026

๐Ÿšจ ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ ๐Ÿšจ

Ipinataw na ng Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang revocation o pagbawi sa driverโ€™s license at dalawang taong diskwalipikasyon sa pagkuha ng bagong lisensya ng isang Grab Taxi driver na nasangkot sa pakikipagtalo at tangkang pananakit sa isang pasahero sa Makati City, matapos ang pagdinig noong Oktubre 2, 2026, sa Intelligence and Investigation Division (IID).

Batay sa pagsusuri sa mga salaysay ng sangkot na drayber at mga isinumiteng ebidensya, natukoy na may sapat na batayan upang ideklara siyang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, bukod pa sa paglabag sa Disregarding Traffic Signs. Samantala, nasa kustodiya ng ahensya ang driverโ€™s license ng drayber at nananatili sa alarm status ang sasakyan.

โ€œHindi kami nagbibigay ng lisensya sa mga drayber na hindi kayang gampanan ang responsibilidad at tamang asal na inaasahan sa isang pampublikong drayber. Kaya ipinataw namin ang kaukulang parusa sa kasong ito,โ€ saad ni Asec. Lacanilao.

Patuloy na paiigtingin ng LTO ang pagpapatupad ng mga batas at regulasyon upang matiyak na ang mga driver ay responsable, maayos makitungo, at hindi nagdudulot ng panganib sa kanilang mga pasahero.

Para sa karagdagang detalye, i-click ang link sa ibaba para sa naunang pahayag ng ahensya hinggil sa insidente.
https://www.facebook.com/share/p/1C2K3Y4L7L/

07/10/2026

๐‹๐“๐Ž, ๐๐€๐†-๐ˆ๐’๐˜๐” ๐๐† ๐’๐‚๐Ž ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐‘๐ˆ๐ƒ๐„๐‘ ๐๐† ๐Œ๐Ž๐“๐Ž๐‘๐’๐ˆ๐Š๐‹๐Ž ๐๐€ ๐๐€๐†-๐‡๐ˆ๐“-๐€๐๐ƒ-๐‘๐”๐ ๐’๐€ ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐๐† ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐“๐• ๐‡๐Ž๐’๐“ ๐’๐€ ๐€๐๐“๐ˆ๐๐Ž๐‹๐Ž ๐‚๐ˆ๐“๐˜; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž, ๐Œ๐Ž๐“๐Ž๐‘๐’๐ˆ๐Š๐‹๐Ž ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€

Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO) matapos makarating sa ahensya ang insidenteng kinasangkutan ng isang rider na nag-hit-and-run sa sasakyan ng isang TV host sa Antipolo City.

Kaugnay nito, humingi ng tulong ang TV host upang matukoy ang rider na sangkot sa insidente at maaksyunan ito alinsunod sa umiiral na batas at mga regulasyon.

Kaya naman, nag-isyu ng Show Cause Order (SCO) ang ahensya at inaatasan ang rehistradong may-ari at itinalagang rider na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) sa Oktubre 9, 2026, upang magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag at mga kaukulang dokumento kaugnay ng insidente.

Kabilang sa mga paglabag na tinukoy sa SCO ang Reckless Driving at Duty of the Driver in Case of Accident, habang maaari ring managot ang rider sa Improper Person to Operate a Motor Vehicle. Maaari ring matukoy ang iba pang pananagutan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng ahensya.

Naglabas din ang ahensya ng imbitasyon sa TV host na sangkot sa insidente upang humarap sa IID at magbigay ng kanyang pahayag na makatutulong sa masusi at patas na pagresolba ng kaso.

Samantala, inatasan ang naturang rider na agad na isuko ang kanyang driverโ€™s license sa IID at isasailalim ito sa 90-araw na preventive suspension habang nagpapatuloy ang kaukulang proseso.

Inilagay na rin sa alarm ang naturang motorsiklo habang isinasagawa ang imbestigasyon at kaukulang proseso ng ahensya.

โ€œMay responsibilidad ang bawat motorista na harapin ang anumang insidente na kanilang kinasasangkutan sa kalsada. Hindi dapat basta umalis sa lugar ng insidente dahil may kaukulang proseso na kailangang sundin at pananagutang dapat harapin. Ang bawat motorista ay dapat handang managot sa kanilang mga kilos at desisyon sa kalsada,โ€ ayon kay Asec. Markus V. Lacanilao.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na pairalin ang pag-iingat, disiplina, at pananagutan sa bawat pagmamaneho. Ang pagsunod sa batas at pagiging responsable sa kalsada ay mahalaga upang mapangalagaan ang kaligtasan ng bawat motorista at iba pang gumagamit ng kalsada at maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng pinsala.

06/10/2026

๐‹๐“๐Ž, ๐๐€๐†-๐ˆ๐’๐˜๐” ๐๐† ๐’๐‚๐Ž ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐ƒ๐‘๐€๐˜๐๐„๐‘ ๐€๐“ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐Ž๐‘ ๐๐† ๐‰๐„๐„๐๐๐„๐˜ ๐๐€ ๐’๐”๐Œ๐€๐‹๐๐Ž๐Š ๐’๐€ ๐ƒ๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐‘๐ˆ๐ƒ๐„๐‘ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐‹๐€๐Ž, ๐๐”๐‹๐€๐‚๐€๐; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐ˆ๐๐”๐’๐๐ˆ๐๐ƒ๐„ ๐€๐“ ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€ ๐‡๐€๐๐€๐๐† ๐ˆ๐๐ˆ๐ˆ๐Œ๐๐„๐’๐“๐ˆ๐†๐€๐‡๐€๐

Mabilis na inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ng Land Transportation Office (LTO), sa pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang itinalagang drayber at operator ng isang pampasaherong jeepney matapos sumalpok sa dalawang motorsiklong na naganap noong Oktubre 2, 2026, sa tapat ng Ningnangan Restaurant, Barangay Saog, Marilao Crossing, McArthur Highway, Marilao, Bulacan.

Batay sa post na ibinahagi ng page na โ€œMy Ride PHโ€ na kalaunan ay nakarating sa ahensya, makikita sa video ang isang pampasaherong jeepney na mabilis ang takbo bago biglang lumipat sa kasalungat na linya ng kalsada. Dahil dito, sumalpok ito sa dalawang motorsiklong na kapwa nasa kanilang tamang linyang patungong timog.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ni Asec. Lacanilao ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng itinalagang drayber at operator ng jeepney at maisagawa ang kaukulang aksyon laban sa mga responsable.

Nakasaad sa inilabas na SCO na kinakailangang humarap ang mga sangkot sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Oktubre 13 upang magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay, kasama ang iba pang kaukulang dokumento at ebidensyang maaaring magpaliwanag o sumuporta sa kanilang panig.

Nahaharap ang drayber sa alegasyon ng Reckless Driving. Maaari ring tuluyang bawiin ng ahensya ang lisensya ng sangkot na drayber kung mapapatunayang siya ay Improper Person to Operate a Motor Vehicle, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Samantala, nahaharap naman ang operator sa alegasyon ng Employing Reckless, Insolent, Discourteous or Arrogant Drivers.

Bukod dito, kapwa drayber at operator ay nahaharap din sa alegasyon ng Operating the Unit/s with Defective Parts and Accessories.

Inaasahang isusuko ng drayber ang kanyang lisensya sa IID at isasailalim ito sa 90-araw na preventive suspension habang nagpapatuloy ang proseso. Kasabay nito, isinailalim na rin sa alarm status ang nasabing jeepney bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon ng ahensya.

โ€œHindi katanggap-tanggap ang ganitong uri ng pagmamaneho, lalo na kung may nalalagay na buhay sa panganib. Ipinag-utos ko ang agarang imbestigasyon at nararapat na aksyon laban sa mga responsable. Kung mapatutunayang may paglabag, pananagutin natin sila alinsunod sa batas,โ€ pahayag ni Asec. Lacanialo.

Patuloy na paiigtingin ng LTO ang pagbabantay at pagpapatupad ng batas laban sa mga drayber at operator na naglalagay sa panganib sa buhay ng ibang motorista. Hinihikayat din ng ahensya ang publiko na patuloy na i-report ang mga insidente ng mapanganib na pagmamaneho, lalo na kung may larawan, video, o iba pang impormasyong makatutulong sa imbestigasyon. Ang bawat ulat mula sa publiko ay maaaring maging susi upang agad na matukoy ang mga responsable at maipatupad ang nararapat na aksyon.

06/10/2026

๐Ÿšจ ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ ๐Ÿšจ

Matapos ang isinagawang imbestigasyon at pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng colorum taxi driver na naningil ng P200 kada kilometro sa isang Person with Disability (PWD) na pasahero mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), tuluyang ipinataw ng ahensya ang Perpetual Revocation o Lifetime Ban sa pagkuha ng driver's license.

Matatandaang naglabas ang LTO ng Show Cause Order (SCO) laban sa nasabing taxi driver at operator nito matapos iulat ng magulang ng pasahero ang insidente ng overcharging. Ayon sa ulat, nang malaman ng pasahero na P200 kada kilometro ang sinisingil sa kanya, hiniling niyang ibaba na lamang siya sa isang gasolinahan at naghanap ng ibang paraan upang makauwi.

Sa isinagawang pagdinig sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office, napatunayan ang paglabag ng taxi driver sa Overcharging of Fare matapos maningil ng โ‚ฑ200 kada kilometro sa pasahero, gayundin sa Duty to have License dahil sa paggamit ng expired na lisensya habang namamasada. Natuklasan din na gumamit ang sangkot na taxi driver ng pekeng pagkakakilanlan at pekeng lisensya.

Dahil dito, idineklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle ang nasabing driver, na nagresulta sa Perpetual Revocation o Lifetime Ban sa pagkuha ng driver's license mula sa ahensya.

Samantala, nananatiling nasa alarm status ang ginamit na taxi bilang bahagi ng pagpapatupad ng kaukulang aksyon ng LTO.

Para sa karagdagang detalye hinggil sa insidente, i-click ang link sa ibaba: https://www.facebook.com/share/p/1bDKrsHyxu/

05/10/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…, ๐€๐†๐€๐ƒ ๐๐€ ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†-๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐“๐€๐– ๐๐† ๐‹๐ˆ๐…๐„๐“๐ˆ๐Œ๐„ ๐๐€๐ ๐’๐€ ๐ƒ๐‘๐€๐˜๐๐„๐‘ ๐๐€ ๐๐”๐Œ๐€๐๐†๐†๐€ ๐’๐€ ๐Ÿ–๐Ÿ-๐€๐๐˜๐Ž๐’ ๐๐€ ๐“๐”๐Œ๐€๐“๐€๐–๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐„๐ƒ๐„๐’๐“๐‘๐ˆ๐€๐ ๐‹๐€๐๐„ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐€ ๐‚๐ˆ๐“๐˜; ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐, ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€

Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng isang drayber na bumangga sa isang 82-anyos na babaeng pedestrian na tumatawid sa itinalagang pedestrian lane sa Naga City, Camarines Sur.

Batay sa isinumiteng ulat, bandang alas-5 ng umaga noong Oktubre 5, 2026, binabaybay ng naturang sasakyan ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Concepcion Grande, Naga City, Camarines Sur patungo sa Barangay Del Rosario nang mabangga nito ang 82-anyos na pedestrian na tumatawid sa itinalagang pedestrian lane.

Dahil sa insidente, nagtamo ng malubhang pisikal na pinsala ang biktima at agad na isinugod sa Bicol Medical Center para sa kaukulang lunas. Gayunman, kalaunan ay idineklarang dead on arrival ang biktima.

Kaugnay nito, agad na ipinag-utos ni Asec. Lacanilao ang lifetime ban sa naturang drayber bilang kaukulang pananagutan sa insidente.

Inatasan ang naturang drayber na isuko ang kanyang driverโ€™s license sa Intelligence and Investigation Unit (IIU) ng LTO Regional Office V para sa kaukulang proseso.

Inilagay na rin sa alarm ang naturang sasakyan at sinuspinde ang lahat ng kaugnay na transaksyon at operasyon nito habang isinasagawa ang kaukulang proseso ng ahensya.

โ€œHindi natin maaaring balewalain ang ganitong insidente, lalo na kapag pedestrian na nasa tamang tawiran ang nabiktima. Malinaw ang ating paninindigan na kailangang managot ang mga drayber na naglalagay sa panganib sa buhay ng ibang road users. Sa ganitong mga kaso, paiiralin natin ang mahigpit na pagpapatupad ng batas at kaukulang pananagutan,โ€ ayon kay Asec. Lacanilao.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na mahalagang bigyang-prayoridad ang kaligtasan ng mga pedestrian, lalo na sa mga itinalagang pedestrian lane. Ang maingat at responsableng pagmamaneho, gayundin ang pagbibigay-daan sa mga pedestrian, ay mahalaga upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng malubhang pinsala o pagkawala ng buhay.

05/10/2026

๐‹๐“๐Ž, ๐๐ˆ-๐‘๐„๐•๐Ž๐Š๐„ ๐€๐๐† ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐๐† ๐ƒ๐‘๐€๐˜๐๐„๐‘ ๐๐€ ๐๐€๐†๐•๐ˆ-๐•๐ˆ๐ƒ๐„๐Ž ๐‡๐€๐๐€๐๐† ๐๐€๐†๐Œ๐€๐Œ๐€๐๐„๐‡๐Ž ๐€๐“ ๐๐€๐†๐๐ˆ๐“๐€๐– ๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐€๐๐†๐Š๐Ž๐ ๐๐€ ๐Š๐Ž๐Œ๐„๐๐“๐Ž ๐’๐€ ๐ˆ๐๐’๐ˆ๐ƒ๐„๐๐“๐„ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‹๐’๐€๐ƒ๐€

Binawi ng Land Transportation Office (LTO), sa pangunguna ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang lisensya ng isang drayber matapos mapatunayang lumabag sa batas-trapiko dahil sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho upang kunan ng video ang isang insidente sa kalsada, kung saan narinig din ang hindi angkop nitong komento.

Dumalo ang drayber sa isinagawang pagdinig ng LTO kaugnay ng insidente. Batay sa naging pagtalakay at imbestigasyon ng ahensya, napatunayang nilabag ng drayber ang Anti-Distracted Driving Act matapos nitong sadyang magdahan-dahan sa gitna ng mabigat na daloy ng trapiko upang kunan ng video ang insidente habang nagmamaneho. Narinig din sa video ang komento nitong, โ€œSayang naman, hindi pa namatay,โ€ kung saan tinutukoy nito ang insidenteng tinutugunan ng mga law enforcer. Ang paggamit niya ng cellphone habang nagmamaneho at ang pagpapabagal ng takbo upang kumuha ng video ay nagdulot ng panganib sa kaligtasan ng drayber at ng iba pang motorista.

Natuklasan din sa imbestigasyon na mayroon nang naunang rekord ang drayber sa local government unit (LGU) traffic enforcement kaugnay ng dati nitong paglabag na counterflow.

Dahil dito, idineklara ang sangkot na drayber bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na naging batayan ng pagpapataw ng ahensya ng revocation sa kanyang driverโ€™s license.

Samantala, kusang isinuko ng drayber ang kanyang lisensya, habang nananatiling nasa alarm status ang sasakyan bilang bahagi ng kaukulang aksyon ng ahensya.

โ€œHindi biro ang isang insidenteng may nasaktan o nalagay sa panganib, kaya hindi dapat balewalain ang anumang kilos ng motorista na maaaring magdulot ng panganib sa kalsada. Sa kasong ito, malinaw na may pananagutan ang drayber sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho at sa kanyang naging kilos sa insidente. Dahil dito, ipinataw ng LTO ang kaukulang aksyon alinsunod sa umiiral na batas,โ€ ani Asec. Lacanilao.

Muling hinihikayat ng LTO ang mga motorista na maging responsable sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho at panatilihin ang maayos na asal sa kalsada. Hinihikayat din ang publiko na agad i-report sa LTO ang anumang insidente o paglabag na kanilang nasasaksihan upang maaksyunan at maimbestigahan ng ahensya.

๐Ÿ–‹๏ธ ๐๐„๐“๐“๐„๐‘ ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐€๐“ ๐๐„๐– ๐‹๐Ž๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐…๐Ž๐‘ ๐‹๐“๐Ž ๐Œ๐€๐๐€๐‹๐€๐‚๐€๐“! ๐ŸคA Memorandum of Agreement (MOA) for the relocation of the ๐‹๐“๐Ž ๐Œ๐š๐›๐š...
05/10/2026

๐Ÿ–‹๏ธ ๐๐„๐“๐“๐„๐‘ ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐€๐“ ๐๐„๐– ๐‹๐Ž๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐…๐Ž๐‘ ๐‹๐“๐Ž ๐Œ๐€๐๐€๐‹๐€๐‚๐€๐“! ๐Ÿค

A Memorandum of Agreement (MOA) for the relocation of the ๐‹๐“๐Ž ๐Œ๐š๐›๐š๐ฅ๐š๐œ๐š๐ญ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž was signed today, 5 October 2026, marking another step by LTO Region III toward greater convenience and a better experience for the motoring public.

The signing was led by Regional Director ๐๐๐†๐ž๐ง. ๐‘๐จ๐๐ž๐ซ๐ข๐œ๐ค ๐ƒ. ๐Œ๐ข๐ง๐จ๐ง๐  (๐‘๐ž๐ญ.) and ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐ญ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ ๐Œ๐ซ. ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ข๐ฌ๐œ๐จ ๐. ๐‘๐š๐ง๐œ๐ก๐ž๐ฌ, ๐‰๐ซ., ๐‚๐„๐’๐Ž ๐•๐ˆ, together with the proponent, ๐Œ๐š'๐š๐ฆ ๐„๐ฅ๐ข๐ณ๐š๐›๐ž๐ญ๐ก ๐†๐จ๐ฆ๐ž๐ณ ๐„๐ฌ๐ฉ๐ข๐ง๐จ๐ฌ๐š, and the witness, ๐Œ๐ซ. ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ ๐๐จ๐ฆ๐›๐š๐ง๐ญ๐ž ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ.

This milestone reflects LTO's commitment to giving residents of Mabalacat and nearby communities in Pampanga a more accessible, efficient, and dependable frontline service.

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐‡๐”๐Œ๐๐‹๐„ ๐‡๐„๐€๐‘๐“๐’, ๐’๐“๐‘๐Ž๐๐† ๐‹๐„๐€๐ƒ๐„๐‘๐’, ๐’๐“๐‘๐Ž๐๐†๐„๐‘ ๐‹๐“๐Ž!Monday mornings at LTO Region III begin with purpose. Today's flag-raisin...
05/10/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐‡๐”๐Œ๐๐‹๐„ ๐‡๐„๐€๐‘๐“๐’, ๐’๐“๐‘๐Ž๐๐† ๐‹๐„๐€๐ƒ๐„๐‘๐’, ๐’๐“๐‘๐Ž๐๐†๐„๐‘ ๐‹๐“๐Ž!

Monday mornings at LTO Region III begin with purpose. Today's flag-raising ceremony brought employees together to start the week with unity and a renewed sense of service.

๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ ๐๐๐†๐ž๐ง. ๐‘๐จ๐๐ž๐ซ๐ข๐œ๐ค ๐ƒ. ๐Œ๐ข๐ง๐จ๐ง๐  (๐‘๐ž๐ญ.) spoke about the value of ๐ก๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ in leadership, emphasizing that real leaders serve with sincerity and respect, and always strive to uplift the people around them.

Meanwhile, ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐ญ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ข๐ฌ๐œ๐จ ๐. ๐‘๐š๐ง๐œ๐ก๐ž๐ฌ ๐‰๐ซ., ๐‚๐„๐’๐Ž ๐•๐ˆ shared the latest updates on the ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฆ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง of eligible personnel, recognizing the hard work of employees and encouraging everyone to keep up the dedication and excellence.

Let's take these lessons with us this week as we continue working toward a more efficient, reliable, and people-centered LTO. ๐Ÿš™๐Ÿ’ผ

Address

Gov't Center, Brgy. Maimpis
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Land Transportation Office - Regional Office III posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share