DSWD Field Office 1 - Ilocos Region

Call Directions Website Contact the organization

DSWD Field Office 1 - Ilocos Region Official page of the Department of Social Welfare and Development Field Office 1
(6)

Sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month, tampok ang   ni Jimmy G. Bansaen, isang Kankanaey na tubong Mangata...
14/10/2026

Sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month, tampok ang ni Jimmy G. Bansaen, isang Kankanaey na tubong Mangatarem, Pangasinan.

Bilang isang ama at DSWD Field Office 1 - Ilocos Region Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), pinagsisikapan niyang maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga anak. Ngunit hindi lamang sila ang nangarap na makapagtapos, si Jimmy man ay muling nag-aral sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) at nakamit ang sariling pangarap.πŸŽ“βœ¨

Tunghayan ang kuwento ni Tatay Jimmy, na nagpapaalala na ang edukasyon ay walang pinipiling edad, at hindi kailanman huli ang lahat para mangarap. πŸ’›πŸ’™β€οΈπŸ‘‡





Department of Social Welfare and Development - DSWD

TINGNAN I Patuloy na pinagyayabong ng  Salomague-Dardarat Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) mula sa Cabu...
14/10/2026

TINGNAN I Patuloy na pinagyayabong ng Salomague-Dardarat Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) mula sa Cabugao, Ilocos Sur ang kauna-unahang DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) SLP Long Line Fishing Project sa nasabing lalawigan.

Kasalukuyang hinahanda ng mga miyembro ang mga kagamitan nila sa pangingisda kagaya ng lambat, lubid, fish bait, at iba pa.

Nitong June 2026 lamang natanggap ng SLPA ang kapital mula sa DSWD FO 1 SLP kaya naman lubos ang kanilang pasasalamat sa tulong na ipinagkaloob sa kanila.

Bukod sa karagdagang kita para sa SLPA, nagbukas rin ito ng oportunidad sa mga fish vendors sa kanilang lugar dahil sa SLPA na sila nag-aangkat ng mga isdang maibebenta.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

14/10/2026

Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Atty. Claire Castro, together with Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, holds a press briefing with the MalacaΓ±ang Press Corps (MPC) on October 14, 2026.

  | Karagdagang pag-asa ang hatid ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region  (DSWD FO 1) para sa 498 beneficiaries mula sa ...
14/10/2026

| Karagdagang pag-asa ang hatid ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) para sa 498 beneficiaries mula sa Binalonan, Pangasinan matapos makatanggap ng tig-PhP.2,000.00 mula sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance noong Lunes, October 12, 2026.

Kabilang ang mga beneficiaries sa Group 2 o mga identified poor at near-poor kung saan kanilang tinanggap ang ikalawa sa anim na tranche ng UPLIFT Assistance bilang pandagdag sa pang araw-araw na gastusin.

Nakahanda ring tumulong ang mga kawani ng DSWDO FO 1 na nakatalaga sa DSWD Help Desk sa mga payout sites para sa iba pang concerns ng mga kababayan kaugnay sa UPLIFT Assistance at iba pang programa ng Department of Social Welfare and Development - DSWD, kung saan layunin nitong maihatid ang tamang tulong sa pamamagitan ng tamang impormasyon.


PhilHealth YAKAP, inilapit sa 156 na 4Ps beneficiaries sa Pasuquin, Ilocos NorteUmabot sa 156 na DSWD Field Office 1 - I...
13/10/2026

PhilHealth YAKAP, inilapit sa 156 na 4Ps beneficiaries sa Pasuquin, Ilocos Norte

Umabot sa 156 na DSWD Field Office 1 - Ilocos Region Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries ang naabot ng registration at information drive ng PhilHealth para sa Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) noong October 5, sa pangunguna ng 4Ps Municipal Operations Office ng Pasuquin.

Ipinaliwanag sa aktibidad ang mga serbisyong pangkalusugan na maaari nilang ma-access sa ilalim ng programa.

Patuloy naman ang DSWD sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya upang mailapit sa mga pamilya ang mga serbisyong makatutulong gaya ng pangkalusugan at gastusin sa pagpapagamot.




TINGNAN | 9K ulang, naipamahagi sa mga partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI sa San Gabriel, La UnionTig-3,000 ...
13/10/2026

TINGNAN | 9K ulang, naipamahagi sa mga partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI sa San Gabriel, La Union

Tig-3,000 ulang o freshwater prawns ang ipinamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 sa mga partner-beneficiaries ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) Risk Resiliency Program (RRP) – Project LAWA at BINHI sa Barangay Lipay Norte, Amontoc, at Polipol sa San Gabriel, La Union noong October 9, 2026.

Agad na inilagay ang mga ulang sa mga naitatag na Small Farm Reservoirs (SFRs) ng mga partner-beneficiaries, kung saan inaasahang maaari nang anihin ang mga ito matapos ang anim hanggang walong buwan.

Sa tulong at gabay ng mga katuwang na pambansang ahensya at lokal na pamahalaan, patuloy na pinauunlad at pinangangalagaan ng mga partner-beneficiaries ang kanilang mga proyekto upang magkaroon ng karagdagang mapagkukunan ng pagkain at kabuhayan, at makatulong sa pagtataguyod ng mas matatag at climate-resilient na mga komunidad.





Department of Social Welfare and Development - DSWD

New Skills Unlocked: Laoag City Kalesa SLPA, Sumabak sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II TrainingKasalukuyang sum...
13/10/2026

New Skills Unlocked: Laoag City Kalesa SLPA, Sumabak sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II Training

Kasalukuyang sumasailalim ang 21 miyembro ng Laoag City Kalesa Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II Training sa Brgy. Pila, Laoag City, Ilocos Norte.

Naisakatuparan ito sa pakikipag-ugnayan ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) SLP sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) - Marcos Agro-Industrial School, Department of Labor and Employment (DOLE), at iba pang sangay ng pamahalaan.

Inaasahang makakatulong ang kasanayang natutuhan ng mga kalahok upang mapanatiling maayos ang kondisyon ng kanilang mga kalesa, makabuo ng bagong kalesa para mapalitan ang mga luma na, at mapa-unlad pa ang kanilang kabuhayan habang patuloy na isinusulong ang kultura at tradisyon ng lungsod.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Karagdagang kaalaman at kasanayan sa 25 Persons with Disability (PWD) ang hatid ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region  ...
13/10/2026

Karagdagang kaalaman at kasanayan sa 25 Persons with Disability (PWD) ang hatid ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) matapos isagawa ang Dialogue with Employers cm Basic Business Management and Employment Seminar (BBMES) noong Miyerkules, October 7, bago ang kanilang deployment para sa On the Job training o OJT.

Katuwang ng Area 1 Vocational Rehabilitation Center (AVRC I) at Sustainable Livelihood Program (SLP) ang Public Employment Service Office (PESO) ng Dagupan LGU, PhilHealth, at SSS, kanilang pinalawak ang kaalaman ng mga participants gayundin ang oportunidad na magkaroon ng trabaho at kabuhayan.

Patuloy na isinusulong ng DSWD ang inklusibong oportunidad at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga PWD sa mas produktibo at malayang pamumuhay.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Ngayong National Indigenous Peoples Month, kilalanin natin ang mga kabataang katutubo na nagsisikap, nangangarap, at nag...
12/10/2026

Ngayong National Indigenous Peoples Month, kilalanin natin ang mga kabataang katutubo na nagsisikap, nangangarap, at nagbibigay-inspirasyon sa kanilang komunidad. ✨

Isa na rito si Valerie Joy Balaswit Cayabas mula sa San Nicolas, Pangasinan.

Bilang isang katutubong Ibaloi, hinarap niya ang mga hamon sa pag-aaral at nagtagumpay bilang Dean’s Lister at nagtapos na may Academic Distinction sa kursong Bachelor of Elementary Education.πŸŽ“

Sa tulong ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Pangasinan Scholarship Program, at iba pang katuwang, naipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral hanggang matapos ang kolehiyo. πŸ’›πŸ’™β€οΈ

Isa kang inspirasyon, Valerie Joy! πŸ₯³





Department of Social Welfare and Development - DSWD

πŸ“£πˆππ•πˆπ“π€π“πˆπŽπ π“πŽ ππ”πŽπ“π„πŸ“£DSWD Field Office 1 is inviting interested suppliers/service providers to quote their best proposal...
12/10/2026

πŸ“£πˆππ•πˆπ“π€π“πˆπŽπ π“πŽ ππ”πŽπ“π„πŸ“£
DSWD Field Office 1 is inviting interested suppliers/service providers to quote their best proposal for the following procurement opportunities:

πŸ“ŒLABOR AND MATERIALS FOR THE REPAIR OF TH-RCC ROOFING SYSTEM ALONGSIDE ADMINISTRATIVE BUILDING AND DORMITORY
(Approved Budget for Contract: 100,000.00)
(Deadline of Submission: on or before 14 October 2026 at 3:00 PM)

πŸ“ŒLABOR AND MATERIALS FOR REPAIR AND IMPROVEMENT OF TH-RCC ISOLATION BUILDING
(Approved Budget for Contract: 635,224.50)
(Deadline of Submission: on or before 14 October 2026 at 3:00 PM)

πŸ“ŒLABOR AND MATERIALS FOR THE REPAIR AND IMPROVEMENT OF ADMINISTRATIVE BUILDING
(Approved Budget for Contract: 1,885,785.09)
(Deadline of Submission: on or before 14 October 2026 at 3:00 PM)

πŸ“ŒLABOR AND MATERIALS FOR THE REPAIR AND IMPROVEMENT OF HFW ADMINISTRATIVE BUILDING ROOF AND CEILING
(Approved Budget for Contract: 600,000.00)
(Deadline of Submission: on or before 14 October 2026 at 3:00 PM)

πŸ“ŒLABOR AND MATERIALS FOR THE REPAIR AND IMPROVEMENT OF HFG STORAGE ROOM
(Approved Budget for Contract: 269,540.81)

πŸ“ŒLABOR AND MATERIALS FOR THE REPAIR AND IMPROVEMENT OF HFG MULTI-PURPOSE HALL
(Approved Budget for Contract: 240,419.43)
(Deadline of Submission: on or before 14 October 2026 at 3:00 PM)
Please check the uploaded documents for more details.

πŸ“ŒLABOR AND MATERIALS FOR THE REPAIR AND IMPROVEMENT OF HFG DORMITORY BUILDING
(Approved Budget for Contract: 469,030.17)
(Deadline of Submission: on or before 14 October 2026 at 3:00 PM)

πŸ“‚ ACCESS THE COMPLETE PROCUREMENT DOCUMENTS
Interested contractors/suppliers may view and download the complete Request for Quotations (RFQs), technical specifications, and other supporting attachments through the link below:

πŸ”— CLICK HERE TO ACCESS THE RFQs AND ATTACHMENTS

Please carefully review the applicable RFQ and its attachments for the complete requirements, specifications, and submission instructions.

πŸ“© SUBMISSION OF QUOTATIONS
Interested contractors/suppliers may submit their quotations through:

πŸ“« Walk-in Submission:
Procurement Section, DSWD Field Office 1, Quezon Avenue, City of San Fernando, La Union

πŸ“¨ Email Submission:
[email protected]

☎️ For inquiries:
(072) 687-8000 local 11222

We encourage all interested and qualified contractors/suppliers to participate!


Address

DSWD FIELD OFFICE 1, QUEZON Avenue, BARANGAY SEVILLA
San Fernando
2500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63726878000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Field Office 1 - Ilocos Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DSWD Field Office 1 - Ilocos Region:

Shortcuts

Share