29/09/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐๐ข๐๐ ๐&๐: ๐๐๐ฆ๐-๐๐๐ฆ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ข๐๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐ฆ๐ ๐๐ฑ๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐ง๐๐
Ang Maritime Industry Authority Regional Office 1 & 2 (MRO1&2), sa pangunguna ni ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ซ๐๐๐ญ๐จ๐ซ ๐๐ญ๐ญ๐ฒ. ๐
๐๐ซ๐ง๐๐ง ๐. ๐๐๐๐ซ๐๐ฅ
, ay muling pinagtibay ang diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at dedikasyon kasama ang mga katuwang na ahensya, maritime stakeholders, at mga institusyong pang-maritime higher education sa pagdiriwang ng ๐ข๐ค๐-๐๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐ฆ๐ ๐๐๐๐ค (๐๐๐) ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐, na ginanap noong Setyembre 21โ27, 2026, na may temang: โ๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.โ
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan, naging matagumpay ang pagsasakatuparan ng mga aktibidad ng selebrasyon. Mula sa mga programa para sa maritime education, stakeholder engagement, maritime awareness, coastal clean-up, hanggang sa mga gawaing nagtataguyod ng kaligtasan at pangangalaga sa karagatan, naipakita ang iisang layuninโang patuloy na pagpapaunlad ng isang ligtas, sustainable, at mahusay na maritime sector.
Nagkaisa ang mga katuwang na ahensya at maritime stakeholders sa bawat gawain, na nagsilbing patunay ng kanilang patuloy na suporta, commitment, at pakikipagtulungan para sa isang mas matatag na maritime industry.
Bilang simbolo ng pagpapatuloy ng pagkakaisa at pananagutan, isinagawa rin ang pormal na pagpasa ng simbolo at pangunguna sa National Maritime Week 2027 sa Philippine Coast Guard.
Mula sa polisiya tungo sa pagsasagawa, ang bawat hakbang ay nagiging makabuluhan kapag isinasagawa nang may pagkakaisa at malasakit. Sa pagpapatuloy ng ating sama-samang adhikain, hindi lamang natin ipinagdiriwang ang maritime industryโsama-sama natin itong hinuhubog para sa isang mas ligtas, mas mahusay, at mas matatag na kinabukasan.