24/11/2021
A TOXICOLOGY CASE PRESENTATION (snake bite with signs of envenomation)
by Dr. Erwin Rommel Lusad- 1st year EM resident
Pioneer Emergency Medicine Training Program North of Manila
24/11/2021
A TOXICOLOGY CASE PRESENTATION (snake bite with signs of envenomation)
by Dr. Erwin Rommel Lusad- 1st year EM resident
27/05/2020
One with the whole world. StrongER2gethER
07/05/2020
The call is not only for them to be at the forefront of the Emergency Department, the call to give life to those who need it. Salute to our senior resident for the blood donation 🩸
02/03/2020
Tintinalli hour with Dr. Francis Soriano
03/02/2020
Monday lecture for Pre-residents
13/01/2020
Chief Resident’s lecture to Pre-Residents.
18/11/2019
Tintinalli hour Neurology
04/09/2019
Good luck to the medical board examinees and see you in November for your pre residency👍
Yehes, kapatid. Tumakbo ka na kung nakapatiwarik sila. Baka mga bampira na mga yan.
1. May titingin dapat muna sa inyong triage nurse or doctor (or guard) saka kayo uupo para matingnan. Once na nakapagpalista ka na, parang sa langit-lupa yan na “saved” ka na.
2. Ang pila sa ospital, hindi parang pila sa bangko. Dahil nga di naman 1 patient = 1 doctor/nurse, titignan muna ang mga nag-aagaw buhay or mga critical. Kahit nagdudugo pa ang tenga mo pero makakapag tumbang preso ka pa, uunahin yung bata na may asthma na kulay talong ang balat kahit pang #50 sila at ikaw eh #29.
3. May assigned na doctor/nurse na titingin sa bawat kaso at parang Chinese garter na may iba’-ibang level—iba para sa bata, iba para sa may problema sa bandang ulo (“ENT”), iba para sa high blood etc. Kahit doctor din sila, kailangang sundin ang hospital policy sa pila unless critical cases.
4. Dalhin ang listahan ng mga gamot at mga laboratory tests na ginawa sa loob ng isang buwan. Hindi na kailangan ng biodata with 2x2 body picture, birth certificate o family picture.
5. May kanya-kanyang schedule din mga doctor—may duty (sila kadalasan tatao sa ER), may from duty (kakatapos ng 24-hour-duty nila at pupunta na sa ward), at may pre-duty/floater (sila naman kadalasan sa OPD).
6. Kung sa assessment mo talaga sa sarili mo eh malala, magpa-reassess sa mga may dala-dalang papel. Sila kadalasan yung may hawak ng blotter/chart ninyo.
7. Pero... kung nababasa mo ito at nakakangiti ka pa, hindi ka malala.
8. Kung nakatayo lang sila, baka naman may stop dance, di ka lang na-inform. Or baka nagrerefer sila sa senior nila or nagsusulat sa chart. Kalma lungs and wait for your name to be called.
9. Kung nahihintay ka habang binabasa ng doctor itong post na to, idulog sa triage area—huwag sa Facebook Association of Keyboard Warriors. Ugaliin nating sumunod sa protocol para mapilitang sundin din ng iba ang mga tamang hakbang sa mga ganito.
10. Iwasang mag-name drop (driver sya ni mayor, kapitbahay namin yung presidente ng Czechoslovakia) or mag-astang pang Tulfo Brothers Cinema (hindi mo man lang ba kami titignan?!).
11. Bawal magvideo or magpicture sa ER, gaya ng pagbawal din sa amin ang iFacebook live ang mga konsultasyon namin.
Nalinawan ka ba sa post na to?