22/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
Sa pangunguna ni Regional Director, Atty. Joyce S. Lapuz, Bataan Provincial Officer Engr. Michael Baldonado, Mr. Mark John Sebastian at Ms. Rebecca Reyes kasama ang Regional Review Body na sina TMSD Chief Randy Bernales, Engr. Mary Anne Peรฑa, Mr. Brown Talicuad at ng ating mga kapatid at mga lider na Ayta Magbukun mula sa Bataan, pormal nang na-aprubahan ng Commission En Banc (CEB) ang CADT ng ABBOSโna sumasakop sa mga bayan ng Abucay, Balanga, Bagac, Orani, at Samal sa lalawigan ng Bataan!
Ang tagumpay na ito ay bunga ng maraming taon ng sama-samang pagpupursigi, dedikasyon, at walang pagod na pagtatanggol sa ating lupang ninuno. Sa pag-apruba ng ating CADT, higit pang napapatibay ang ating karapatan, kultura, at pamana para sa mga susunod na henerasyon ng Ayta Magbukun.
Taos-pusong pasasalamat sa Commission En Banc (CEB) na pinamumunuan ni Sec. Nancy A. Catamco at ng ating mga commissioners mula sa iba't ibang rehiyon sa pag-apruba ng ating aplikasyon.
Ang ating lupaing ninuno ay ang ating buhay at kinabukasan. Patuloy natin itong alagaan, protektahan at ipagmalaki!