24/10/2026
2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY 2026
Matagumpay na isinagawa ng Barangay Sta. Lucia ang 2nd Semester Barangay Assembly ngaun October 24, 2026, sa Barangay Hall.
Pinangunahan ni Punong Barangay Roland David, kasama ang Sangguniang Barangay, ang paglalahad ng mga nagawa ng bawat komite mula Abril hanggang sa kasalukuyan, gayundin ang mga nakaplanong proyekto at programa para sa taong 2027.
Samantala, iniulat naman ni Barangay Secretary Alyssa Regala ang compliance at implementation ng mga programa at direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
π
RECOGNITION OF APPRECIATION
Bilang pagkilala sa kanilang kusang-loob na paglilingkod sa komunidad, kinilala rin ng barangay sina Rudy C. Guaio, President ng Wheeler, kasama ang mga miyembrong sina Allan Navarro at Norito Santos, dahil sa kanilang boluntaryong pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa Main Road ng Purok 7. Binigyan sila ng Certificate of Recognition at token bilang pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon.
Kinilala rin ang President ng Persons with Disability (PWD) Association na si Mrs. Jenny Fabian, dahil sa kanyang boluntaryo at aktibong pagtupad ng tungkulin sa Barangay Hall, gayundin sa pagtulong at pag-asiste sa mga PWD constituent. Bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon, siya ay ginawaran din ng Certificate of Recognition at token mula sa barangay.
Ang mga pagkilalang ito ay patunay na mahalaga ang pakikiisa, malasakit, at boluntaryong paglilingkod ng bawat mamamayan sa pagpapaunlad ng ating komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at patuloy na nakikiisa sa mga programa at proyekto ng ating barangay. Sama-sama nating itaguyod ang isang malinis, maayos, at maunlad na Barangay Sta. Lucia! π€