DPWH Regional Office III

Call Directions Website Contact the organization

DPWH Regional Office III The engineering and construction arm of the Philippine government.

Planning, construction and maintenance of quality roads and bridges; flood control systems and school and other government buildings.

23/10/2026

𝐏𝐁𝐁𝐌: 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐑𝐈𝐓𝐈𝐊𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐑𝐋𝐀𝐂 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐆𝐀𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐓𝐈𝐁𝐀𝐘
𝘋𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘨𝘥𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘭𝘭𝘦𝘭 𝘣𝘳𝘪𝘥𝘨𝘦𝘴 𝘴𝘢 𝘈𝘨𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘵 𝘈𝘲𝘶𝘪𝘯𝘰 𝘣𝘳𝘪𝘥𝘨𝘦, 𝘴𝘪𝘴𝘪𝘮𝘶𝘭𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 2027

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na pagpapatibay ng Agana Bailey Bridge at pagtatayo ng dalawa pang parallel bridges sa parehong Agana Bridge at Aquino Bridge para lalong mas mapabilis ang biyahe at transportasyon ng mga motorista, komyuter at pangunahing produkto sa probinsya.

Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, tuluy-tuloy ang rectification works, habang nilagyan ng DPWH ng fenders ang mga poste ng Agana Bridge para protektahan ito laban sa malalaking bato at iba pang debris oras na lumakas ang pagragasa ng tubig sa Tarlac River tuwing habagat season.

“Kasi alam niyo naman nung nagpunta si Pangulo rito, ‘yun ang binilin niya na magawang mabilis and protektado siya [Agana Bridge] na kahit rumagasa ulit ‘yung tubig, hindi na maulit ‘yung nangyari [pagkasira ng tulay]. Pwede naman ‘eh, basta gamitin lang ng tama ‘yung pondo”, sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon sa kaniyang pag-inspeksyon ng tulay kasama si Tarlac City Mayor Susan Yap.

23/10/2026

𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍: Sinisimulan na ng Department of Public Works and Highways ang pagsasaayos ng mga sira-sirang bahagi ng Manila North Road sa Meycauayan City, Bulacan upang masiguro ang ligtas na pagbiyahe ng publiko.

Kabilang sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkumpuni sa lubak-lubak na daan, gayundin ang pag-upgrade sa drainage system para masiguro ang tibay at kalidad ng istruktura, at makatulong na maiwasan ang pagbaha sa lugar.

𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐋𝐈𝐕𝐄 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄 𝐎𝐅 𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍 𝐈𝐈𝐈’𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐂𝐔𝐑𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒𝐖𝐞𝐞𝐤/𝐃𝐚𝐭𝐞 𝐃𝐮𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧: October 26 to 30, 2026𝐃𝐏𝐖...
23/10/2026

𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐋𝐈𝐕𝐄 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄 𝐎𝐅 𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍 𝐈𝐈𝐈’𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐂𝐔𝐑𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒
𝐖𝐞𝐞𝐤/𝐃𝐚𝐭𝐞 𝐃𝐮𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧: October 26 to 30, 2026

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐈𝐈𝐈
𝐘𝐨𝐮𝐓𝐮𝐛𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥: https://www.youtube.com/.RO.3

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐀𝐮𝐫𝐨𝐫𝐚 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
𝐘𝐨𝐮𝐓𝐮𝐛𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥: https://www.youtube.com/.AuroraDEO

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝟐𝐧𝐝 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
𝐘𝐨𝐮𝐓𝐮𝐛𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥: https://www.youtube.com/.Bataan2_DEO

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝟑𝐫𝐝 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
𝐘𝐨𝐮𝐓𝐮𝐛𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥: https://www.youtube.com/.Bataan3_DEO

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐁𝐮𝐥𝐚𝐜𝐚𝐧 𝟏𝐬𝐭 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
𝐘𝐨𝐮𝐓𝐮𝐛𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥: https://www.youtube.com/.Bulacan1DEO

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐁𝐮𝐥𝐚𝐜𝐚𝐧 𝟐𝐧𝐝 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
𝐘𝐨𝐮𝐓𝐮𝐛𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥: https://www.youtube.com/.Bulacan.2ndDEOb

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐁𝐮𝐥𝐚𝐜𝐚𝐧 𝟑𝐫𝐝 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
𝐘𝐨𝐮𝐓𝐮𝐛𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥: https://www.youtube.com/.Bulacan.3rdDEO

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚 𝟏𝐬𝐭 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
𝐘𝐨𝐮𝐓𝐮𝐛𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥: https://www.youtube.com/.NuevaEcija1stDEO

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚 𝟐𝐧𝐝 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
𝐘𝐨𝐮𝐓𝐮𝐛𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥: https://www.youtube.com/

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐏𝐚𝐦𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚 𝟐𝐧𝐝 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
𝐘𝐨𝐮𝐓𝐮𝐛𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥: https://www.youtube.com/.Pampanga2DEO

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐓𝐚𝐫𝐥𝐚𝐜 𝟏𝐬𝐭 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
𝐘𝐨𝐮𝐓𝐮𝐛𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥: https://www.youtube.com/.Tarlac1DEO

𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐚𝐥𝐞𝐬 𝟐𝐧𝐝 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
𝐘𝐨𝐮𝐓𝐮𝐛𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐧𝐞𝐥: https://www.youtube.com/.Zambales2DEO

22/10/2026

𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍: Muling nagpadala ng isa (1) pang yunit ng mobile pump ang Department of Public Works and Highways sa Iba Pumping Station upang mas mapabilis ang daloy ng tubig mula sa Iba-Wawa Creek patungong Angat River.

Walang tigil ang ahensiya sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa pagpapatuloy ng natigil na proyekto, kasunod ng utos ng Pangulo na agad itong tapusin nang sa gayon ay hindi na mamroblema pa sa pagbaha ang mga residente ng Hagonoy.

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Tinalakay ni Secretary Vince Dizon sa isinagawang pulong kasama ang Pampanga Provincial Government at mga kinat...
22/10/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Tinalakay ni Secretary Vince Dizon sa isinagawang pulong kasama ang Pampanga Provincial Government at mga kinatawan ng Local Water Utilities Administration at Local Water Districts, ang mga hakbang para sa pagpapatupad ng integrated solutions sa flood control projects, water impounding systems, at bulk water supply sa lalawigan.

Direktiba ng Pangulo na patuloy makipag-ugnayan ang DPWH sa mga water sector stakeholders upang magamit ang makokolektang tubig-ulan sa irigasyon at iba pang pangangailangan ng komunidad, gayundin ang matiyak na sasapat ang suplay ng tubig sa bansa ngayong papalapit na ang Super El Niño.

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Gagawing modelo ang konsepto ng Megaworld Capital Town Rainwater Park sa San Fernando, Pampanga sa mga public p...
22/10/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Gagawing modelo ang konsepto ng Megaworld Capital Town Rainwater Park sa San Fernando, Pampanga sa mga public parks at open spaces sa buong bansa, na bukod sa magbibigay karagdagang espasyo sa publiko ay kayang mag-imbak ng hanggang 20,000 cubic meters na tubig-ulan na nakikitang makatutulong sa pagkontrol ng pagbaha at matiyak ang sapat na suplay ng tubig, lalo sa panahon ng tagtuyot.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipagtulungan sa pribadong sektor upang maghanap ng iba’t-ibang solusyon para maibsan ang baha sa mga low-lying at flood prone areas at siguruhing mapakikinabangan ang mga detention basins at kaparehong pasilidad sa buong bansa para magamit ang tubig baha sa ibang paraan.

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Kasalukuyang nagsasagawa ng road reblocking project ang DPWH Pampanga 2nd District Engineering Office sa kahaba...
22/10/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Kasalukuyang nagsasagawa ng road reblocking project ang DPWH Pampanga 2nd District Engineering Office sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue sa mga bayan ng Guagua at Lubao, kasunod ng utos ng Pangulo na tiyakin ang ligtas at panatag na biyahe ng mga motorista.

Layunin ng proyektong ito na mas patatagin pa ang kalidad ng mga sira-sirang kalsada upang maiwasan ang anumang aksidente, gayundin para mabawasan ang madalas na pagkukumpuni sa mga istruktura.

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Siniguro ni DPWH Secretary Vince Dizon na mas mataas at pinatibay na kumpara sa dating “ampaw” ang flood mitiga...
22/10/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Siniguro ni DPWH Secretary Vince Dizon na mas mataas at pinatibay na kumpara sa dating “ampaw” ang flood mitigation structure sa Barangay Calizon, Calumpit, Bulacan nang inspeksiyunin niya ang kalagayan nito kahapon, October 21.

Kasunod ng utos ng Pangulo na tapusin na ang proyekto, sinabi ng Kalihim na mahigit isang (1) metro ang itinaas ng revetment wall upang makatulong maibsan ang pagbaha na madalas maranasan ng mga residente tuwing high tide, gayundin ang maprotektahan ang mga nakatira sa gilid ng Bagbag River at iba pang low-lying areas sa lugar.

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | Bid Bulletin No. 26-10-06, DPWH Nueva Ecija 2nd District Engineering Office
21/10/2026

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | Bid Bulletin No. 26-10-06, DPWH Nueva Ecija 2nd District Engineering Office

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | Supplemental Bulletin No. 7, DPWH Regional Office III
21/10/2026

𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | Supplemental Bulletin No. 7, DPWH Regional Office III

Address

Manila North Road
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63216502

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DPWH Regional Office III posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DPWH Regional Office III:

Shortcuts

Share